Chapter 3

17 0 1
                                    

Sipsip-sipsip ni Mingi ang frappucino drink nya hanggang sa makauwi. Talagang sinadya nyang unti-untiin at hindi iyon ubusin kaagad para makita ng mga kapitbahay nila na galing sya sa sikat na coffee shop na iyon. Nagtagumpay naman sya dahil halos lahat ng mga kapitbahay nya ay nakatingin sa sinisipsip nya. Pagpasok nya ng bahay ay nakita nya sa sala ang kanyang Tita Ghen na abalang nagbibilang ng kinita sa paninda.

"Nandito na po ako auntie." Masayang sabi nya, tapos ay nilapitan nya ito para magmano.

"Wag kana magmano, busy ako dito baka 'pag dumikit ang kamay ko sa noo mo eh malasin pa ako." masungit na sabi ni Ghen.

"Grabe naman...." pabulong na sabi ni Mingi. Naupo sya pagkatapos habang sipsip pa din ang frapuccino na hindi pa din nya maubos-ubos. "Mukhang kumita po kayo ng malaki ngayon, auntie ah. Malakas po ba ang kita sa palengke?" masayang tanong ni Mingi.

"Oo! Ako kasi ang nagtinda at hindi ikaw! Kapag ikaw ang pinagtitinda ko hindi nauubos ang mga isda at gulay. Hindi ko alam kung anong ginagawa mo bakit walang bumibili. Natatakot ata sa'yo." pagalit na sabi ni Ghen.

"Bakit naman sila matatakot sakin tita eh saksakan ako ng ganda." sagot ni Mingi na biglang nag-pout pa ng lips na parang si Angelina Jolie.

"Eh kung saksakin kaya kita? Hindi lang pala makapal ang gilagid mo, pati mukha makapal." sagot ni Ghen.

"Tita, bakit ba ganyan kayo sakin?" malungkot na tanong ni Mingi.

"Nagsasabi lang ako ng totoo! Umalis ka na nga sa harapan ko baka mahawa pa ako sa kapangitan mo." taboy ni Ghen.

"Ang sakit mo naman magsalita tita." sagot ni Mingi. Hindi nya talaga maintindihan kung bakit inis na inis sakanya ang kanyang tita. Sinubukan pa din nya ikubli ang lungkot na nararamdaman sa pamamagitan ng pagsipsip ng frapuccino.

"Ano yang sinisipsip mo? Ang social climber mo! Saan mo kinuha pambili mo nyan?" tanong ni Ghen.

"Tita naman, ano bang akala nyo sakin walang trabaho at hindi kayang bumili ng kape sa mamahaling coffee shop? " sagot ni Mingi.

"Tigilan mo nga ako ng kakasagot mo! At pwede ba umalis ka na sa harapan ko, hindi ako makapag-focus eh." taboy ni Ghen.

Hindi na sumagot si Mingi at nagtungo na lamang sa kanyang kwarto. Nagpalit sya ng damit pantulog atsaka naghilamos. Ang tagal nyang nakatitig sa salamin habang pinapahidan ng moisturizer ang mukha. Hindi sya naniniwala na panget sya, alam nya sa sarili nya na maganda sya at confident sya sa sarili. "Maganda ako." sabi nya sa sarili sabay sipsip sa frappucino na hindi pa din nauubos. Muli syang nag-selfie kasama ang frappuccino at nilagyan nya iyon ng caption ng "Proud To Be Me." Natuwa na naman sya dahil madami ang nag-likes 'nun. Mayamaya'y nakareceive sya ng tawag mula kay Nina.

"Hi friend!" masayang bati nya.

"Friend pinusuan ko na mga post mo sa facebook." sagot ni Nina.

"Thank you friend." Masayang sabi ni Mingi sabay sipsip sa frappuccino.

"Friend, yaman mo ah. Akala ko ba wala kang pera?" sabi ni Nina.

"Pinautang lang ako friend ni Joyce." sagot ni Mingi.

"Oh, akala ko umuwi ka na 'nun tapos kasama mo pala sila? Tapos nangutang ka ng pang-frapp mo?" tanong ni Nina.

"Eh pauwi na kasi ako nun tapos nakita nila ako. Alam mo naman na in-demand ang beauty ko kaya ayun niyaya ako. Wala naman talaga ako pera friend, si Joyce lang kasi nag-insist eh sabi ko nga okay na ako sa kopiko candy." sagot ni Mingi.

"Ah ganun ba?"

"Oo friend, hindi na ako nag-inarte pa kasi chance ko na 'yun para makapag-frapp dun eh. Eto nga hindi pa ubos eh. Hihih!" sagot ni Mingi.

The Adventure of MingiWhere stories live. Discover now