THE LAST WITCH (brutal na rape)C5

18 1 0
                                    

Parang kung may anong kirot na kumorot sa puso ng binata noong makita n'yang umiiyak ang babaeng si Emie. Parang Nakaramdam ito nang pagsisisi sa kanyang nagawa. Ang babaeng wala namang kamuwang-muwang sa kanyang harapan   ay nadadamay sa labanan na wala naman talaga s'yang kinalaman.

Maski sabihin pang s'ya ay isa din sa kanila. Ngunit malayo sa mundong kanyang kinagisnan ang mga nangyayari ngayon sa kanya. Sapagkat s'ya nga ay namulat sa normal na mundong kinasanayan n'ya, ang nais lang naman nito ay makapagtapos ng pag-aaral at mamuhay ng normal.  Kagaya ng ibang dalaga si Emei ay may pangarap din na gustong tuparin. Ngunit ang mga pangarap na iyon ay biglang naglaho at napalitan nang paghihiganti, dahil sa kanyang mga nalaman na s'ya pala ay hindi basta babae lang .

Ang dugong bampira at dugo ng isang witch ay dumadaloy sa kanyang katawan.  At ngayon ay nanganganib pa ang kanyang buhay, gustong-gusto s'yang patayin ng Hari ng mga Bambira dahil si Emie ang malaking sagabal sa kanila ,kapag sa oras na matuklasan na nito ang nakatagong kapangyarihan nito ay tiyak na mahihirapan na silang pigilin ito. Kahit pa sabihing sila ay hindi na nasusunog sa sikat ng araw ay mahihirapan parin sila kay Emie.

"Kamahalan, napatay n'yo naba si Emie,?" agad tanong ni Meru kay Alus noong lumabas ito sa bintana ng Condo ng dalaga.

Hindi sumagot noon ang binata at patuloy lang sapagtalon-talon sa mga building. Napansin ni Meru sa mga mata ni Alus na para bang may bahid ito  ng lungkot .

Lumipas ang gabi ng walang kibo ang binatamg si Alus, sa bintana ng kanyang kwarto ay nakatanaw sa malayo.  Malalim ang iniisip na para bang problemado.  Ikinagulat noon iyon ni Meru dahil sa totoo lang ay hindi naman ganun ang prinsepe.

"Alus, kapatid mukang malungkot ka ata," bungad ng kanyang kapatid na si Almeres na tumatawa.

"Naku! Ang magiging hari ngayon ay parang tutang iniwanan sa daan" lapit nito kay Alus sabay hawak sa balikat.

"kamusta naman ang misyon mo kapatid kong minamahal?,  napaslang mo na ba ang dalaga?.  Gusto mo ako na gagawa para sayo!" nagulat noon ang kuya n'yang si Almeres noong biglang hawakan ni Alus at pigain ang mga kamay nitong nakahawak sa kanyang balikat.

"Wag! Na! Wag! Mong pakikialaman si Emie!" diin na wari nito .
Na ipinagtaka naman ng kuya n'yang si Alus ang kanyang  ikinilos noon.

"kumalma ka Kapatid ko, hmmm... Parang may tinagato ka ata kapatid ko,"dugtong nito sabay hila ng kanyang kamay.

"Gusto ko nang magpahinga, isarado mo nalang ang silid kapag lumabas kana." seryusong saad nito sa kuya. Agad naman itong pumasok sa kanyang higaan na kabaong at humiga.

"Paalala Mahal kong kapatid, ang oras mo ay nauubos na." Salitang binitawan ni Almeres bago n'ya ito lisanin.

Sakabilang banda naman ay tuloy lang ang buhay ni Emie , ang galit at puot ay lalo pang tumindi sa kanya. Ang ninanais na paghihiganti ay kanya naring uumpisahan. Mag iinsayo ito ng mabuti upang nang saganun ay kaya n'ya ng labanan si Alus.

Sa school naman ay malaking pagbabago din ang nangyayari kay Alus na ikinagulat naman ng buong school.  Kilala kasi ito doon dahil ang school na iyon ay sila ang may nagmamay ari. Ang dating mayabang na Alus at maingay ay naging matahimik sa isang iglap.  Hindi na ito tulad dati na kapag may humarang sa daanan n'ya ay binabatukan n'ya ito.

Napagtanto nito siguro na mali ang kanyang nagawa kay Emie, ngunit wala itong magawa kundi sundin ang utos ng kanyang Ama na paslangin ang dalaga.  Noong gabing iyon sana ay doon n'ya na papatayin ang dalaga, ngunit dahil sa may kakaibang naramdaman ito ay tila natakot at naduwag itong gawin.

"Sorry Emie, hayaan mong makabawi ako" papel na nakalatag sa upuan ni Emie na galing kay Alus.

agad itong lumalit kay Alus na nakaupo sa kanyang tagiliran sabay sampal ng malakas. Hinayaan ng binata na dumampi ang mga sampal na iyon sa muka n'ya, na kung tutousin ay kaya n'ya iyong iwasan o saluhin. Siguro ay tama lang na dumapi iyon sa mga muka n'ya at deserve n'ya ang sampal naiyon. Yon ang naiisip n'ya.

THE LAST WITCH ( brutal na rape)Where stories live. Discover now