Si Mingi, isang simpleng dalaga na may simpleng pangarap. Hindi man sya biniyayaan ng angking ganda ay malaki pa din ang paniniwala nya sa sarili na maganda sya ano man ang sabihin ng iba, bagay na hindi gusto at kinaiinis ng kanyang tita. Gayunpaman, nar'yan ang kanyang kaibigang si Nina na palagi nyang maaasahan. Ngunit, magigising na lamang sya isang araw na nasa ibang mundo na sya at kapiling ang ibang uri ng mga nilalang. Haharap sya sa iba't-ibang uri ng pagsubok at hamon ng buhay. Makakabalik pa kaya sya sa mundo ng mga tao? Magkikita pa kaya sila ni Nina? Magiging maayos pa kaya ang pakikitungo sakanya ng kanyang tita?