OTEN [SEASON 1 END SPECIAL]

120 2 0
                                    


OTEN'S POINT OF VIEW

Araw-araw kong nararamdaman na mayroong sumusunod sa akin at kilala ko kung sino iyon, pero hindi ko alam kung ano ang pinaplano niya, kung ano ang balak niya at kung ano ang habol niya sa akin. Subalit imbis na komprontahin siya ay mas pinili kong huwag na lang.

Tinignan ko ang kalendaryo na nakasabit sa dingding ng bahay ko. Pebrero a cuatro na ngayon at oras na para pumasok sa pinapasukan kong construction.

Pasado alas dose na ako nakaalis ng bahay suot ang uniporme ko. Hindi ko alam kung bakit pero may kung ano akong nararamdaman na hindi maganda sa araw na ito.

"O-Oten.." Napalingon ako sa mga babae na papalapit sa akin. Alam ko na kung ano ang sasabihin nila pero hinayaan ko na lang na lumapit sila sa akin.

"P-Puwede ka ba namin maka-date?" Namula silang tatlo at nag-iwas ng tingin sa akin. Ipinukol ko sa kanila ang paningin ko at ipinakita ko na wala akong interes sa kanila.

"Hindi." Tipid na sagot ko saka sila iniwan doon.

Hindi na bago sa akin ang mga ganoong pangyayari dahil halos araw araw ay mayroong lumalapit sa aking babae para ayain akong makipag-date sa kanila.

Hindi naman sa pihikan akong tao pero gusto ko muna magkaroon ng permanenteng trabaho. Kailangan ko munang makatapos ng kolehiyo bago ako makipagkita sa mga babae. Ako na lang ang bumubuhay sa sarili ko at ayokong magkaroon ng sagabal. Kaya nga ako nagtatrabaho para sa pantustos ko sa pag-aaral ko, hindi sa panglalandi.

Natigilan ako sa paglalakad nang mapansing dumidilim ang paligid.

Napaangat ako ng tingin sa kalangitan at doon ko nakita na unti-unting tinatakpan ng buwan ang liwanag ng araw.

Naramdaman kong biglang humangin ng malakas kasabay ng pagsisiliparan ng mga kalat at buhangin. Ang mga ulap ay parang galit dahil sa malalakas na kulog na ginagawa ng mga ito, subalit kahit na ganoon ay walang pumapatak na ulan.

Ang mga tao sa paligid ay nagtatakbuhan papasok ng mga bahay nila habang ako ay hindi gumagalaw at tila naestatwa sa kinatatayuan.

"Durante el eclipse de sol del cuarto día del segundo mes de dos mil dieciséis, las dos cuerdas se unirán por completo y se separarán inmediatamente. A partir de ese fenómeno, las dos cuerdas cambiarán de color e identidad." Napalingon ako sa nagsalita at doon ko nakita sa harapan ko ang matandang matagal ko nang napapansin na sumusunod sa akin. Ngingiti-ngiti ito sa harapan ko na para bang alam niyang magtatagumpay siya sa kung ano man ang pinaplano niya.

Sa hindi maipaliwanag na dahilan ay naunawaan ko ang Espanyol na sinabi niya.

During the eclipse of the sun on the 4th day of the second month of 2016, the two strings will unite completely and immediately separate. From this phenomenon, the two strings will change color and identity.

Hindi ko maintindihan kung ano ang gusto niyang iparating dito ngunit natigilan ako nang maalala ang mga panaginip ko nitong mga nakaraan tungkol sa puti at pulang sintas. Magkapulupot ang mga iyon sabay hihiwalay sa isa't isa at biglang magiging tig-kalahati na ang kulay ng mga iyon.

Nakipagtitigan lang ako sa kaniya. Kung ako ay hindi mababakasan ng kung anong emosyon sa mukha, siya naman ay ngingisi-ngisi sa harapan ko.

"Alam kong matagal mo na akong sinusundan.. ano ba ang nais mo mula sa akin?" Walang interes na tanong ko.

Hindi niya ako sinagot at sa halip ay lalo niya lang pinalawak ang ngisi sa labi.

Nangungunot-noo akong napahawak sa ulo ko nang makaramdam ng sakit mula roon at muling lumabas ang mga alaala ng panaginip ko.

Ang dalawang sintas ay pumulupot na sa isa't isa, sobra ang pagkapulupot ng mga ito.

"Tignan mo, ang ganda ng kalangitan." Napadilat ako nang magsalita ang matandang iyon at napalingon naman ako sa kalangitan.

Ang buwan ay tuluyan nang naharang ang liwanag ng araw

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Ang buwan ay tuluyan nang naharang ang liwanag ng araw. Ang buong paligid ay tuluyan nang nilamon ng dilim.

Lalong humigpit ang pagkakakapit ko sa buhok ko nang lalong sumakit ito hanggang sa mapangiwi na ako dahil unti-unti na akong nakakaramdam ng pagkahilo.

Ang dalawang sintas na sobra ang pulupot sa isa't isa ay biglang napahiwalay sa isa't isa at sa pagkakataong iyon ay nagkaroon na ng tig-kalahating kulay ang dalawang sintas. Puti at pula.

Napabuga ako sa huling pagkakataon at impit na ininda ang sakit ng ulo bago ako nawalan ng malay.

Ano ba talagang.. ang pinaplano niya..?

Ang Diary ni Pempem [SEASON ONE]Where stories live. Discover now