#I'm Formidable

105 6 12
                                    

"Oh my Gosh!"

Napatingin na lang ako sa taas habang nakalaglag ang mga balikat ko. Sermon na naman.

"What the hell happened to you Angel?" takang tanong ni mommy habang tinitingnan ang face ko.

"Bullied." walang gana kong sagot.

"Wow. Sis, dire-diretso?" bulong sakin ni ugly parrot.

I looked at him showing no interest drawn in my face. Hindi ako kagaya ng iba na weak na nga, nagsisinungaling pa. Psh. Kadramahan nila. Obvious naman na nabully ginagawa pang dahilan ang pagkahulog sa hagdan. Mga buwisit.

"Report this to your principal." maawtoridad na sabi niya sabay bitaw sa pagkahawak ng mukha ko.

I don't need to tell that damn principal what the hell happened to me. What I need is a Dermatologist!

"No need. They already knew." I said without knowledge. Hindi naman kasi ako sigurado kung alam yun. Ay malamang alam yun. Nadetention nga sila eh.

"And?"

"And what?"

Napabuntong hininga siya saka umupo.

"Wala man lang ginawa?" taka niyang tanong habang nakacross legs.

Nagkibit balikat lang ako bilang sagot. Pakialam ko ba sa kanila. Sino ba naman sila para pagkainteresan ko. They are just common people with common attitudes. Duh!

"Damn. Buti na lang at magttransfer ka na next month. Wala palang kakuwenta-kuwenta namamahala dyan." sabi ni mommy sabay inom ng tubig. Now, she's mad.

"Yeah."

"Oo nga mom. Sayang, wala ng titili at magkakagulo na mga babae sa school kapag magtransfer ako." naparoll eyes na lang ako sa kayabangan ng ugly parrot na 'to.

"Lower your vanity Andrew. As if I care." napatakip na lang ako ng bibig sabay ng pagpigil ng tawa. Hindi ko naman akalain na dito siya idadala ng temper niya. Haha

Tiningnan ko si ugly parrot na nanlalaki ang mga mata.

"M-mom. Hindi ka man lang proud sakin?" takang tanong niya. Proud. Proud. As if may ginawa siyang maganda sa school except sa kalandian at kayabangan niya. Psh. Okay fine. He did saved me from those assholes.

"Why would I be? You're just being conceited." sabi ni mommy sabay tingin sa kanya ng walang gana. Nice. I like this scene. Haha sana palaging ganito na lang si mommy. Dalawa lang naman yang "attitude" niya. Isa na dun ang goody-goody habang ang isa ay bitchy. Mabait pero bitch.

"Uh." yan lang ang tanging lumabas sa bibig ni ugly parrot. Parang 'di siya makapaniwala.

Nakacross arms lang akong tumatawa ng pacool habang nakatingin kay ugly parrot.

Sa gitna ng masayang pangyayari na nangyayari dito sa loob, biglang dumating si daddy habang hawak-hawak ang bag niya na pinatungan ng kanyang coat sabay ayos ng tie.

"Damn. Andaming babaeng kanina pa nagpapapicture sakin." see. The vanity comes from my father that ugly parrot now possess. Napailing na lang kami ni mommy.

Lumapit si daddy kay mommy sabay kiss sa cheeks.

"Don't get jealous Hon, I will be yours forever. Even though forever doesn't exist. Oh. Sorry. I forgot that forever do exist, in my hamdsome face." sabi niya at hinawakan ang chin niya.

"Alright, dad." at nagapir sila ni daddy habang kami ni mommy ay napafacepalm.

"Shut up Ugly Parrot!/Ugly Bee!" sabay namin naisigaw ni mommy na nagpatigil sa pagtawa nila.

The Princess turns into a NERDTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang