Chapter 8

94 7 0
                                    

Chapter 8

Tatlong araw na ang nakalipas simula nang mangyari ang pangyayaring hindi ko inaakalang magagawa sa akin ni Aldrin. Hindi ko alam kung ano ang nagtulak kay Aldrin upang gawin sa akin ang bagay na iyon. At tatlong araw na ring hindi siya nagpaparamdam sa akin ni isang text o tawag man lang wala akong natanggap mula sa kaniya alam ko sa sarili ko na nagsisisi rin si Aldrin sa kaniyang nagawa alam kong hindi niya intensiyon ang ginawa niyang iyon sa akin.

"Ma'am Tine nandito po si Ma'am Karie ang kaibigan niyo po Ma'am" tawag sa akin ni Yaya Tacia.

"Sige po yaya pakisabing maghintay lang po siya ng saglit maliligo at magbibihis lang po ako" ani ko.

Agad akong bumangon sa aking kama at kinuha ang aking towel para maligo mga sampung minuto lang akong nagbabad sa bath tub at agad kong pinulupot sa aking basang katawan ang aking kulay blue na towel simula bata ako itong kulay na ito ang gusto ko sa tuwing nakikita ko ang kulay asul na kulay agad sumasaya ang aking pakiramdam pinapagaan nito ang aking nararamdamang kalungkutan.

***

"Hi girl kamusta? Sabi ni Yaya Tonya nagbakasyon ka raw." agad kong bungad kay Karie nang makita ko siya sa aming sala na mag isang naka upo habang hawak hawak ang kaniyang cellphone.

"Okay lang naman ako girl, uy excited na siyaaaa malapit na ang wedding day niya, saang bansa ba balak niyong mag honeymoon ni Aldrin?" aniya halata sa ngiti ni Karie na masayang masaya siya na ikakasal na ako.

"Bakit ba halos lahat kayo honeymoon agad itinatanong ninyo?" nakangiti kong tanong at kinuha ang isang basong juice na inihanda ni yaya Tacia at saka umupo nakita kong umupo na rin si Karie.

"Bakit hindi ka ba excited sa honeymoon ninyo?" Tanong ni Karie nang makaupo at naglabas ng makahulugang ngiti.

"Hindi naman sa ganon at kailangan bang mag out of the country para sa honeymoon?" ani ko at inilapag ang baso sa glass table.

"May punto ka naman diyan girl..ay teka lang Tine balita ko ikinasal na raw si Danieca sa asawa niyang Australiano yung babaeta talagang yun hindi man lang tayo inimbita." aniya na halatang dismayado.

"Baka urgent yung wedding kaya hindi na niya tayo inimbita"

"Ang sabihin niya lang baka pinikot niya yung Australiano para pakasalan siya." aniya at tumawa. Kaya natawa na lamang ako sa sinabi niyang iyon si Karie talaga.

"Huwag mo ngang sabihin niyan Karie at saan mo naman nabalitaan na ikinasal na siya?" tanong ko.

"Nakita ko sa IG post niya kaka upload niya lang nong isang araw." aniya at ipinakita niya sa akin ang kaniyang cellphone at nakita ko ang picture ng kaibigan ko na may wedding ring na sa kaniyang kamay at may captiong "just got married to my australian boyfriend."

"Naniwala ka naman sa post na yan Kariena Asuncion." At narinig namin ang boses ng isang babae na kadarating lamang walang iba kundi ang kaibigan naming kakakasal lamang kuno sa kaniyang Australianong boyfriend.

"Danieca kamusta halika pasok ka, maupo ka muna diyan at mag usap kayo ni Karie maghahanda lang ako ng meryenda mo..nagtatampo yan sayo dahil hindi mo daw siya inimbita ng kasal ninyo." ani ko at ibinulong ang huli kong sinabi sa kaniya.

Nasa kusina na ako nang makita kong parang may ibinulong bulong sina Yaya Tacia at Mariel sa isa't isa. Gusto ko sanang magtanong kung ano ang ibinubulong bulong nila sa isa't isa pero nang makita nila ako ay hininto na nila ang kanilang bulongan.

"Ma'am Tine ako na po diyan Ma'am, may bago po ba kayong bisita ma'am?" tanong ni Yaya Tacia at kinuha sa aking kamay ang kutsara at pinalitan ako sa aking ginagawa sa pagpapalaman ng sliced bread para kay Danieca.

TILL WE MEET AGAINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon