PEMPEM 26

100 3 0
                                    

January 30, 2016

Dear Diary,

    OMAIGAAAAAAAAAAADD

    ANG CREEPY,, I KEEENAATTT >.<

    Napapraning ako, MAYGAAAD.

    Eto kasi nangyari..

   Pumunta ako ng park kaninang umaga para naman makalanghap ako ng sariwang hangin, makapagmunimuni--pero waahhaoaaotmmy3ldph0spe9fkakrkkelslslrl44

   Nakita ko si matandang creepy sa bench ng park.. T.T

   Uuwi nalang sana ako kanina pero bigla siyang nagsalita..

   "Ang ganda ng panahon, hindi ba?"

   Siyempre lumingon pa ako sa paligid para tignan kung may iba pa bang tao bukod sa aming dalawa.. T.T baka kasi hindi ako yung kausap niya..

   Pero sofoyntk0s9hrwotjwksk nangilabot ako kanina nung lumingon siya sa akin tapos nguniti WAAAAHH T.T

   Isinenyas niya pa yung tabi niya para maupo ako.. hindi ko alam pero hindi ako nakatanggi sa kaniya T.T ang creepy niya kasi..

   Naupo nalang ako sa tabi niya.. T.T baka mamaya kulamin pa ako e.

   Ang awkward kasi pagkatapos nun wala nang nagsalita sa amin.. hindi naman ako makapagsalita kasi baka masabihan akong feeling close..

   Tapos bigla siyang nagsalita mayamaya nun kaya nagulat ako, napatili pa ako T.T

   "Nakikita mo ang mga sintas na ito?" Ipinakita niya sa akin ang puti at pulang sintas na hawak. Natigilan ako kasi pamilyar ang mga iyon. "Panoorin mo ang gagawin ko." Ipinulupot niya ang dalawang sintas at nang masagad na ang pagkapulupot ng mga ito ay saka niya ito hinila at nagulat na lang ako nang makita na naging tig-kalahating kulay na ang dalawang sintas. Kung kanina ay pula at puti lang ang sintas, ngayon ay pula at puti na ang kulay ng mga ito.

   Napalunok ako sa nakita at napagtanto na napanaginipan ko na ang pangyayaring iyon.

   Lumingon ako sa matanda at nakangiti ito sa harapan ko. Nagitla ako pero pinilit ko na umabante paatras ng pagkakaupo sa kaniya para makalayo-layo ako kahit papaano..

   Kinindatan niya ako bago siya tumayo at iniwan niya ako roon na nakatulala..

   KSJY3MW9G9WKYMAK KINIKILABUTAN PA RIN AKO.. T.T

   Imbis na gumaan yung kalooban ko, lalo namang bumigat dahil sa kaniya.. >.<

   Pero..

   ... ano ba talagang pinaplano niya?

   Hindi naman siguro ako kasali roon sa mga binabalak niya.. diba?

   DIARY, HELP ME!! T.T

Naninigas ang pempem,
p3mPeM❇️

Ang Diary ni Pempem [SEASON ONE]Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