[5]

186 130 27
                                    

Clothes were flying all around my room. Hindi ako makapili ng susuotin. It was already 5 in the afternoon and the party starts at 6.


Kinakabahan ako. I wanted to be on my best attire. Kailangang kabugin ang dapat kabugin.


Yeah right, Aria! Including a high school chikadee. Napaka-mature!


I groaned frustratedly. Alam na ni Mama at Papa na may party akong pupuntahan. Hindi naman sila mahigpit. Kahit nga siguro pumunta ako sa ibang bansa ay papayag sila.


In the end, I settled with a white, off-shoulder sweetheart top and blue ripped jeans. Ipinusod ko din ang buhok tapos ay nag make-up ng konti para hindi ako magmukhang patay.


It was quarter to six when Nhor's gray Toyota pulled outside the house. Nagkasundo kaming siya nalang ang magdala ng kotse, tutal ay lalaki naman siya kahit na babae sa puso, isip at gawa. Nagreklamo pa nga siya ngunit natalo din sa huli.


"Babe! You look so gorgeous!" Bumeso sa pisngi ko si Danae at pinasadahan ng tingin ang suot ko.


I stared back at her. She looks stunning on her baby blue party dress. The ends of her hair were curled in a stylish way. Sunod kong tiningnan si Nhor at napahalakhak ng makita ang suot niya.


He frowned. "Manahimik ka Aria Astrielle dahil talagang masisipa kita palabas ng kotse ko," nakasimangot niyang banta.


He was wearing a blue polo shirt and pants. Lalaki'ng lalaki siya sa suot ngunit ibang iba ang kilos. Pinigilan kong matawa.


"Pahiramin kita ng gown, gusto mo?" I tried my best not to laugh.


We were just laughing, joking and chatting on the way to Caleb and Wade's subdivision. I heard magkapit-bahay lang sila.


"Geez. We should have stayed home. Tara na, D. Uwi na tayo!" Pagmamaktol ko ng makita ang mga nakahilera'ng kotse sa harapan ng bahay nila Caleb.


The cars were parked everywhere. Some weren't even parked properly because they were too many. Kita ko rin ang mga taong papasok sa malaki'ng mansyon nina Caleb. Blinding lights and defeaning music were everywhere.


Nagsisimula na naman akong kabahan. Kung hindi lang ako hinatak ni Danae at Nhor palabas ay hindi talaga ako tutuloy.


"Stop being so maarte, Aria. We're here na!"


"Tumigil ka nga sa pa ganyan-ganyan mo, Aria Astrielle! Akala mo naman ikinaganda mo!"


These friends are not even helpful. I'm not the type of girl who often goes to parties. Tuwing kailangan lang o di kaya ay para sa school at org meets.


I heaved a deep sigh. "Uuwi na ako!"


Reach [Complete]Where stories live. Discover now