THE LAST WITCH (brutal na rape)C3

52 1 2
                                    

" S-sino ka?." saad ko sa matandang nakabalot nang maitim na kasuotan. Para itong mangkukulam sa kanyang anyo.

"Emie, maghanda ka sa iyong malalaman" dugtong nito . Batid ko sa tuno nang kanyang pananalita na hindi s'ya ordenaryong matanda lamang.

"A-ano ba ang ibig sabihin mo?. Wag na tayong magpaligoy-ligoy pa," ganti kong tanong sa kanya.

Tumingin ito na may kahulogan sa'kin at naglakad. Agad naman akong sumunod sa kanyang tagiliran.

"18 years na ang nakalipas, noong sirain  nang dalawang taong nagmamahalan ang kani-kanilang batas .  Iba-iba ang kanilang angkan, sa bawat lahi nila ay may batas na bawal umibig ang mag kaibang lahi. Isang bambira at lahing Witch ay lihim na umibig sa isa't-isa. Nagkaroon sila nang malalim na pagsasama, nalaman iyon nang kani-kanilang kaharian kaya  pilit silang pinaghiwalay. Hindi naman nabigo ang bawat kampo  na paghiwalayin ang bawat isa.  Ngunit meron silang malaking problemang nalaman.,  nagdadalang tao ang dalaga ,at noong malaman nila iyon ay sinalakay nang lahing bampira ang kaharian nang Witch. Sa lakas nang  sandata at bangis nila ay nawasak nila ang kaharian nang mga Witch. Itinakas naman nang matandang babae ang dalagang buntis upang makalayo sa panganib ang bata, at ako ang matandang iyon."  kwento nito sa'kin.

"eh ano naman ang kinalaman ko sa kanila.?" saad ko.

"dahil ikaw ang bata sa sinapupunan," sagot nito na ikinagulat ko.

"h-hindi maaari, sapagkat meron akong pamilya na nagpalaki sa'kin at mahal na mahal ako."  pangangatwiran ko.

"Sila ang pamilyang pinagdalhan ko sayo, dahil noong isinisilang ka palang ng iyong ina, ay agad kaming natagpuan nang lahing bampira. Agad nilang pinaslang ang iyong ina, wala na akong magawa noon kundi tumakas kasama ka. Hindi ko sila kakayanin dahil sa dami nila."  paliwanag nito sa'kin.

"kaya pala parang nagbago ang aking mga kilos,  at ang katawan kong putol-putol ay  bumuo uli" wari ko.

" lagi akong nakamasid sa'yo, at yong matandang lalaki na naghatid saiyo sa bayan ay ako din iyon. Kaya kong manggaya nang muka pero mas higit pa ang kakayanan mo kesa sa'kin, kapag alam muna kung panu gamitin ang iyong lakas. Dahil isa kang kalahating Bampira at kalahating Witch."

"kaya ganun nalang ang paghahanap nang lahing Bampira sayo, kasi alam nila ang taglay mong lakas, at yon  ang tanging magpapahirap sa lahi nila." dugtong pa nito.

"teka s-sino ka pala.?" pangungusisa ko, at agad naman nitong sagot.

"Ako ang iyong Lola, ang Reyna ng lahing Witch  ngunit tayong dalawa nalang ang natira dahil inubos tayo nang lahi nila."  saad nito sabay pasok sa maliit na kubo.

"ito ang kubo kung saan kami nagtago nang iyong ina,  at dito rin s'ya pinaslang nang walang kaawa-awa".

Sa oras naiyon ay nakaramdam ako nang sakit sa aking dib-dib,  hindi ko alam pero nahuhulog ang aking mga luha.  Hinipo ko ang higaan duon na pinaghigaan daw nang aking ina bago s'ya mamatay. Ramdam ko ang kagustuhan nitong iligtas ako sa kapahamakan. Sayang lang dahil hindi manlang ako nakapagpasalamat sa kanya ng personal.

"hali ka rito! may naamoy akong kakaiba sa labas, mukang may panganib na paparating," hila nito sa'kin sabay silip sa labas.

Naramdaman ko rin ang enerhiyang iyon, mababangis at mabibilis ito, yon ang nararamdaman ko sa kanila kahit hindi ko pa nakikita.

" lalabas ako at tumakas kana, hindi natin sila kakayanin. Hindi kapa ganun ka bihasa mapapahamak kalang kapag pinilit mong lumaban". Sambit nito na nag-aalala.

"pero panu ka? hindi mo rin sila kakayanin." tanong ko .

"wag mo na akong alalahanin apo, ang mahalaga ay makatakas ka. Mag insayo ka,  mag palakas kapa lalo.  Sikapin mong ilabas ang iyong tunay na kapangyarihan, dahil walang makakatalo sa'yo pagnagkataon. Wag kalang umibig sa bawal dahil yon ang kahinaan natin, tandaan monyan apo.  sige na pagkalabas ko tumakas kana rin, ako na sasalubong sa paparating."  saad nito.

"mag-iingat ka lola" sabay yakap sa kanya.

