Chapter 17

10 0 2
                                    

"Mga kaibigan, aking mga kalahi. Nais ko pong kunin ang inyong atensyon pansamantala.." panimula ng tila emcee sa entablado.

Agad naman tumigil sa ginagawa ang ilan, tumahimik at humarap sa entablado.

"Nais kong ipaalam sa inyo na tayo ay naparito upang masaksihan ang makasaysayan at opisyal na pagkorona kay Panginoong Kilo bilang kataas-taasang pinuno, ang ating Reyna!"

Bumukas ang kurtina at iniluwa si Kilo na sya naman sinabayan ng marahang paglapit sa entablado ng apat na Datu si Kilo, dala ang kapa at ang gintong korona upang isuot dito, pagkatapos ay inalalayan nila ito patungo sa trono na napapalibutan ng mga namumukadkad na bulaklak.

"Ang hot talaga ng mga Datu na'to." sabi sa sarili ni Mingi.

Umugong ang masigabong palakpakan na sinabayan ng tugtog ng tambol.

"Mabuhay ang ating Reyna! Mabuhay!" sigaw ng ilan.

Nagkaroon ng sayawan, munting palaro at muli sumayaw ang ilang tribo ng uh-oink dance. Ang lahat ay masaya lalo na si Mingi na madaming nakain. Ilang segundo pa'y tila nahihilo na sya na parang lasing. Napadami ang nainom nyang wine. Pagewang-gewang sya at hindi sinasadyang natapunan nya ng inumin ang isang babae.

"Anong ginawa mo sa magarbo kong kasuotan?" galit na sabi ng mestisang babae, si Tumbong.

"P-pasensya na." sabi ni Mingi.

"Anong pasensya? Kailanman ay hindi kayang bayaran ng pasensya mo ang mamahalin kong kasuotan! Kahit saan ka magpunta wala kang makikitang kapares nito!" Galit na galit na sabi ng babae.

"Pasensya kana, hindi ko naman sinasadya.." sabi ni Mingi.

"Anong hindi sinasadya?!" sabat ng isa din mestiza, ang batang kapatid ni Tumbong na si Kuyukot. "Marahil ay naninibugho ka lamang sa kasuotan ng mahal kong kapatid kaya mo nagawa ito!"

"Bakit naman ako maninibugho? Hindi ko kailangan magsuot nyan para maging maganda sa paningin ng iba. Dahil kahit ganito ang suot ko, nakukuha ko ang atensyon ng ilan." hindi napigilang sagot ni Mingi.

"Ah talaga? Eh mukha ka ngang basura eh!" sagot ng isang mestisang babae.

"Sumusobra na kayo huh!" hindi na napigilan ni Mingi ang inis, sinabunutan nya ang dalawang babae.

Naging sentro sila ng atensyon nang gabi yun. Lahat ay napahinto at napatingin sa nagaganap na kaguluhan.

Mabilis silang nilapitan ng ilang tribo na tagapamayapa upang umawat sa nagaganap na kaguluhan. Nang mapaghiwalay sila'y dinala sila nito sa isang malakastilyong kweba kung saan naroon si Kilo.

"Panginoon, may naganap pong kaguluhan sa gitna ng pagdiriwang sa labas. Kasama po namin ngayon ang mga pasaway." sabi ng pinuno ng mga tribong tagapamayapa.

"Papasukin ang mga pasaway." utos ni Kilo.

"Papasukin sila." utos din ng pinuno sa mga kasama. Sumunod naman ang mga ito.

"Bitiwan nyo kami!" nagpupumiglas na sabi ng dalawang mestiza.

"Kilo, wala akong kasalanan.. ipinagtanggol ko lang ang sarili ko.." nangingilid na luha sabi ni Mingi.

"Sinungaling! Ikaw pa ngayon ang biktima? Masdan mo ang iyong ginawa sa amin, sinira mo ang taglay naming kagandahan!" sagot ni Tumbong.

"Walang hiya ka! Anong ginawa mo sa mga anak ko?" nanginginig sa galit na sabi ni Celeste. Nagpumilit itong pumasok sa kaharian ni Kilo kahit pa pinipigilan na sya ng mga kawal. "Bitiwan nyo ako! Mula ako sa angkan ng maharlika! Baka gusto nyong sampalin ko kayo ng mga mamahalin kong perlas!" inis na sabi ni Celeste sa mga kawal.

