#Twin's POV (Part 2)

32 0 0
                                    

Andy's POV

Nakaalis na si Besterdy kasama ang pamilya niya at kasalukuyang nasa classroom ako at busy sa pagbabasa. Medyo hindi rin kami nagkklase ng matino dahil papalapit na ang intramurals. So walang klase! Hahaha

Joke joke lang. Kailangan pa kaming pumunta dito kahit ganun. May mga sports din sa school at wala akong balak sumali ni kahit isa man lang.

"Hi Andy." napaangat ang ulo ko saka napatingin sa lalaki na nagwink pa sakin.

Awkward ko siyang nginitian dahil hindi naman kami close.

"Back off dude." sabay kaming dalawang napalingon sa nagsalita.

Ano naman ginagawa dito ni Kenrich? Hindi kami classmates 'no.

"Tss." tumalikod na pabalik ang lalaki saka naman lumapit sakin si Kenrich na kinunutan ko lang ng noo.

"Anong ginagawa mo dito?"

Umupo siya sa upuan ni Besterdy saka ako tiningnan.

"Pinabilin ka sakin ni Angel. Total wala din namang klase dahil marami ang nagpprepare para sa intrams." kinuha niya yung cellphone niya saka parang may tinawagan.

Patuloy lang akong nakatingin sa kanya dahil...wala lang.

"Angel?... Okay na si Andy kasama ko na siya ngayon. Ikaw, okay ka lang ba dyan?... Haha! Anong parang boyfriend? Soon to be. Ano ka ba. Haha...Kailangan talaga ganun kaconfident. Tsk."

Hindi na ako nakinig pa saka nagpatuloy sa pagbabasa. Hindi ko alam kung bakit, pero alam  kong nalulungkot ako ngayon. Hay.





Abby's POV


"Simple lang ang pangarap ko maging ikaw at ako sana ay mapansin mo, simpleng tulad mo~"

Naparoll eyes na lang ako habang naglalaro ng patayan sa phone. Iniisip ko na si Angel 'to. Nakakainis. Hanggang ngayon siya pa rin ang gusto ng lalaking 'to. May pakanta-kanta pa. Buwisit.

"Hay Angel." inis ko siyang tiningnan na nagpadausdos pababa mula sa sandalan ng sofa at nakatingin lang sa taas.

May pinipindot ako sa phone saka tinusok 'tong kaaway ko ng kutsilyo. Buwisit. Umabsent pa talaga kami para niya lang mapractice yang kanta niyang ikakanta niya sa intramurals para kay Angel. Aggh!

"Abby!" napatingin ako bigla sa kanya. "Mahal na mahal ko na talaga siya!" ibinaling ko pabalik ang tuon ko sa phone.

"Edi magpakamatay ka. Saya mo eh." pinatay ko ulit ang kalaban.

"Ano sabi mo?" umupo siya ng maayos pero hindi ko pa rin siya tiningnan.

"Wala. Wala akong sinasabi." nagpaikot ako ng mata sabay iling.

"Ayan ka na naman Abby eh. Hindi na naman kita maintindihan." saglit ko siyang tiningnan.

Wala ka talagang maintindihan. Ang manhid mo eh. Ang manhid manhid mo. Kainis ka. Buwisit ka.

"Hindi talaga." sabi ko ng mahina.

"Hay naku!" tumayo siya saka pumwesto sa likod ko at nagsimulang minasahe ang sentido ko. "Ang init na naman ng ulo mo bestfriend eh. Kalma nga."

Inikot ko ulit ang mga mata ko. As if kakalma ako kung puro Angel lang ang laman ng bunganga mo.

"Lumayo ka nga." iniwas ko ang ulo ko saka naglaro ulit.

Naglakad siya saka umupo sa tabi ko.

"Bestfriend, ba't ka ba bad mood pag si Angel ang topic?" nakanguso niyang tanong. Ayan na naman siya sa kapabebehan niya. Kalalaking tao eh.

The Princess turns into a NERDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon