PEMPEM 23

101 6 0
                                    

January 27, 2016

Dear Diary,

   Iniiwasan ko pa rin si Andrei hanggang ngayon at sa tingin ko tama itong ginagawa ko ngayon..

   Hindi ko mapigilan mag-isip kanina kung napapansin niya kaya na iniiwasan ko siya?

   Tapos natauhan ako na paano niya naman mapapansin iyon, sino ba naman ako para pagtuunan niya ng pansin.

   Narealize ko lang kung paano ako naging katawa-tawa kakahabol sa kaniya, kakapantasiya na sana dumating iyung araw na pipiliin niya ako, na dumating iyung araw na ikakasal kami dahil minamahal namin ang isa't isa.

   Sa totoo lang, matagal na akong may gusto kay Andrei.. siguro elementary pa lang.. hindi ko alam kung tama ba na umamin pa ako kasi wala lang naman ako, sino ba naman ako at alam ko namang hindi niya marereciprocate iyung nararamdaman ko para sa kaniya. Guwapo siya, pangit ako. Hindi kami match, eh. Doon pa lang alam ko nang malabong maging kami pero mas pinili kong umasa ng palihim.

   Hindi ko alam kung infatuation lang itong nararamdaman ko sa kaniya o mas higit pa roon.

   Saka.. alam ko namang nakilala niya lang ako dahil matagal niya na akong kaklase. Pero kahit na ganoon, nagpapasalamat pa rin ako dahil alam niya ang pangalan ko at nakikita niyang nag-eexist pala ako.

   Siguro mula ngayon iiwasan ko na siya kasi ayoko nang umabot pa sa puntong sa sobrang pagkahulog ko sa kaniya ay hindi ko na magagawa pang makaahon.

   All this time, pinilit kong pasiyahin ang sarili ko.. or more like gawing katawa-tawa iyung sarili ko.

   Ginawa kong dugyot iyung sarili ko, clumsy, klutz, jejemon..

   Kasi sa tingin ko sa paraang iyun, mapapansin din ako ni Andrei.

Pempem.

Ang Diary ni Pempem [SEASON ONE]Where stories live. Discover now