"Papasukin nyo sya." utos ni Kilo.

"Papasukin sya!" ulit ng pinuno ng mga tribo.

"A-anong nangyayari dito?" biglang sulpot ni Pearl. Pero walang pumansin sakanya.

Patakbong sinalubong ng magkapatid ang ina at niyakap ito.

"Ina, masdan mo ang ginawa nya sa amin sa labis na pagkainggit nya sa kagandahan namin." umiiyak na sabi ni Kuyukot.

"Ina, sinira nya rin ang aming magarbong kasuotan." sagot ni Tumbong.

Mabilis na nilapitan ni Ghen si Mingi at sinampal ito. Tila umikot ng 360 degrees ang ulo ni Mingi sa lakas ng sampal na iyon ni Ghen. Hindi pa nakuntento muling sinampal ni Celeste si Mingi sa kabilang pisngi naman,.

Tantya ni Mingi 175 degree lang ang inikot ng ulo nya sa pangalawang sampal na iyon ni Celeste, mas malakas ang una. "Wala kang karapatan para saktan isa man sa mga anak ko!" dinuro pa sya ni Celeste.

"Doña Celeste, hindi ko po kayo lalabanan dahil marunong po akong rumespeto sa nakatatanda sa akin. Ngunit sasabihin ko sa inyo, wala po kayong karapatang saktan ako! Nakasaad po yan sa Republic Act 9262! Sila ang nag-umpisa, hindi ako! Sana po alamin nyo muna ang buong pangyayari." himutok ni Mingi.

"Walang dapat paniwalaan dito kundi ang mga anak ko, sila ang biktima dito. Tingnan mo ang ginawa mo sakanila. Hindi makatarungan!" sagot ni Celeste.

"Oink! Oink! Doña Celeste, ako po'y nalulungkot sa sinapit ng inyong mga anak na sina Tumbong at Kuyukot. Nakikiusap po ako sa inyo na sana ay bigyan nyo kami ng panahon upang maimbestigahan ang pangyayaring ito. At nangangako po ako na kung sino man ang may kasalanan matapos ang imbestigasyon ay mapaparusahan. Oink! Oink!" sagot ni Kilo.

Taas noong nilapitan ni Celeste si Kilo. "Ker kor moro xe sut tu sut ming gao wu de bu skul."

Naguluhan si Mingi, hindi nya maintindinan ang tila alien na sinabi ni Celeste.

"Ano raw yun?" pabulong na tanong ni Mingi kay Pearl na noon ay nasa tabi na nya.

"Hinihiling nya kay Panginoong Kilo na pugutan ka ng ulo." malungkot na sagot ni Pearl.

Hindi naman agad nakapagsalita si Mingi at naluha na lamang ito. Hindi nya gusto na hindi sa kanais-nais na pangyayari sya mamamatay. Gusto nya maganda pa din sya 'pag namatay. At bakit kailangan pugutan sya ng ulo? Paano na ang angkin nyang ganda?

"Oink! Oink! Shalala lala macarena boom tarat tarat ectasy ecsta-no! Oink! Oink!" sagot ni Kilo kay Celeste.

"Tel mundo menk ming poi kuy mui teh boom bastic elepantastic." sagot ni Celeste.

"Oink! Oink! Kokek kukurutuktok ming ming kei tung gil tatatata brutatata gata! Oink! Oink!"

"Ano na raw? Mapupugutan na ba ako ng ulo?"  tanong ni Mingi na nangingilid ang ang  mga luha.

"H'wag kana mag-alala.." tinapik ni Pearl ang nag-aalalang kaibigan. "Hindi kana mapupugutan ng ulo. Napagdesisyunan nalang nila na magbayad nalang ng isang sako ng mga pearliante." paliwanag ni Pearl.

Lumuhod si Celeste kay Kilo, tanda ng paggalang at pasasalamat, pagkatapos ay hinarap nito si Mingi at inirapan. "Halikana Tumbong at Kuyukot, mga magaganda kong anak. Umalis na tayo dito!" sabi nito.

The Adventure of MingiOnde histórias criam vida. Descubra agora