PEMPEM 29

100 3 0
                                    

February 2, 2016

Dear Diary,

   Maganda ang araw na to, walang nangyaring away o kahit ano. In fact, niyaya pa nga ako nila Andrei saka nung girlfriend at mga kaibigan nila nung break time na kumain sa canteen, hindi na ako tumanggi kasi sa tingin ko ito na yung chance ko para makaclose sila..

   Wala kaming ibang ginawa kundi kumain saka magtawanan..

   Medyo napikon lang ako sa isang kaibigan ni Andrei kasi pasmado yung bibig.

   "Maganda ka rin pala Pempem, subukan mo lang maligo, mag-ayos ng sarili saka maglaba ng mga damit mo, panigurado mas may igaganda ka pa.. Actually mahinhin ka, e, babaeng-babae kumilos.. iyung puwet mo ang sarap panoorin kasi kapag naglalakad ka kumekembot, tapos yung kamay mo kapag may hawak ka umaangat yung hinliliit mo, iyung mata mo ang pungay tapos--"

   Doon lang siya natigil kasi pinagbabato na siya ng sapatos ng mga kaibigan niya.. nakitawa nalang din ako kahit nakaramdam ako ng uneasiness.

   Hindi naman mahirap pakisamahan yung mga kaibigan ni Andrei, mababait naman sila bukod doon sa lalaking yon na pasmado yung bibig na akala mo ganun na kami kaclose para sabihan niya ng ganun.. hello??

   Sa tingin ko talaga, magiging maganda ang buwan na to at sa mga susunod pa..

Natutuwa,
p3mPeM ❇️

Ang Diary ni Pempem [SEASON ONE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon