#I'm near

38 0 0
                                    

Angel's POV

"Yo ugly duckling!" pinaningkitan ko ng mata 'tong si ugly parrot. May paakbay-akbay pa 'tong nalalaman eh nanghuhusga naman. But wait, who is he calling ugly duckling?

"Who's that duckling you're referring to?" nakataas kilay kong tanong habang naglalakad kami dito sa hallway ng school. Of course hindi pa rin maiwas-iwas ang mainit na tingin ng mga estudyante dito. Duh. Hindi pa ba sila makaget over?

"Ano ka ba sis, siyempre ikaw yun---" 

Sinuntok ko agad siya ng napakalakas dahilan para mapa-Aray siya ng todo.

"Alam mo I had enough with you. Dyan ka na nga!" tinulak ko na siya palayo sakin saka umunang maglakad. Masstress lang ako dito sa kanya eh.

...

Pumasok ako sa room namin kahit wala namang pasok. Duh. Nandidito kaya ang kambal. 

Mamaya na kasi ang pageant and pinatawag ako sa madaling araw ni Abby dahil nasa classroom na siya kahit ang aga-aga pa  dala ng kaba. Siyempre hindi ako nagmadali. Sayang yung beauty sleep ko.

"Oh Abby, ano kailangan mo?" salubong kong tanong sa kanya at agad na nagcross arms sabay taas ng kilay.

Napalingon siya sakin ng nanlalaki ang mga mata.

"ANGEL!" napatakip ako ng tenga dahil sa lakas ng boses niya. Aish. Ito na naman siya sa kakasigaw.

Lumapit siya sakin saka ako niyakap.

"What the f*** Abby! Stop shouting nga!" sigaw ko rin sa kanya pabalik. Umiwas siya sa yakap dahil siguro sa boses ko but duh mas malakas pa rin yung sa kanya.

"Ano ba naman yan Angel, huwag ka ngang sumigaw." agad ko siyang tiningnan ng may kunot ng noo. Siya pa talaga 'tong may ganang magreklamo? Aba. Sumusobra na 'tong babaeng 'to ah. 

"How--"

"Angel ano ba! Paano na 'to ngayon?" napasabunot siya at parang naubusan na siya ng pag-asa. Ang OA talaga nito kahit kailan.

Lumapit ako sa isang upuan saka aaksyong uupo na ng bigla niya akong hinila patayo. Nabbuwisit na talaga ako sa babaeng 'to ah.

"What is it Abby?" madiin kong tanong, halata na ang pagkainis ko.

"Alas 8 magsstart ang pageant alam mo ba yun?!" 

"The f***! Stop shouting!"

Nagulat siya sa biglaan kong pagsigaw but I didn't care. Ininis niya ako eh. Buwisit.

"Sorry. Okay. Angel, walang magaayos sakin tapos ilang oras na lang magsstart naaa at ito ako ngayon kinakabahan. I literally don't know what to do." naiiyak na siya habang pinagsasabi yun saka tumingin sakin na nakatingin lang sa mga kuko ko.

Tumingin ako sa kanya na hindi nagpapakita ng interes. 

"So?"

"ANO BA!" napatalon ako sa gulat sabay hawak sa dibdib. Nanlalaki ang mga mata akong nakatingin sa kanya habang may kunot ang noo. "TULUNGAN MO NGA KASI AKO!" 

Nakatingin lang ako sa kanya hanggang sa bumalik ako sa sarili ko. Nagbuntong hininga muna ako bago siya sagutan.

"K fine. Umupo ka. Ako magaayos sayo." pagkasabi ko nun agad niya akong sinundan. Mabuti naman at masunurin din 'tong babaeng 'to.

Lumapit ako kay Andy dahil nasa tabi niya ang  mga kagamitan. Kinuha ko ang mga yun while looking at Andy. Parang nawala siya sa sarili.

"Hey. Is something bothering you? Ang laki-laki ng eye bags mo ah." sabi ko at aaksyong hahawakan ang mukha niya pero inilayo niya ang kamay ko. Napakunot kaagad ang noo ko dahil sa ginawa niya.

The Princess turns into a NERDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon