[6]

170 118 17
                                    

"Aray!"


Napangiwi ako sa sakit ng mauntog sa headboard ng kama. Masakit na nga ang ulo ko dahil sa hangover, mas lalo pang sumakit at baka magka bukol pa ako. I awoke because of the sound of my phone ringing but I ignored it.


I lightly shook my head, trying to remember what happened last night. I stared into space until memories came rushing in.


"Probably the reason why my cousin's into you."


Shoot! That was freakin' real?! 


Like someone snapped their finger in my ear, unti-unti kong naalala kung paano ako bumalik sa loob ng bahay nina Caleb at nakihalo sa mga tao para makarating sa kinalalagyan ng mga inumin. I recalled drinking tequila shots and my friends, including Wade, were stopping me but I continued drinking anyway. Hanggang sa mawalan ako ng malay. And then I remembered nothing. Fudge!


Napabalikwas ako sa pagkakahiga ng muling tumunog ang cellphone ko. Inis ko itong pinulot at sinagot ang 'accept-call' button without even looking at the caller ID.


"Miss Aria Astrielle?" Came a stern voice came from the other line.


Tiningnan ko ang Caller ID at nakita'ng pangalan ni Ms. Alfonso ang nakalagay roon. Sa isang pitik ay parang nawala ang hangover ko. Dali-dali akong tumayo at umayos ng upo sa dulong bahagi ng kama.


"Miss Astrielle. This is Ms. Kathryn Alfonso, the school's secretary, speaking," pagpapakilala niya kahit hindi na kailangan.


Huminga ako ng malalim bago nagsalita.


"M-miss Kathy. Uhm, yes Ma'am? Good morning! How may I help you?" I tried to sound cheerful.


Hindi ko pa rin nakakalimutan ng pag reject ni Miss sa proposal ko. An idea popped in my head: baka naman papayag na si Miss Alfonso sa proposal ko?!


But then I dismissed the thought immediately. Imposible.


"Aria, I'm sorry to bother you this early pero this is urgent. May natanggap kasi kaming go-signal mula sa school headmasters. Pumayag na sila na mag conduct ng isang program. This could pass as an internship, and could be really beneficial. I just tried calling you since wala ka pa namang internship, diba?"


Napaisip ako. Kahapon natapos ang pag-substitute ko sa coffee shop at wala na akong internship. I rolled my eyes. Ano naman kaya ang ipapagawa nila? Maglinis sa kalsada? Maki-tulong sa school brigade? Magtanim ng palay sa bukid?


"It's a six weeks project in Davao."


Davao?! Nanlaki ang mga mata ko. Ang layo naman!


"Wait, wait, wait Miss. Davao? From Manila to Davao? Just for a school project?!" Muntik ko na siyang masigawan, mabuti nalang ay naalala ko kung sino ang kausap.

Reach [Complete]Where stories live. Discover now