"Isuot mo ang sing-sing na ito, mahihirapan silang amoyin ang iyong dugo kapagsuot mo ito." sabay abot nito nang sing-sing n'ya.

Agad na s'yang lumabas at binunot ang kahoy na may mahika sa kanyang likod na nakatago. Ako naman ay tumakbo narin at tumalon sa mga puno. Hindi ko alam kong tama ang aking naging disisyon  na iwanan ang aking Lolas. pero sana makaligtas manlang at magkita pa kami.  Pinapangako ko na ipaghihiganti ko kayo sa oras na lumakas na ako.  Masyado nang maraming buhay ang nagsakripisyo para lang sa'kin.

Noong makalayo na ako ay ramdam ko ang malakas na sagupaan nang mga kalaban kontra sa aking Lolang mag isa. Napapatulo nalang ang aking mga luha habang tinatalon-talon ang mga sanga nang mag matataas na puno.  Ngunit naramdaman ko nalang ang enerheyang humahabol sa'kin  .

Binilisan ko pa lalo ang pag-galaw upang makalayo nang tuloyan, ngunit sadyang napakabilis nang mga humahabol sakin . Nagulat nalang ako noong may tumama sa aking likod na dahilan nang aking pagkahulog.

Tumilapon ako sa baba sa lakas nang suntok na tumama sa'kin.  Napabaloktot ang aking katawan noong bumagsak sa lupa. Pinilit kong tumayo upang hanapin ang aking mga kalaban, tumubo narin ang aking mga pangil at pumula narin ang aking mga mata.  Agad kong nakita ang mga kalaban na nakakubli sa mga damuhan.

.noong malaman  nilang nahanap ko sila ay nagsilabas naman agad.  Agad nagsalita ang isang lalaking binata na may matipunong katawan. 

"So ikaw pala ang kalahating Bampira?, alam mo maganda ka mukang bagay tayo", pilyong saad nito sa'kin.

"Umandar na naman ang pagkababaero mo Alus" saad ng isang babae sabay batok sa binata.

"Ate naman , wag mo naman akong ipahiya  sa harap nang  Magandang dalagang to." kamot nito sa ulo sabay lapit sa'kin.Nagsitawanan naman ang apat pa nilang kasamahan .

"Wow ! Mas maganda kapala sa mas malapitan, sa tingin ko Virgin kapa." sabay tawa nilang lahat.

"Teka, ano nga pala ang panga......"" hindi ko na s'ya pinatapos magsalita at agad hinapit ng suntok sa muka. Napa-atras ito sa lakas ng kanyang natamo mula sa'kin.

Agad naman uli nagsitawanan ang mga kasamahan nito ," Wala kapala Alus eh! Ang hina mo " kantsaw nang mga kasama nito.

" Alam mo ba kung sino ang sinuntok mo?. Ang prinsepe lang naman ng mga Bampira. Pero Never Mind , gusto koyan Sadista ,  mukang lalo akong Na-iinlove sa'yo Binibini." wari nito na kina-inis ko pa lalo.

Susuntukin ko na sana ulit ngunit, napaluhod ako sa sakit dahil may kung anong bagay ang tumama sa tiyan ko. Yon ay ang kama-o ng binata, sa subrang bilis ay hindi ko manlang nakita ang pag-atake nito.

"sige na damputin n'yo na yan at dalhin sa Palasyo", utos nito sa mga kasama.

Sa subrang sakit ng tiyan ko ay nawalan ako nang malay. Nagising ako na pasan-pasan nang isang malaking Bampira na patalon-talon pa sa mga sanga nang mga puno pabalik sa kanilang kaharian.

"Hoy Dubo, ayusin mong hindi magas-gasan yang dala-dala mo mamahalin ko pa yan" sigaw nito sa unahan.

"siraulo sinuntok munga eh'."  sagot nang pumapasan sakin sabay
Tawa .

.lumingon ako sa likod nakita kong walang nakasunod, humanap ako nang paraan upang makakita ng tsimpong makatakas.  Noong nakahanda na'ko ay agad kong binaon sa leeg nang nagbubuhat sa'kin ang matatalim kong mga kuku.dahilan nang pagbitaw n'ya sa'kin.  Nakahanap ako nang pagkakataon na tumakas, nagtago muna ako  sa likod nang mga puno at sinuot ang sing-sing ng aking lola upang hindi nila ako maamoy. 

"hayaan na muna natin, nakakasigurado akong magkikita uli ang ating landas magandang Binibini," wari nito na may pagka pilyo.

Agad na silang lumayo,  at ako naman ay binalikan ang kubong iyon na pinag-iwanan ko kay Lola.  At tumulo ang aking mga luha sa mga nakita ko, wala nang buhay ang aking lola na nakahandusay sa lupa.  Duguan ito at wasak din ang dib-dib. 

Nilibing ko iyon , doon mismo sa kubong iyon,  " alam kong ginawa mo ang lahat upang makaligtas lang ako, kaya nagpapasalamat ako sa mga bagay na ginawa mo sa'kin. Balang araw ay mapaghihiganti ko rin kayo."

THE LAST WITCH ( brutal na rape)Where stories live. Discover now