Chapter 5

23 0 0
                                    

Lunch Time.

As usual sabay na nagbreak sina Mingi at Nina. Masaya silang kumakain at nanghingi pa si Mingi ng sabaw para mas ganahan.

"The best talaga ang adobong manok ng mommy mo, Nina." masayang sabi ni Mingi na masarap ang kain sa paa ng manok.

"Oo naman! Hindi mo natatanong dating Chef ang mommy ko sa isang sikat na five star hotel." bida ni Nina.

"Wow! Kaya naman pala pang-world class ang mga luto." sagot ni Mingi sabay higop ng sabaw.

"Mahilig ka talaga sa sabaw noh?" sabi ni Nina na masayang pinagmamasdan ang kaibigan.

"Oo, mahilig ako. 'Yung tita ko lang kasi tamad magluto kaya palaging prito ulam namin. Kaya nga minsan nagluluto na lang ako ng sarili ko o minsan sa karinderya ako kumakain." sagot ni Mingi sabay sipsip ng tubig na nakalagay sa Starbucks cup.

"Wow! Marunong ka pala magluto?" hindi makapaniwalang tanong ni Nina.

"Oo naman noh! Ako ang Beautiful Chef ng Guadalupe." yabang ni Mingi.

"Patikimin mo naman ako ng luto mo." kantyaw ni Nina.

"Oo ba! Yaan mo sa sahod natin pagluluto kita ng specialty ko." sabi ni Mingi.

"Asahan ko 'yan ah. Ano nga pala specialty mo?" tanong ni Nina.

"Sikretong malupit!" sagot ni Mingi sabay kindat.

"Hindi na ako makapaghintay." nasasabik na sabi ni Nina.

"Wow! Adong manok, paborito ko 'yan!" singit sa usapan ni Mich na humahangos.

"Hay naku! Lahat naman ata ng pagkain paborito mo." inis na sabi ni Mingi.

"Grabe naman. Pwede pahingi ng food nyo?" sabi ni Mich.

"Sige Mich, go ahead. Kuha ka lang." sabi ni Nina.

Mayamaya'y napansin ni Mingi sa kabilang mesa si Ruby kasama si Ruth. Napansin nya na parang may something sa dalawa. Kaya kinalabit nya agad si Nina.

"Tingnan mo 'yung dalawa." nguso ni Mingi sa pwesto nina Ruby.

Natawa bigla si Nina.

"O' bakit ka tumatawa? takang tanong ni Mingi.

"Ang haba kasi ng nguso mo, parang baboy." sagot ni Nina.

"Ako ba sinasabihan mong baboy Nina?" tanong ni Mich na tila na-offend.

"Ay, hindi ikaw Mich. Si Mingi ang kausap ko." sagot ni Nina.

"Ikaw talaga Mich, makarinig ka lang ng baboy akala mo ikaw na. Kumain ka lang dyan ng kumain para mas lumusog ka pa." sagot ni Mingi.

Tahimik lang naman na kumain si Mich at hindi na kumibo.

"Uy friend, sino ba kasi 'yung nginunguso mo?" tanong pagkaraan ni Nina kay Mingi.

"Ayun oh.." nguso ulit ni Mingi sa pwesto nina Ruby at Ruth.

"Sina Ruby?" tanong ni Nina.

"Yup." sagot ni Mingi.

"Oh ano meron? Gusto mo bang papuntahin ko dito?" tanong ni Nina.

"Hindi. Gusto ko lang pagmasdan mo sila. Para silang mag-jowa noh?" sabi ni Mingi na panay ang sulyap kina Ruby.

"Ano? Paano mo naman nasabi?" hindi makapaniwalang tanong ni Nina.

"Ano ka ba, kalat na kalat na sa production ang relasyon nila noh. Ikaw na lang ata ang hindi nakakaalam." inis na sabi ni Mingi.

The Adventure of MingiDonde viven las historias. Descúbrelo ahora