THE LAST WITCH (brutal na rape)C7

11 1 0
                                    

"Sandali, "

"Ang ganda-ganda n'ya talaga"

"wag n'yong hawakan, hayaan muna nating magpahinga s'ya".

Mga boses na nanggagaling sa mga maliliit na nilalang. Lahat sila ay nakapalibot sa tulog na Si Emie. Manghang-mangha silang lahat sa kagandahang taglay ng dilag.

Oo buhay ang ating bida, dahil kay Alus at sa tulong ng mga dwarfs at ni Meru.  Noong papuntahin ni Alus si Meru kay Emie ay sinabi nitong painumin ang dalaga ng panguntra sa lason,  na manggagaling sa mga pangil ni Alus.

Iyon ay hinalo ni Meru sa inumin ng dalaga ang Likidong panguntra sa lason.  Lingid iyon sa kaalaman ng dalaga ang gagawing plano ng mga ito.

Wala na noong magawa si Alus kundi saktan si Emie upang hindi na maghinala ang mga kasamang Bampira.  Kaya agad naman nitong kinagat na upang hindi na mangialam pa ang kapatid.  Yon lang ang tanging naisip nitong paraan. Kahit masakit ay pinipigilan nitong umiyak.

Si Meru naman ay agad Kinausap ang mga Dwarfs upang kunin ang katawan ni Emie.  Ang lason na nang gagaling sa mga pangil ng bampira ay inaatake  ang pulso ng biktima. Pero dahil sa gamot na pinainom ni Meru ay kaya nitong labanan ang mga lason naiyon na kumalat sa katawan ni Emie .

Ang gamot na iyon ay matagal namamalagi sa iyong katawan, kaya nitong salain ang mga lason na sumisira sa iyong katawan.  Ang gamot sa lason na iyon ay gawa ng mga mangkukulam. Proteksyon nila iyon noon sa mga bampira, ngunit nalaman iyon ng lahing bampira kaya iyon ay kinuha nila.

" S-saan ako?."  tanong nito noong magising ,habang nililibot ang paningin sa maliit na silid.

"gising na s'ya!!"..

"gising na ang dalaga"

Lumabas pa ito upang tawagin ang mga kasamahan upang sabihing gising na ang dalagang si Emie.

"s-sino kayo?, at saan ako?".  Tanong ng dalaga noong magsidatingan ang mga maliliit na nilalang.

" kami ang tumulong sayo at gumamot ng mga sugat mo",  saad ng isang dwarf na si Mokie.

"wag ka mag-alala, mababait kami ," masayang dugtong naman ng makulit na si Jorie.

"magpahinga ka muna, nang saganun ay manumbalik ang iyong lakas".  Salita na nanggaling naman kay borie

Ngumiti naman ang dalaga ng napakatamis  at nagpasalamat sa mga ito.

"oO nga pala, ito si Robie ." Turo n'ya sa katabing dwarf.  "si Borie, yon si Mokie, at ito si Jorie tapos ito naman si  bolie. At ako naman Si bobie." masayang pagpakilala nito sa kasamahan.

"Ikaw ano pangalan mo?." tanong ng makulit na si Jorie. Habang naka ngisi.

"Ahm. .ako si.. " natigilan ito ng bahagya at kumunot ang mga noo." teka sino ngaba ako?." .

"hala! wala s'yang maalala."  sambit ni Borie na nagkakamot ng ulo.

"Wala kabang matandaan kahit ni isa?" tanong naman ni Mokie.

"Meron, at hindi ko iyon maaaring makalimutan,  isang lalaking bampira  na umatake sa'kin at gusto nito akong paslangin. Pagkatapos nun ay natumba nalang ako at nawalan ng malay. Tandang -tanda ko kung paanu n'ya ako atakihin ng walang kaawa-awa" nanalisik na mga mata ni Emie sa galit.

Nawalan ng memorya ang dalaga, dahil iyon sa gamot na nainum n'ya. Hindi iyon kinaya ng utak n'ya , dahil ang katawan nito ay mahina lamang ,sapagkat hindi pa nito natutuklasan ang kanyang  tunay na kapangyarihan.

Alam iyon ni Alus, na sa oras na inumin iyon ni Emie at sumalubong pa ang lason nito sa loob ng katawan ng dalaga, ay mawawalan ito ng alaala.
Ang tanging matatandaan nalang nito ay ang huling nakita nang kanyang mga mata bago ito mawalan ng malay.

THE LAST WITCH ( brutal na rape)Where stories live. Discover now