Chapter 7

95 7 0
                                    

Chapter 7

Isang linggo na rin ang nakalipas nang maganap ang mga pangyayaring iyon yung pag iyak ni ate Aldrich dahil sa hinala niyang may anak si kuya Franco sa ibang babae, ang pagkabalisa ni kuya Franco at lalo na yung pag uusap namin na iyon ni Aldrin. Sa katunayan nga mas nakita ko kung gaano naging mas sumaya at mas lalong tumingkad ang mga ngiti ni Aldrin sa araw araw na pagpunta niya rito sa bahay kahit wala namang dahilan para maging masaya ay nakikita ko na lamang na biglang napapangiti si Aldrin habang pinapanood akong nagdidilig ng mga halaman sa garden minsan napapaisip ako kung may sayad na ba itong si Aldrin sa utak pero para hindi na rin madismaya ang lalaking papakasalan ko binabalewala ko na lang ang mga iyon dahil alam ko sa sarili ko na masaya lamang siya dahil ni let go ko na si Toph sa buhay ko.

"Ma'am Tine nandito po si Sir Aldrin, hinahanap po kayo ma'am" ani Yaya Tacia. Nandito ako ngayon sa kusina tinutulongan kong magluto sina Yaya Loling at si Mariel ng pananghalian gusto ko kasing maging hands on sa mga gawaing pangkusina kasi 2 weeks from now isa na akong ganap na Mrs. Velasco at gusto ko sa unang taon naming mag asawa ni Aldrin gusto kong maging hands on sa lahat ng bagay, gusto ko siyang ipagluto ng mga pagkaing nalalaman kong lutuin para kahit papano maramdaman niya na mahal ko siya.

"Hmmm ang bango naman ng niluluto mo hon, I'm sure masarap yan pwede na bang tikman?" ani Aldrin nang makapasok na rito sa kusina.

"Okay sige wait kukuha muna ako ng kaunti, sabihin mo kung anong lasa"

Habang tinitikman ni Aldrin ang kare kareng luto ko ay medyo parang umasim ang mukha niya.

"Bakit hon hindi ba masarap ang luto ko? Matabang ba o maalat?" tanong ko.

"Ma-ma-masarap Oo masarap ang pagkaluto mo ng kare kare hon dabest walang makakatalo diba Yaya Loling?" tanong ni Aldrin kay yaya nakita ko naman kung paano kumindat ang mga mata ni Aldrin kay yaya na nagpapahiwatig na sang ayunan ang sinabi niya.

"O-Oo masarap ang pagkakaluto mo ng kare kare hija dabest at tama si Sir Aldrin walang makakatalo" ani Yaya Loling alam kong pinagkakaisahan lamang ako ng dalawang ito matikman ko nga. At nong tinikman ko ay bigla ako napaubo dahil sobrang alat at agad akong napainom ng tubig. Matapos kong uminom ng tubig ay agad kong pinagsabihan si Aldrin.

"Hon naman akala ko ba masarap ang luto ko bakit nong  tinikman ko ay sobrang alat masisira ata kidney natin dito kung ipagpapatuloy pa natin itong kainin." ani ko at nakita kong pinagtatawanan ako ngayon nina Yaya Loling at ni Aldrin.

"Hon okay lang yan first time mo naman diba? Kaya okay lang pagtiya tiyagaan ko yang kainin iinom na lang ako ng maraming tubig para hindi masira ang kidney ko." ani Aldrin.

"Paano na yan? Yan lang ang niluto kong ulam tapos palpak pa ang naging kalabasan."

"Don't worry may dala naman ako rito galing sa restaurant nina mom and dad pina take out ko." aniya.

Nakita ko naman ang isang paper bag  na may logo pa sa restaurant ng mga magulang nina Aldrin. Parehong magaling magluto ang mga magulang nina Aldrin kaya napagdesisyonan nilang magtayo ng restaurant para gawing libangan pero nang lumaon dahil naging mabenta sa lugar na iyon ang mga pagkaing luto nila ay naging business na rin nila iyon.

"Okay sige mag lalagay muna ako ng mga plato sa mesa para makakain na tayo" ani ko.

"Ay huwag ka ng mag abala hija kami na lang ni Mariel ang gagawa non, halika na Mariel iwan muna natin ang dalawang yan." ani Yaya Loling.

"Thanks yaya Loling maaasahan ka talaga." ani Aldrin kay yaya.

"Tara hon doon muna tayo sa sala may ibibigay lang ako sayo." ani Aldrin. Hindi na ako nakapag angal pa dahil agad niyang hinila ang kamay ko.

TILL WE MEET AGAINWhere stories live. Discover now