Chapter 12

99 7 0
                                    

Chapter 12

Isang linggo na ang nakalipas at heto kami tinatahak ang daan pauwi sa bahay nina Aldrin, pansamantala muna kami makikituloy sa bahay nila habang hindi pa na blessed yung sarili naming bahay. Habang nag da drive ang asawa ko ng kotse hindi ako tinantanan ng utak ko na alalahanin ang nangyari 2 nights ago na sobra kong ikinabigla.

Nasa may balkonahe kami ng aming kwarto habang pinagmamasdan ang mga nagliliwanag na mga bituin. At ang asawa ko ay kasulukuyang nakasandal sa aking balikat.

"Wife"
"Huh"?

"May aaminin ako at huwag ka sanang mabibigla sa sasabihin kong ito at huwag ka sanang manibago..sana ako pa rin, huwag mo akong kamuhian o iwasan" aniya ramdam ko ang bigat ng kaniyang dinadala sa kaniyang kalooban habang binabanggit ang mga salitang iyon. Kaya hindi ako nagdalawang isip na lingunin siya at kausapin.

"Sige hon ano ba yun makikinig ako at promise hindi ako magbabago ikaw pa rin ang asawa kong ma drama" ani ko na medyo natatawa gusto kong pagaanin ang nadarama niya ngayon.

"Wife huwag kang tumawa seryoso ako..there's a biggest possibility kasi na hindi kita kayang bigyan ng anak.. sa lahi namin may sumpang iginawad..ang bawat isang anak ng pamilya namin ay hindi mabibiyayaan ng anak at may posibilidad na isa sa amin ni ate Aldrich ang hindi pagkalooban ng sariling anak pero hindi pa ako sigurado kung sino sa amin dalawa ni ate pero wife kung sakaling ako yung mabigyan ng sumpa huwag mo sana akong iwanan" aniya. Di ko maiwasang hindi magulat sa narinig ko galing sa kanya at ano yun..sumpa? Uso pa ba yun sa panahon ngayon?

"Wife kung nalaman mo ba kaagad ang tungkol sa sumpa papakasalan mo ba ako? Willing ka bang maging Mrs. Velasco..willing ka bang maging asawa ko?" aniya. Nakatitig na siya ngayon sa aking mga mata at kitang kita ko roon ang bigat na dinaramdam niya sa kanyang kalooban. Ang mata ang isa sa napakalaking factor para malaman kung ang isang tao ay may kinikimkim sa kanyang kalooban at ngayon kitang kita ko sa mga mata ng asawa ko ang lungkot at ang bigat na dinadala niya. Kaya naman sinubukan kong ikalma siya sa pamamagitan ng mga magagandang salita na nais niyang marinig.

"Hon hinding hindi kita iiwanan kung sakaling hindi tayo magkakaanak pwede naman tayong mag ampon ng baby sa bahay ampunan at ituring natin na parang sarili nating anak na galing sa sarili nating mismong mga dugo, wala naman sigurong masama doon hindi ba?" tanong ko pero hindi na siya sumagot pa at nakita ko na lamang na sa mga nagkikislapang bituin na siya kasulukuyang nakatitig kaya napatitig na rin ako roon sabay hiling na sana matalo namin ang laban na ito.

Matapos kong balikan ang tagpong iyon ay di ko na namalayan na nandito na pala kami sa bahay ng pamilyang Velasco at kasulukuyan kong makikita sa may tapat ng pintuan ng mansyon nina  Aldrin ang kanyang mga magulang kaya agad akong nagmano sa kanila bilang paggalang.

"Welcome home hija we're so happy na dito muna kayo pansamantala habang hindi na be blessed ang ipinatayo ninyong bahay ni Aldrin" nakangiting sabi ng kanyang ina ang ama niya naman na si tito Allen ay kasulukuyang naghihintay na makapasok na si Aldrin sa loob.

"Halika hija marami akong ikukuwento sa iyo ngayong asawa ka na ng aking unico hijo." ani tita Euphie. Kasulukuyan akong tinutulongan nina Yaya Tessie na bitbitin ang dala dala kong bag patungo sa magiging kwarto namin ni Aldrin.

Sa bawat lag kuwento ni tita panay ngiti at tawa lang ako. Palagi niyang inaalala ang nakaraan noong mga bata palang kami ni Aldrin and talagang hindi ko mapigilang hindi matawa. It's just that Aldrin is so clingy sometimes to his mom and I found it cute.

TILL WE MEET AGAINWhere stories live. Discover now