Chapter 20

12 0 0
                                    

Biglang dumating si Inamoka at mabilis na sinangga ng kanyang makapangyarihang shield ang energy ball ni Palku.

"Tumakas na kayo!" utos ni Inamoka habang pilit na pinipigil ang kapangyarihan ng kalaban.

"Bakit ngayon ka lang, Inamoka? Kay tagal ka naming hinintay.." buong-pusong tanong ni Pearl.

"Paumanhin, nagka-diarrhea kasi ako." sagot ni Inamoka.

"Hindi ka namin maaring iwan!" sagot ni Kilo "Sama-sama tayong lalaban. Oink! Oink!" sagot ni Kilo. Nag-aalala sya para dito at nababakas nya na nahihirapan itong pigilan ang malakas na pwersa ni Palku.

"Malakas si Palku, walang makakapigil sakanya. Kung kinakailangan isugal ko ang aking sarili upang 'wag lang nya maangkin ang mundong ito ay gagawin ko. Ngunit h'wag kayong mangamba dahil kakayanin ko ito sa abot ng aking makakaya alang-ala sa ating mundo." sagot ni Inamoka na buong pwersang pinipigil ang malakas na kapangyarihan ni Palku.

"Tama ka, Inamoka." ayon ni Mingi sabay baling sa mga kaibigan. "Pearl, tumakas na kayo ni Kilo. Maiiwan ako mag-isa dito. May kailangan pa akong hanapin." sabi ni Mingi.

"At ano naman ang hahanapin mo?" kunot-noong tanong ni Pearl.

"Ang nawawala kong utong." sagot ni Mingi.

"Importante pa ba sa'yo 'yun kaysa sa buhay mo? Sa lawak ng lugar na ito, hindi mo na makikita 'yun! Baka nga kinain na 'yun ng mga Bora. Mabuti pa umalis na tayo. Halikana!" mahigpit na hinawakan ni Pearl ang kamay nina Mingi at Kilo at hinila palayo.

Wala naman nagawa si Mingi. Naisip nya na tama ang sinabi ni Pearl. Kung tutuusin ay pangalawang buhay na nya ito at ayaw nyang sayangin ang buhay na ipinagkaloob muli sakanya.

Lumikha ng malaking bilog si Kilo gamit ang kanyang kapangyarihan, isang lagusan palabas sa planetang kemberlu.

"Halina kayo." yaya ni Kilo.

"Halikana, Mingi! Baka magsara na ang lagusan." tawag ni Pearl na nauna ng pumasok kasunod ng mga datu.

Nakatingin lang si Mingi sa mga kaibigan. Hindi nya alam kung sasama sya o magpapaiwan. Ayaw nyang iwan sa ganoon kahirap na kondisyon si Inamoka. Iniligtas sya nito noon kay Jordan at utang na loob nya dito ang buhay.

"Hindi ako sasama. Hayaan nyong makaganti ako sa kabaitang ipinagkaloob nyo sa akin. Oras na para makaganti naman ako. Ililigtas ko ang planeta nyo." sabi ni Mingi.

"Hay naku! Ang sabihin mo, gusto mo lang hanapin ang utong mo." sagot ni Pearl.

"Mingi, hindi mo kailangan magpakabayani. Tanggapin na lang natin na talo tayo sa laban na ito. Napakalakas ni Palku. May bagong bukas at pag-asa ang naghihintay sa atin sa kabilang planeta, doon ay magsisimula tayong muli." Sagot ni Datu Matikas.

Gustong maihi ni Mingi sa labis na kilig na naramdaman ngunit seryoso sya sa panahon na ito at hindi maaaring mangingibabaw ang kilig.

"Patawad." matipid na sagot ni Mingi. Tumalikod na sya pagkatapos at patakbong bumalik sa kinaroroonan ni Inamoka.

"Mingi!" tawag nina Kilo, Pearl at ng mga Datu.

Nagbingi-bingihan si Mingi. Buo ang loob nya at nakahanda sya anuman ang mangyari.

Nasa ganoong sitwasyon pa din si Inamoka ng maabutan nya, hirap pa din at halos malapnos ang balat nito sa labis na init ng kapangyarihan ni Palku. Nakakasilaw ang nag-aapoy na energy ball at talaga namang nakakapaso ang dala nitong init. Para silang sinusunog sa impyerno. Ngunit hindi naman nya malaman kung ano at paano makakatulong.

Napapikit na lamang sya at taimtim na nagdasal.

