PEMPEM 22

102 4 0
                                    

January 26, 2016

Dear Diary,

   Pumasok pa rin ako kanina kahit wala akong ganang pumasok.. kahit nahihiya akong makita si anDrei asAwaq.. kahit nasasaktan pa rin ako sa mga nasabi niya sa akin..

   Buong araw ko siyang iniwasan.. lumayo ako ng upuan sa kaniya. Nung break time, hindi ako nagpunta sa canteen kasi alam kong magkasama sila ng girlfriend niya at kailangan kong dumistansiya.

   Sa tingin ko nga.. dapat na akong magpakamature.. o kung hindi man, iwasan ko nang magpantasya tungkol sa kaniya kasi alam kong imposible at ako lang din ang masasaktan sa huli.

   Alam kong sa una pa lang ay talo na ako, sa kahit saang pagkakataon, sa kahit anong opsiyon, ako ang talo at ako ang hindi pinipili..

   Noong uwian na namin, tumakbo agad ako palabas ng classroom kasi alam ko at kailangan kong umiwas, kailangan kong dumistansiya.

   Kung dati ay dikit ako nang dikit tuwing uwian kay Andrei, sa tingin ko ngayon ay hindi ko na dapat pang gawin iyon.

   I want and needed to be matured.

   Because this jeje girl, this dugyot girl is never been in the options.. so she will never be chosen.

Pempem.


¿Estás seguro?  

Ps. Hindi ako yung nagsulat nung Spanish sa taas.. Ang creepy.. nagpunas lang ako ng luha bigla nalang nagkaron niyan..

Ang Diary ni Pempem [SEASON ONE]Where stories live. Discover now