Chapter 4

98 7 0
                                    

Chapter 4

Ngayon ay araw ng Lunes nandito ako ngayon sa aming garden nagmumuni isang linggo na rin ang nakalipas nang mangyari ang pagbisita namin kay tita Julia at nong isang araw lamang ay sinimulan na namin ni Aldrin ang pagbibigay ng wedding invitations para sa nalalapit na pag iisang dibdib naming dalawa.

"Ate Tine may naghahanap po sa inyo kaibigan niyo raw ho." ani ng isang anak ng aming kasambahay. Tumango lamang ako sa sinabi niyang iyon at nakiusap na rin ako na ipaghanda niya kami ng meryenda.

Nang dumating ako sa sala para tignan ang bisitang tinutukoy nong dalagita kanina ay bigla akong nagulat dahil ang taong kaharap ko ngayon ay ang dati naming kaibigan ni Karie na si Sophia ilang taon na rin itong hindi nagpapakita at ngayon lang niyang naisipang bumisita.

"Sophia, ikaw na ba iyan? Kamusta ka na matagal rin tayong hindi nagkita." ani ko na hindi na maawat sa kakangiti.

"Hi girl I miss you so much" aniya at niyakap ako.

"Ito nagkalaman na at may asawa na rin ako at mga anak, ikaw naman ngayon ang kamusta? Balita ko ikakasal na raw kayo ng fiancee mo next month invited ba ako sa wedding?" tanong niya sa akin, ang laki nga talaga ng pinagbago ng babaeng ito kung dati medyo nerd siya kung tingnan pero ito siya ngayon sobrang nag transform.

"Oo ikakasal na kami ni Aldrin next month at syempre invited ka rin doon pasasaan pa at naging magkaibigan tayo, pero maiba ako bakit ba ang tagal mong hindi nagpakita? mahigit limang taon rin yun." tanong ko sa kaniya kung bakit hindi siya nagpakita noong nakalipas na limang taon.

"Si mommy kasi pinapapunta niya ako sa state noon para sa business namin alam mo naman na yung mom ko ay business minded." aniya at biglang naging malungkot ang mukha nang matapos niya iyong sabihin.

"Oh bakit ka biglang naging malungkot diyan may problema ba?" tanong ko parang paiyak na rin kasi siya.

"Girl sorry ha, kung hindi kita nadamayan sa biglaang pagkawala ni Chris noon, sorry talaga wala ako nong time na naging miserable ang buhay mo dahil sa pagkawala ng lalaking pinakamamahal mo." sagot ni Sophia bigla naman akong na touch dahil sa sinabi niyang iyon.

"Ahh yun ba huwag mo ng isipin iyon ang mahalaga ay masaya na ako at ikakasal na." Matapos ko iyong sabihin ay sinubukan kong ngumiti kahit nasasaktan ako para hindi na siya mag alala ayokong isipin niyang hindi ako naging masaya kay Aldrin.

"I'm so happy to heard that bestfriend at tama nga ako, hindi nagkamali ang aking instinct that you will meet another man who can make you happy and I'm happy that you found him already." Sabi niya sabay sulyap sa may pintuan at nagulat akong makita ko si Aldrin na may dala dalang isang bouquet ng red roses at chocolates.

"Hi hon, happy anniversary gift ko para sa last anniversary natin bilang mag boyfriend and girlfriend." aniya sabay halik sa aking pisngi bigla naman akong nahiya nandito kasi si Sophia at nakita niya yung ginawa ni Aldrin.

"Oh you have visitor pala, hi I'm Aldrin Velasco, Christine's future husband." pagpapakilala ni Aldrin kay Sophia.

"My name is Sophia, Christine's bestfriend." tugon naman ng aking kaibigan.

"Ma'am Tine nandito na po ang meryenda niyo ma'am." Ani ng kakarating lamang na si Yaya Tacia.

"Sir Aldrin nandito po pala kayo, wait lang po kukuha lang po ako ng baso, dalawa lang kasi ang dinala kong baso." ani Yaya Tacia.

"Huwag na yaya, hindi din naman ako mag me meryenda kakakain ko lang po kasi sa bahay tutulong na lang po ako sa ginagawa ninyo." sagot ni Aldrin kay Yaya Tacia.

"Naku huwag na ho Sir nakakahiya ho, amo po namin kayo pero tumutulong po kayo sa mga gawain namin." pagtanggi ni Yaya Tacia sa alok ni Aldrin na pagtulong sa mga gawain.

TILL WE MEET AGAINWhere stories live. Discover now