Chapter 12

85 7 6
                                    

Happy New Year




Ewan ko anong isasagot ko dahil nakaka conscious itong katabi ko parang nakikipag-usap sa'kin through telepathy. As if may powers siya. Bahala na nga.




"I choose truth," I said. Parang may mali akong nasabi, ah? Bigla nalang nasamid si Dee, hindi ko alam kung bakit. Rinig ko naman ang malademonyong tawa ng mga nakapaligid, pati nga si Erina parang alam na ang balak ng mga kaibigan.





"May nagugustuhan ka ba ngayon na nandito ngayon?" parang kung may ano na bumara sa lalamunan ko. I could have easily said no but I would lie to myself especially on Dee. I don't know if I really like him to say na gusto ko siya and I don't want to assume or whatsoever.





Fine I'll answer anything. "Yeah, I do." I then shrugged as if what I said was nothing pero ang paligid ko panay tili ang mga lalaki naman pumalakpak pa. Jusko naman. I saw in my peripheral vision of Deandre smiling. Punyeta!





"Oh, Erina anong masasabi mo sa Ate mo?"




"Sana all!" sigaw pa niya. We all laughed at her remark. Oras na ata para hanapan ko na ito ng jowa. Nirereto kasi siya sa iba pero mapili ayan tuloy wala nang pumili sa kanya.






I saw how Dee's eyes kept on looking at me. Hindi niya inaalis ang tingin niya sa'kin. I suddenly felt awkward at the moment.




Binaling ko ang atensyon ko sa bote na umiikot. Huminto naman iyon kay Lenorah. Medyo nanghihinayang sumagot kasi kasali ang kuya niya sa laro. Medyo protective rin kasi ang may mga kuya rito. Ewan ko bakit kasi sila pinasali ayan tuloy.




"Tell me the name of you're pen pal, Who is it?" tanong ng Ate ni Emiellya na si Alisha. Tumango rin yung isa pang kapatid na si Alanna.





"Huy, chismosa kayo. Saan niyo nalaman niyan?" kinabahan ako na baka ako ang ituturo ng Ate niya, ako pa naman ang nagsabi. Secret 'yun!





"Nah-ah, we're the ones who're suppose to ask not you," nakahinga ng maluwag dahil nakalusot ata ako.





Lahat kami ay napatawa dahil sa reaksyon niya. Sumagot lang siya ng 'KD' at pagkatapos nag-ikot na naman.





30 minutes ata kaming naglaro pero hindi parin natataya si Dee. Ang swerte nga naman.






"Okay, last na 'to." inikot ni Erina ang bote at pinanuod naming lahat kung saan hihinto. At sa wakas naman ay huminto na sa tapat ni Deandre. Biglaang nagtili ang lahat maliban sa aming dalawa. Parang madadamay ata ako rito, feeling ko lang. Truth ang pinili niya kaya mabilis na nilapag ang tanong.





"Kuya Dee, Can you name the person you like right now?" iyan ang naging tanong ni Erina. Napatigil ako dahil hindi ko alam kung anong gagawin. My heart was beating double in beat and I don't even know why! What? Am I expecting him to say my name or something-






"Yes, I can." confident niyang sabi saka tumingin sa'kin. Nang napansin ang titig ay hindi ko namalayan na nagkatitigan na pala kami. Rinig ko na ang panay tili at palakpak sa aming paligid pero parang wala lang 'yun sa kanya.






"Her name is Aishiah," with that naghiyawan ang lahat nagulat ako sa lakas ng hiyaw pero ang mas nakakagulat ay nakita ko sa likod namin na nakikinig pala ang mga magulang namin. Pati sila ay naghiyawan din. Punyeta! Narinig nila 'yun?! Nakakahiya!!! Napatakip na lang ako sa mukha ko sa kahihiyan. Jusko naman sana kunin na ako ngayon din!








Love EncounterWhere stories live. Discover now