Biglang nanumbalik sakanyang alaala noong sya'y bata pa. Hindi na nya nasilayan ang kanyang nanay dahil maaga itong binawian ng buhay pagkasilang pa lang nya, sa photo album at facebook na lamang nya ito nakikita. Ngunit kahit wala na ang kanyang mahal na ina ay hindi naman nagkulang sa pag-aaruga ang kanyang ama. Lagi syang pinapasyal nito sa plaza malapit sakanilang bahay tapos ay bibilhan sya nito ng cotton candy at plastic balloon. Namimiss na nyang magpalobo ng plastic balloon. Me'ron pa kaya nagtitinda nito at saan kaya makakabili? At ano naman kaya ang kinalaman ng mga iniisip kong ito kung paano namin matatalo si Palku?" tanong ni Mingi sa sarili.

Bigla syang natauhan at napansin na pinipilit pa din ni Inamoka na labanan ang malakas na power ni Palku. Hindi tuloy napigilan ni Mingi na dagukan ang sarili dahil nakuha pa nya magreminisce eh wala naman itong kinalaman kung paano nya matutulungan si Inamoka.

Muling pumikit si Mingi. "Dyos ko, tulungan nyo po kami."

Mayamaya lamang ay dahan-dahang kumilos ang dalawang kamay nya upang lumikha din ng energy ball. Hindi nya alam kung saan at paano sya nagkaroon ng kakayahan na gumawa nito, hindi nya maintindihan dahil bigla nalang kumilos ang kanyang mga kamay.

"Isa kang kupal, Palku! Katapusan mo na! Kamehameha Wave!!!!" pagkasabi'y buong puso at tapang nyang pinakawalan ang energy ball mula sa kanyang kamay.

Kasabay ng pag-release nya ng energy ball ay nabitak ang lupa, nagliparan ang mga puno at ilang mga bato sa tindi ng kapangyarihang pinakawalan nya. Tumalsik sa napakalayong lugar si Palku at naging katuldok na lamang ito sa kanilang paningin.

"Paano ka nagkaroon ng ganun kalakas na kapangyarihan? Paano ka nagkaroon ng kakayahan lumikha ng energy ball?" tanong ni Inamoka.

"Hindi ko din alam. Kusa nalang kumilos ang aking mga kamay." sagot ni Mingi. Nakatitig ito sa kanyang palad at hindi makapaniwala.

"Halika, hanapin natin ang katawan ni Palku." sabi ni Inamoka.

Tumango lang si Mingi.

"Isuot mo ito upang makalipad ka." sabi ni Inamoka sabay abot ng gold bangles.

"Ilang karats ito? Naisasangla ba ito?" pabirong tanong ni Mingi habang sinusuot ang bangles. "Joke lang." sagot nya ng mapansin na tila hindi sya naintindihan ng kausap.

Mahigit sampung minuto na paghahanap sa katawan ni Palku at ng sa wakas ay may nakita silang nagkapira-pirasong katawan.

"Baka katawan na iyan ni Palku." sabi ni Mingi ng makababa sila ni Inamoka mula sa paglipad.

"Sana. Ngunit kailangan nating makasigurado." sagot ni Inamoka na abalang sinusuri ang nagkalat na pira-pirasong katawan.

Inipon nila sa isang tabi ang pira-pirasong katawan ni Palku. Hanggang sa ang kulang na lang ay ang ulo nito.

"Anong ginawa nyo sa katawan ko?"

Nagkatinginan sina Inamoka at Mingi. Kilala nila ang tinig na iyon, si Palku. Nagulat na lamang sila ng may gumulong sa kanilang harapan, ang pugot na ulo ni Palku.

"Wala pang nakatalo sa Kamehameha Wave ko. Sabihin mo sa akin kung saan at paano mo natutunan ang bagay na iyon?" ang naghihingalong tanong ni Palku.

"Hindi na mahalaga kung saan at paano ako nagkaroon ng ganun kakayahan. Ngunit bago ka mamatay gusto kong malaman mo na hindi simpleng Kamehameha wave lamang ang iyong natikman. Ang tawag doon ay super Kamehameha, more advanced and snore powerful variation of the Kamehameha." paliwanag ni Mingi.

"Hindi ko matanggap na may mas hihigit pa sa Kamehameha wave ko." sagot ni Mingi.

"Hindi ko din akalain na sa ganitong paraan at kondisyon ka masasawi. Tama si Mingi, isa kang kupal Palku." sagot ni Inamoka. "Paalam!" pagkasabi'y gigil na biniyak nya ang ulo ni Palku na parang buko.

The Adventure of MingiМесто, где живут истории. Откройте их для себя