#Twin's POV (Part 3)

29 0 0
                                    

Abby's POV

Madaling araw akong lumabas sabay saksak ng earphones sa tenga at nagjogging.

Galit ang mukha kong nakatingin lang sa harapan.

Hindi ako ganito, pero naging ganito ako dahil sa kanya. Dahil sa pagmamahal kong bigo.

Lumiko sa isang kanto sabay pahid ng pawis.

Habang nagjjogako hindi ko maiwasang magisip.

Imposible din naman kasing magkagusto sakin si Kenneth eh. Sino ba naman ako kung ikompara kay Angel? Matalino yun. Talented. Sabi pa ni Twinie Andy maganda daw kung wala lang yung mga sagabal sa mukha niya. Eh bukod sa maganda walang-wala na ako eh. Gusto pa naman ng mga lalaki yung may mga kakayahan. Mas nakakaturn on yun eh.

~Pinapaasa mo lang ako kasi alam mong crush kita! Oo na crush kita!Pambihira oh nung dati pa~

Binilisan ko ang pagtakbo habang naniningkit ang mga mata.

~May patanong-tanong ka pa kung sino yung nasa facebook status ko. Hoy! Tungkol yun sayooo! Yun sana, ako na lang ang girlfriend mo~

Parang sinadya talaga 'tong kantang 'to para sakin eh. Patuloy na lumalapit sa taong gusto ko at hinahayaan lang siyang utusan ako ng kung anu-ano. Hindi ko na pala alam na dahil sa mga pinaggagawa ko nagiging T-A-N-G-A na ako. Pero wala akong magawa eh. Ginusto ko 'to, at gusto ko talaga.

Lumiko ulit ako sa isang kanto at biglang nabunggo sa isang lalaking may suot ng salamin.

"Ay s-sorry." nauutal niyang pagpapaumanhin.

Tumayo muna ako sabay pagpag sa puwet at tiningnan 'tong lalaking nakasalamin at walang itsura. I mean, pangit.

"Okay lang." ponahid ko ulit ang pawis ko at aaktong lalampasan na siya pero bigla niya akong pinigilan.

"I-ikaw ba si Abby?" nakangiti niyang tanong.

Kumunot ang noo ko sabay pahid sa pawis. Paano naman niya ako nakilala?

"Ako nga. Bakit?"

Ngumiti siya ng napakalapad saka nakipagshake hands sakin. Problema ng lalaking 'to? Medyo hindi ko magets ang kilos niya.

"Ako si Fernando. Hehe totoo nga ang sabi nila." ibinaba na niya ang kamay ko saka ko siya kinunutan ng noo dahil sa titig niya at nakanganga pang nakatingin sakin. Aish. Masyado na 'tong hindi komportable. "Ang ganda mo pala. Saka" inamoy-amoy niya ako na nagpaatras sakin. "Mabango pa."

Umatras ako ng ilang metro sabay pakita sa kanya ng dalawang palad ko.

"Grabe ka tol. Kakaiba ka. 'Ge, una na ako." sabi ko at linampasan na siya.

"Babye! Kita ulit tayo! Hihi" hindi ko pinansin ang sigaw niya saka nagpatuloy sa pagtakbo.

Sunod-sunod akong napailing nung maalala ko ulit na nakausap ko pala ang hindi pangkaraniwang taong yun.

Durudiretso lang ang takbo ko hanggang sa napagdesisyunan kong tumigil na dahil pupunta pa ako sa eskuwelahan.

Pumasok na ako sa ekuwelahan kahit alam kong hindi magtuturo ang mga guro kasi busy sa preparations para sa intramurals.

Dala-dala ko pa ang libro as if binabasa ko talaga. Psh.

"Abby!" walamg gana akong napalingon sa kanya.

Lumapit siya sakin saka ako inakbayan at nagsimulang maglakad kaya naman napasama din ako.

"Nakakunot na naman ang noo mo bestfriend." sabi niya pa at itinuro pa ang noo ko. Itinapik ko na lang ang kamay niya saka siya pinaningkitan ng mata.

The Princess turns into a NERDWhere stories live. Discover now