#The End

96 0 0
                                    


"Congrats Twinie Abby!" niyakap ako ni Twinie Andy sa oras na makababa ako sa stage na may suot na korona sa ulo at may dala-dala na malaking bouquet. "Sorry hindi ako nakapagsabi sayo ng good luck kanina."

Binatukan ko siya sabay iwas sa yakap niya.

"Hindi ko na yun kailangan Twinie Andy. Hahaha" nginitian ko 'tong kambal ko saka humarap kay Angel. "Angel! Waah!" niyakap ko siya ng napakahigpit kahit alam kong inis na inis na siya sa ginawa ko.

"Aish. Abby! Get the f*** off me." binitawan ko na siya at tiningnan na lang siya sa mata. "You creep the hell out of me. Geez." 

"Dahil sayo Angel na achieve ko 'to. Thank you talaga. Thank you!" niyakap ko ulit siya pero tinulak na niya ako palayo. 

Kahit ginawa niya yun nakangiti pa rin ako. Wala akong pake sa pagtulak niya may pake ako sa naachieve ko dahil sa kanya. Kyaa! Ang galing ko talaga!

"I get that your thankful, you don't have to show me. Ugh." naglakad na siya paalis saka sumabay sa kanya si Twinie Andy. Naku yung dalawang yun talaga palaging magkadikit. 

"Congratulations." tumalikod ako saka ngintian si Kenneth. 

Dahil sa nakita ko siya bigla kong naalala ang kailangan kong gawin. 

"Salamat. Pero Kenneth, I need to talk to you later in private. Maybe in the garden during lunchtime. Puwede?" nginitian ko siya na nginitian niya pabalik.

"Sure." ngumiti ako ng mas malapad na parang gusto ko ng magtalon-talon sa harap niya kahit na nakakakaba rin 'tong gagawin ko.

"Salamat. I'll look forward to that." pinat ko ang balikat niya saka umuna na. Kailangan ko pang magbihis. I won't keep this look forever. 

Pumunta na ako sa room saka nagbihis. 

...


Akala ko nandito na siya pero wala pa pala.

Napacross arms na lang ako sabay tingin-tingin sa paligid. Mukhang walang tao dito sa garden. 

Umupo na lang ako sa bench para hindi ako mapagod sa kakatayo. Kailangan mawala 'tong kaba ko. 

"Hay. Ang tagal naman." napatingin ako sa wrist watch ko sabay buntong hininga. Magaala una na at ang sabi ko lunchtime lang dahil hindi pa talaga ako kumakain simula kaninang umaga, pero wala pa rin siya.

Dadating pa ba yun? Mukhang hindi na ata.

Tumayo na ako saka tumalikod para na sana umalis pero may nakita akong mga paa sa unahan ko dahil sa nakayuko ako.

Inangat ko ang ulo ko saka napangiti ng makita siyang nakapamulsa habang nakatingin sakin. 

"Nandito ka na pala." lumapit ako sa kanya saka malapad siyang nginitian. Akala ko talaga hindi na siya dadating eh.

"Sabi mo pumunta ako dito eh. Kaya nandito na ako." sabi niya at may patawa-tawa pang nalalaman. Napailing na lang ako sabay iwas ng tingin. Ang weird talaga ng lalaking 'to. "Nga pala, ano ba gusto mong sabihin?"

Napatingin kaagad ako sa kanya nung sabihin niya yun. Kung yung iba kakabahan pa sila sa sitwasyong 'to pero ako wala na akong pakialam kung maganda o hindi 'tong resulta sa sasabihin ko sa kanya. Basta masabi ko lang 'to ngayon okay na ako.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 23, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Princess turns into a NERDWhere stories live. Discover now