THE LAST WITCH (brutal na rape)C11

9 1 0
                                    

"Ꮶamusta kayo?,"bungad ng dalaga noong puntahan nito ang mga Drwarf's  sa kubo. Dumalaw ito para kamustahin ang mga ito at personal na magpasalamat. Kasama ang binatang Lobo na si David.

"Kamahalan," ganti ng mga dwarfs sabay yuko bilang pugay sa Prinsesa Emie. 

Samantala ang binatang si Alus naman ay  napagpasyahan ding dumalaw sa mga Dwarfs kasama ang dalagang si Bianca.   Malayo palang ito ramdam n'ya ng may ibang tao sa kubo kung saan ang mga Dwarfs.
Magtatago pa sana ang dalawa upang manmanan kung sino ang mga nasa loob ngunit bigla nalang silang nakita ni Mokie.

"Ang kamahalan Alus nandito !." sigaw naman ng Dwarfs na si Mokie .
Agad naman labasan ng nasa loob. doon ay nagkagulatan ang dalawang panig.  Saglit na tumigil ang mundo ng bawat isa noong magtama ang kanilang mga paningin.

Ang binatang Alus ay hindi inalis ang mga tingin sa dalagang Emie.
Muli ay tumama uli ang kanilang mga mata. Kakaibang pakiramdam ay kanilang nadadama. Masasayang ala-ala ay ginunita ng binata sa kanyang isipan. Nakangiti ito ng bahagya na para bang tuwang-tuwa sa kanyang nakikita.

Samantala ang dalaga ay para bang may kumalabit sa kanyang puso , mga pakiramdam na hindi nito mapaliwanag, ang puso nitong lumulukso sa tuwa. Naiinis ito sa sarili dahil embis na galit ang kanyang mararamdaman ay labis natuwa. Mga mata nitong nagsasabing  gustong-gusto kitang nakikita, at ang mga labi nitong mag-uumpisa na sanang ngumiti, nang biglang magsalita ang dalagang si Bianca.

"Natutuwa akong makita kang muli David," bati nitong matabang sa binatang Lobo. Tumingin ang dalawa sa kasama, tilang gulat na gulat na magkakilala pala ang dalawa.

"Kung ganun magkakilala pala kayo ,?" tanong ni Emie sabay tingin sa binatang si David. Sasagot na sana ang binata noong unahan ito ng dalagang si Bianca.

" dalawang taon kami magkasintahan , ngunit nagkalayo kami noong tumutol ang angkan ni David sa'min." mga salitang nanggaling kay Bianca.

" Ang lahing Lobo ay matagal ng lumaylo sa gulo, kilala kaming Witch hunter at Vampire hunter,  ayaw nilang madamay sa kaguluhan. Kaya pinaglayo kaming dalawa, yon naman ay naiintindihan ko." dugtong pa nito,  sabay bunot ng baril nito at tutok sa ulo ni Emie.

"diba Witch ka!?" seryusong tanong ng dalaga kay Emie .  Nagulat ang dalawang binata sa kanilang nakita. Ang mga sumunod na ganap ay lalong tumindi noong sipain ni Emie ang baril  na nakatutok sa kanya. Habang
Umikot-ikot ito sa taas ay agad namang ganti nitong sipa sa dalaga, nasalag naman ito ng dalagang Emie. Kaya Agad namang salo ni Bianca sa baril nito noong palag-lag na.

Pinagbabaril nito si Emie na mabilis naka-ilag sa mga bala. Nagpalipat-lipat ito ng puno upang hindi matamaan. Agad namang habol ni Bianca doon habang pinaputokan ito.

"Sandali Bianca," pag-alala ng binatang Alus na baka matamaan ang mahal nitong Emie.

"Wag mo na silang pakialaman,"  hila ni David sa balikat ni Alus kasunod ng isang suntok. Nagulat itong saluin ni Alus ang mga suntok naiyon.  Isang sipa naman ang ginanti ng binatang Alus na nagpatalsik kay David.

Sa lakas ng suntok ay tumilapon ito  sa dulo, noong bumalik ay isa ng malaking Lobo. Agad din naman tumubo ang mga pangil ng binata kasabay ng pagpula nito ng mata. 

Sinalubong nito ang atake ng mabangis na Lobo, agad namang tinalunan ito ni David na sinalo naman  ng isang kamay ni Alus ang mga  leeg nito.

napapa-ungol nalang ang Lobo sa lakas ng Binatang Alus. Nakalimutan ata nitong Anak ito ng hari ng mga Bampira.   Agad namang tapon nito sa taas at suntok sa Lobo.

Ang dalawang dalaga naman ay tila nagpapatintiro sa bawat isa.  Sa bilis ni Emie gumalaw ay  walang magawa ang bala ng dalagang bianca. Ngunit kahit ganun ay hindi naman pumapayag si Bianca na mahuli nitong si Emie. Bukod sa magaling bumaril ay tila magaling din ito makipaglaban.

THE LAST WITCH ( brutal na rape)Where stories live. Discover now