#I Love Her

27 0 0
                                    

Kenneth's POV

"Madam, ito na po ang hiniram kong libro." nakapilit na ngiti kong inabot sa librarian ang librong hiniram ko.

"Next time you can't borrow a book here in the library." sabi naman niya sabay kuha sa libro at tiningnan ako ng walang gana. Problema ng matanda na 'to?

"Bakit madam?"

"Inaabot ka ng isang buwan para lang maisauli ang libro dito! Lumayas ka nga!" pagwawala niya saka ako hinagisan ng mga papel.

Pambihira naman 'tong matandang 'to. Ang hirap kayang basahin yang makapal na libro na yan. 'Di naman yun ganun kadaling basahin. Tsk. Buti nga at sinauli ko pa eh.

Napakamot na lang ako sa batok saka naglakad-lakad muna dito sa loob. Ba't naman ako lalayas eh hindi naman niya pagmamay-ari ang library. Nagbabantay lang naman yung matandang yun.

Napunta ako sa isang shelf saka napatingin-tingin sa mga pangalan ng libro.

Potek. Saan ba dito ang How to court a girl?

Binabasa ko talaga ng maagi ang mga title ng mga libro. Baka mamaya malagpasan ko mawalan pa ako ng pagasa. Aba suwerte ng nerd na yun ah. Sa kanya pa nahulog 'tong guwapong nilalang na si ako. Iba dapat yung gugustuhin ko eh kung pagbabasehan lang ang standards ko. May standards din naman ako. Pero wala eh. Unang salita niya palang sabog na ako.

Halos lahat ata ng libro nadaanan ko na. Asan na ba yun?

Putangeners. Mukhang wala naman eh.

Napapameywang ako. Buwisit 'tong libraryng 'to kinakalimutan ang pinakaimportanteng libro sa lahat.

Napailing-iling ako saka napatigil ng mahagilap ko ang babaeng pinakamamahal ko. Naku nandito pala si nerdo at mukhang ang ganda ng tulog.

Kiniskis ko ang dalawa kong kamay saka inayos ang buhok at masayang naglakad patungo kay nerdo.

Kinuha ko ang isang upuan sa mesang tinutulugan niya saka hinila yun papunta sa tabi ni nerdo at naupo dun.

Nagcross arms ako saka yun inilagay sa ibabaw ng lamesa at pinatong dun ang ulo ko habang diretsong nakatingin kay nerdo na natutulog.

Yung skin niya nakakadiri pero kapag tinitigan siya ng mas matagal makikita ang kagandahan niyang walang-wala sa iba.

Hinawakan ko ang mukha niya kahit magaspang.

Kung wala ang mga 'to siguradong maganda pa siya kesa sa iba dyan na nagffeeling maganda lang.

"What the f*** are you doing?"

Binawi ko agad ang kamay ko sa gulat sabay kuha ng isang libro sa kabilang table "Hey!" , ng bigla siyang nagsalita kahit nakapikit.

Nagkunwari na lang akong nagbabasa kahit hindi naman, ng bigla siyang umupo ng maayos saka pinulot ang glasses niya na inilagay niya ata sa gilid saka yun isinuot.

"Ahem." I cleared my throat saka inangat lalo ang libro para matakpan ang mukha ko.

Nakita ko siyang ipinuwesto ang kaliwang elbows sa lamesa saka ipinameywang ang kanan niyang kamay.

"B-bakit?" napalunok ako sa sarili kong laway. Eh kasi naman nakakatakot yang mga titig niya. Para niya akong papatayin.

"Why the heck were you touching my face?" nakataas kilay niyang tanong sakin. Napalunok ulit ako ng laway saka dahan-dahang ibinaba ang libro saka ipinagdikit ko ang mga kamay ko.

"Kasi ano... may ano kasi kaya ah hindi. Ano kasi--"

"Stop babbling and tell me straightly!" mahina niyang sigaw. Siyempre nandito kami sa library eh. Masungit pa naman yung librarian.

The Princess turns into a NERDWhere stories live. Discover now