THE LAST WITCH (brutal na rape)C10

12 1 0
                                    

Takbu ng takbu noon si Alus sa kagubatan habang hawak-hawak nito ang mga sugat na natamo mula kay Emie.  Habang tumutulo naman ang mga luha nito dahil sa pagakawala ng matapat na si Meru. Galit ito sa sarili dahil wala manlang s'yang nagawa para kay Meru.

Sa kanyang pagtakbu ay nahulog ito sa bangin sa may ilog at nawalan ng malay.  Ang kalmot na galing sa Dalaga ang tanging nagpahina sa kanya. Kakaibang kalmot na habang tumatagal ay lumalalim. Kailangan na itong maagapan upang hindi na tuloyang lumalim pa. 

" Emie?' Emie,Emie.."

Maya-maya pa'y dahan-dahan itong dumilat.  Tumambad sa kanya ang dalagang ubod ng ganda, kulay morena ito at may matangos na ilong may magandang pangangatawan din ito, at may mapungay na mga mata. habang ang suot naman nito ay bistidang pula na lalong nagpalabas ng kaakit-akit na ganda.

"Sino ka! , Anong Lugar to?."  galing sa bibig ng binatang si Alus na nanghihina.

"Wag kang mag-alala nasa mabuting kamay kana.  Nakita ka ng itay sa ilog na walang malay. Ano bang nangyari sa'yo at sugatan ka?." sunod-sunod nitong tanong sa binata.

"Teka ! , bakit iba na suot ko!?. " gulat nitong saad noong mapansin nitong iba na ang kanyang suot. "wag mong sabihing ikaw ang may gawa nito?." dugtong nitong nanlalaki ang mga mata.

Ngumiti lng ang dalaga sabay sabing.  " Oo ako nga, at nakita ko lahat, kailangan kasing palitan basa kasi mga damit mo eh." ngiting-ngiti nitong saad.

"ba't ka nakangiti,? Dapat hindi mo ginawa yon.  " asar na usal ng binata.

"wag kananga umarte d'yan, ikaw nanga tinulungan eh, ikaw pa may ganang magalit.,  s'ya nga pala isa kang bampira no?"   wari ng dalaga habang dinidik-dik ang tuyong dahon na nilagyan ng langis upang panggamot sa sugat ng binata.

"teka ano yan?,  "

"wag kana magtanong, hubarin mo na yang damit mo, at magamot ko na yang sugat na galing sa witch." saad nito.

Noon ay nagtaka na ang binata sa dalaga, panu n'ya kasing nalaman na galing iyon sa Witch?.  Nakakasigurado ito na hindi ordenaryo ang dalagang sa harapan nito.

"sige na hubarin mo na yan at maganot ko na, kong hindi kalang gwapo eh hinayaan na kita." ngiti uli nitong wari sa binata.

"Alam mo napapansin ko panay ngiti ka, mukang masiyahin kang tao." tanong ng binata.

"Hindi rin ,  malungkot ang buhay ko simula noong iwan kami ng Ina." noon ay nalungkot itong bahagya at ngumiti uli.  Sadyang palangiti ito at mukang likas na talaga sa kanya ang ngumiti kahit malungkot.

Ginamot nito ang binata habang nagkukwentohan  hanggang sa magtanong muli ito sa binata.  "sino yong Emie?" tanong na nagbigay gulat sa binata.

"kanina kasing tulog ka ,may binibigkas kang pangalang Emie eh. Jowa mo no.?"  tanong nitong may kasamang ngiti.

"Ahm.. Hindi , wag na natin s'yang pag-usapan," doon ay naging seryuso ang binata.  Hinayaan nalang iyon ng dalaga at iniwan upang makapagpahinga.

Samantalang ang dalagang si Emie naman ay ilang gabi na hindi nakakatulog sa kakaisip kung sino ngaba ang binatang Alus.

Unti-unti narin itong nakaka-alala ng mga nangyari sakanya, ngunit ang binata ay sadyang hindi n'ya maaalala. Marahil ay galit ang utak nito kaya nahihirapan itong maalala. Samantala ang puso naman nito ay parang gustong yakapin ang binata.

"Emie?' ba't narito ka salabas, gabi na ah," salita na galing sa binatang David. Agad itong tumabi  sa kina-uupuan ng dalaga .

"yong lalaking Bampira, parang may koneksyon kami.  P-para bang nagkasama na kami dati,"  mahinahon na saad nito.

THE LAST WITCH ( brutal na rape)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon