THE LAST WITCH (brutal na rape)C9

11 1 0
                                    

Dahil sa mga nangyaring iyon ay tuloyan nang tinanggal kay Alus ang pagkakataong maging Hari. Isang pagtatraidor iyon sa lahing bampira ang mga ginawa n'ya. Ang dating Prinsepe, ngayon ay parang  isang alilang bihag nalang.  Kabayaran iyon ng mga ginawa nitong kalapastangan sa lahi nila.

Labis na nalungkot noon ang kanyang matapat na laging kasamang si Meru.  Sa kabilang banda naman ay natutuwa parin ang binata sapagkat alam n'yang ligtas ang dalaga.   Kinulong ito ng Ama sa sa maliit na rehas na nakapalibot ay mga batong pader, sa ilalim ng palasyo.

Nakakaawang nilalang,  lahat na ata ng sakripesyo ay ginawa n'ya na para sa dalaga.  Samantalang wala namang kaalam-alam ang dalaga na si Alus ang dahilan kung bakit buhay pa ito.

Galit na matindi ang sa loob ng puso Ng dalagang si Emie. Wala itong ibang iniisip kundi ang mapatay ang binatang si Alus sa mga kamay nito.
Kunting insayo pa at matutuklasan n'ya na ang tunay na lakas ng pinaghalong kalahating witch at kalahating bampira.

Ngunit ngayon ay kailangan na muna nilang magtago at lisanin ang lugar kung saan nakatira ang mga taong Lobo.  Siguradong susugurin sila ng mga bampira, at hindi nila ito kakayanin. Malalakas ito kumpara sa kanila mauubos lamang sila kapag pinilit nilang lumaban pa. 

Sa nakatagong kweba noon sa kabundukan nila napiling mamalagi. Doon ay nag-umpisa silang mag-insayo upang maprotektahan kahit papanu ang kanilang lahi.

"ngayong alam na nila na tinatago natin si Emie,  siguradong kalaban narin ang tingin nila sa'tin. Wala na tayong magagawa kundi lumaban at makipag-ubusan ng lahi sa kanila. Ang dalagang si Emie ay kailangang mag-insayo upang maprotektahan tayo sa laban."   yan ang mga salitang nanggagaling sa bibig ng pinunu nila.

."kailangang maghanda sa malaking digmaan, ito narin siguro ang panahon upang ipaghigante natin ang mga lahi na pinagpapaslang nila dati." dugtong na pasigaw nito.

Humungi noon ng patawad ang dalaga sa pinunu. Dahil sa kanya ay nadamay pa sila at kailangang lumaban sa mga bampirang iyon.
Ang sagot nito ay wala s'yang dapat ihingi ng patawad . Oras narin siguro ito upang maningil ng kabayaran sa mga bampira. Namatay ang asawa nito sa mga kamay ng mga bampira na gustong maghari sa lahat.  Maraming taon itong nanahimik upang sa kaligtasan ng mga natirang kalahing Lobo, at ngayon ay muling itataas ang karapatan ng mga kalahi nila.

Tudo insayo naman ang dalaga kasama ang binatang si David at iba pa. Sa kasalukuyan naman ay naghahanap ng paraan si Meru upang itakas ang nanghihinang si Alus.  Lagi itong pinapahirapan ni Almeres at Alminda sa tuwing tumungo ang mga ito sa kulungan kung saan na roon ang binata. Lingid ito sa kaalaman ng Amang hari . Kahit nagawa iyon ng anak n'ya ay hindi n'ya paring maitatanggi na laman din s'ya ng laman nito.  Ginawa n'ya lamang iyon upang matuto ang anak at maging leksyon iyon.

Ngunit sadyang napakalupit ng mga kapatid nito. Sa tuwing wala ang Hari ay s'ya namang pahirap ng dalawa sa binata. Kaya noong nakahanap si Meru ng paraan upang itakas ang binata ay agad nitong dinala sa mga Dwarf's.  Doon ay sinabi nila ang lahat-lahat mula umpisa sa mga ito.

Sinabi din nilang si Alus ang dahilan kung bakit nakaligatas ang dalagang si Emie.  Agad namang nagpaalam si Meru upang bumalik sa palasyo, nang hindi maghinala ang mga kalahi. Kahit maaring ikapahamak iyon  ni Meru  ang pagtakas sa prinsepe ay ginawa nito parin. Hindi n'ya kayang tignan  sa ganung setwasyon ang binata.

"Magpahinga ka muna kamahalan, at magpalakas,"  saad ni Borie noong akmang babangon ang binata.

"S-salamat.. " yon ang tanging naganti nito sa kaharap na si borie.

"Ito na yung mga bote ng mga  dugong kinuha namin sa bahay kung saan namin nakita si Emie." agad nitong dugtong at abot ng isang boteng dugo kay Alus.

THE LAST WITCH ( brutal na rape)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن