THE LAST WITCH (brutal na rape)C12

17 1 0
                                    

Naghanda ang grupo para sa matinding digmaan kontra sa mga lahing Bampira.  Kailangan nang wakasan ng sa ganun ay matapos na ang kagulohan sa pagitan ng mga Witch, Lobo laban sa Bampira.

Alam nilang mahihirapan sila sa labanan ngunit ito lang ang paraan upang matapos na ang digmaang ito.  Ubusan ng lahi kung ubusan, wala ng makakapigil sa mga ito. Buo na ang disisyon ng bawat isa.

Dumating ang isang masamang balita para sa binatang si Alus. ang kanyang Amang hari ay namatay na,  At si Almeres ang may gawa nito upang makuha  na nito ang inaasam-asam na kapangyarihan. Ngayon ay hawak nito  ang buong kaharian ng lahing Bampira.

Matindi ang emosyon sa puso ng binata noong malaman n'ya ito.  Galit, puot at pagnanais na mapaslang nito ang kanyang kuya.  Ngunit sa kabila ng lahat ay nakuha parin nitong kumalma at paghandaan ang nalalapit na gira.

Ang dalagang si Emie naman ay nagugulohan parin sa kanyang nararamdaman para kay Alus.  May kung ano kasing nabuo sa kanyang puso noong hagkan ito ng binata, tila ang sarap iyon damhin para sa kanya.
Maraming katanongan ang nabuo sa kanyang isipan.  Sino ngaba ang binata? Ano ang kuneksyon  namin sa bawat isa At sino si Meru?

Ang  binatang Lobo namang si David ay nakakaramdam narin sa mga nangyayari sa dalawa. Minsan kasi ay nakikita nitong nagkakatinginan ang dalawa. Para bang may kakaiba sa dalawa na hindi lang nila masabi
Noon ay naghinala narin ang binata.  Mahal na mahal nito si Emie at hindi ito papayag na mawala sa kanya. 

"Emie?. Sorry sa nangyari noong isang gabi,"  galing sa binatang si Alus.
"Alam kong hindi mo'ko maalala,  pero gusto ko lang sabihin sayo na mahal na mahal kita." dugtong panito na namumugto ang mga mata.

Doon ay labis na tumindi ang nararamdaman ng dalaga sa binata, ngunit hinihila naman ito ng utak n'ya na wag pagkatiwalaan ang binata.
Ano ba ang mas matimbang sakanya?, Utak? O sigaw ng puso?.

"Tigilan monga si Emie,  wag mo nga s'yang paniwalain sa mga kasinungalingan mo Alus." mariin na sambit ng Binatang Si David.

Nagulat ang dalawa noong dumating si David, nagkatinginan ng masama ang dalawang binata. tila bang dalawang manok na magsasabong.   Hinawakan ni David ang dalaga  sa kamay at hinila paalis, ngunit nagulat ang dalawa noong hawakan din ito ni Alus ang kabilang kamay ni Emie at hinila pabalik sa kanya.

"Hindi mo s'ya pagmamay-ari,  si Emie ay para lang sa'kin." boses na parang may pinaghuhugutan na galing kay Alus.

"Bitawan mo si Emie dahil hindi s'ya nababagay sa mundo mo." ganti naman ni David. Ang dalaga  naman ay nasa gitna lang ng dalawang  binatang nagbabangayan. Kung sino ang magsasalita ganun din naman ang tingin ni Emie.

"Sige ngayon Emie, Mamili ka sa'ming dalawa . Ako o ang Bampirang yan na  umubos saiyong mga lahi, ang bampirang  pumatay ng yong ina at Lola. " dag-dag pa ni David.

Tumingin ang dalaga sa mga mata ng binatang Alus, mga tingin na nagsasabing paalam.. Mga tingin na hindi ito ang kanyang pinili, mga tingin na tumigil na ang binata sa kanya.   Kasabay noon sa paghila paalis ni David sa dalagang nakadikit ang tingin sa mga mata ng binatang  luhaan. Kasunod ng mga kamay na unti-unting bumibitaw.  Mga luhang tumutulo ay hindi mapigil-pigil ng binatang Alus,  saksi ang mga lupa na pinapatakan ng luha nito sa Lungkot at sakin na kanyang nararamdaman .

Agad namang Lumapit ang dalagang  si Bianca noong makita n'yang umalis na ang dalawa sa harap ni Alus.  Isang mahigpit na yakap ang pinakawalan ng dalaga sa binata.  Doon ay gumanti ng yakap si Alus, ramdam kasi ng dalaga ang sakit sa mga puso ni Alus.  Sa mga oras naiyon ay tuloyan ng nawasak ang pusong pilit binubuo ng binata.

Pero para sa kanya  handa parin itong magbuwis ng buhay para sa dalaga. Handa parin itong ipaglaban sa mga kaaway.   Kahit manlang doon ay maitama n'ya ang nagawa nito kay Emie.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 19, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

THE LAST WITCH ( brutal na rape)Where stories live. Discover now