[COMPLETED] Princess as in maganda, matalino, hinahangaan ng lahat. Kahit ganun siya normal pa rin yan. Dumadaan pa rin sa puberty. Kagandahan? Psh. Kung ang definition para sayo ng kagandahan ay yung may mga pimples, glasses at braces then sige! Maganda nga siya. Pfft. Matalino? Oh well. Hindi naman yun madaling mawala lalo na kapag habit mo ang magbasa ng sandamakmak na libro. Hinahangaan? Kung ganyan ka ba naman kaganda, pfft, sa tingin mo hahangaan ka pa? Haha huwag ng umaasa. Pangungutya lang abot niyan. Hmmm ano pa ba? Ah yung ugali. Kahit ngutyain niyo pa yan. Wala pa rin kayong talo sa katarayan niyan. Naku! Natalo pa niya ang Mt. Everest sa kataasan ng kilay. HAHAHA Kaya magingat kayo if THE PRINCESS TURNS INTO A NERD. Siguradong hindi niyo magugustuhan. But still, inspite of her awful attitude. May dalawang lalaki na naging patay na patay sa kanya. Kahit ganun siya kapangit may na inlove pa rin sa kanya. O diba? Pero dito na ang problema niya. Parehong naging mabait ang dalawang lalaking ito. Who will she pick? Pangit nga pero litong-lito sa pag-ibig.