Chapter 12

8 0 0
                                    

Tumuloy naman agad ang magkaibigang Pearl at Kilo sa barong-barong ni Mingi at ipaghanda sila ng makakain.

"Oink! Oink! Ang sarap naman ng ulam! Kaya lang nakakalungot."

"Bakit naman?" tanong ni Mingi.

"Eh kasi ang ulam ay baboy..Oink! Oink!"

"Ah-eh, pasensya kana Mingi kasi hindi kumakain ang alaga ko ng kapwa-baboy nya. Pakiramdam nya kasi kinakain na rin nya ang sarili." paliwanag ni Pearl.

"Ah ganon ba? Sige palitan ko nalang. May iba pa naman akong pagkain dito." sagot ni Mingi. "Para ka palang kaibigan kong si Mich. Hindi din sya mahilig sa baboy." kwento ni Mingi.

"Talaga? Eh nasaan sya? Baboy din ba 'yun?" sunod-sunod na tanong ni Pearl.

"Hindi." sagot ni Mingi.

"Ah, o eh nasaan sya? Kasama mo ba sya dito ngayon?" tanong ni Pearl.

"Hindi. Wala sya dito." malungkot na sagot ni Mingi.

"Bakit bigla kang nalungkot? May problem ba?" nag-aalalang tanong ni Pearl.

"Namimis ko na kasi ang mga kaibigan ko. Gusto ko ng umuwi sa amin. Kaya lang, ang tagal ko ng hinahanap ang daan palabas sa gubat na ito ngunit hindi ko makita." paliwanag ni Mingi.

"Ibig mong sabihin hindi ka taga dito?" tanong ni Pearl.

"Ganun na nga."

"Kung ganun, taga saan ka?"

Bumuntong-hininga muna si Mingi bago nagsalita. "Sa Guadalupe, Makati City ako nakatira."

"Saan 'yun?" tanong ni Pearl. Bago ito sa pandinig nya.

"Sa Manila. Hindi kapa ba nakarating dun?" tanong ni Mingi.

"Ha? Ano naman 'yung Metro Manila?" naguguluhang tanong ni Pearl.

Napakamot ng ulo si Mingi. Naiinis sya kung bakit hindi alam ni Pearl kung ano ang Metro Manila. "Manila is commonly known as Metro Manila. It is the capital region of the Philippines, is the seat of government, the 2nd most populous and the most densely populated region of the country." paliwanag ni Mingi.

"Teka muna, naguguluhan ako. Mula saan planeta kaba?" tanong ni Pearl.

"Planetang earth." sagot naman ni Mingi.

"Samakatuwid isa kang tao?"

"Oo, ano paba sa tingin mo? Mukha ba akong hayop?" inis na sagot ni Mingi.

"Akala katulad ka din namin isang Ota." Sagot ni Pearl.

"Anong ota?" kunot-noong tanong ni Mingi.

"Teka, bago ko sabihin sa'yo maaari mo bang sabihin kung paano ka napadpad sa lugar na ito?"

Malungkot naman na isinalaysay ni Mingi ang pangyayari ng walang labis at walang kulang. Matapos magkwento ay hindi nya mapigilan ang sariling maiyak. Namimis na nya si Nina.

"Oink! Oink! Nakakalungkot naman 'yang kwento mo. Oink! Oink!" malungkot na sagot ni Kilo.

"Gusto ko ng umuwi makita si Nina. Please, tulungan nyo akong mahanap sya ng makauwi na kami." pakiusap ni Mingi.

Mahigpit na hinawakan ni Pearl ang kamay ni Mingi. "Mingi, gusto man namin matulungan ka makabalik sa inyo ngunit hindi ko alam kung paano at hindi ko alam kung may paraan dahil wala ka sa earth, wala ka sa mundo nyo ngayon, nandito ka sa planetang kemberlu."

"H'wag mo nga akong pinagtitripan, Pearl! Hindi ako nakikipaglokohan." inis na sagot ni Mingi. Hindi nya maintindihan kung bakit sa ganitong pagkakataon ay naiisip pa nito na biruin sya.

"Hindi ako nakikipaglokohan. Hindi ko magagawang biruin ka sakabila ng pinagdadaanan mo. Seryoso ako, nasa planetang kemberlu ka, dito sa mundo naming mga ota." paliwanag ni Pearl.

"Oink! Oink! Maniwala ka, Mingi." sabat ni Kilo.

"Hindi kita maintindihan."

"Kung sa planetang earth ay may tao na nabubuhay, dito sa planetang kemberlu meron namang ota. Isa kaming Ota." paliwanag muli ni Pearl.

"Teka! Binaligtad mo lang ang salitang tao ah!" inis na sagot ni Mingi sabay hampas kay Pearl.

"Makinig ka, hindi ako nagbibiro." giit ni Pearl.

"Oink! Oink! Nagsasabi kami ng totoo." sagot ni Kilo.

"Kung nagsasabi kayo ng totoo patunayan nyo sa akin." sagot ni Mingi. Paano nga ba naman nya ibibigay ang tiwala nya sa tao na ngayon nya lang nakilala.

Biglang humangin ng malakas at narinig nila ang ungol na isang tila galit na galit na tigre.

Sabay-sabay silang natigilan ng marinig ang nakakatakot na tinig na iyon.

"Panginoon, ang tinig na iyon..." takot na sabi ni Pearl at niyakap si Kilo.

"Si Jordan!" takot din na sagot ni Kilo.

"Sino si Jordan?" tanong ni Mingi.

Biglang humangin ng malakas at sinabayan pa iyon ng malakas na ulan at pagkidlat. Nasira ang barong-barong ni Mingi at para silang mga basang sisiw na hindi malaman kung saan sisilong.

"Kapag sinuswerte ka nga naman! May makakain na naman akong mga ota at kasama pa ang inyong panginoon!" sabi ni Jordan.

"Jordan.. buhay ka.." hindi makapaniwalang sabi ni Kilo. Naalala ni Kilo na mahigit dalawang dekada na ang nakakalipas ng pagtulong-tulungan nilang mga ota tapusin ang pagkakalat ng lagim nito. Nasawi ito sa isang labanan, ngunit hindi sya makapaniwala na buhay pa pala ito.

Nakatulala lang si Mingi. Hindi nya alam kung nananaginip ba sya ngayong nasa harapan sya ng isang lalaking may pagkakahawig sa kapre, mabalahibo ang malaking katawan na parang unngoy, nakalabas ang matatalim nitong ngipin gayundin ang kuko nito sa kamay at paa, naglalaway na parang isang asong-ulol at may nakakapanindak na mga mata na parang galit na galit na tigre.

The Adventure of MingiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon