Chapter 1

169 11 1
                                    

Chapter 1

"Hi love, kamusta ka na diyan? Alam kong masaya ka na diyan kasama ang daddy mo at pati na rin si daddy... Love okay lang ako dito huwag mo akong alalahanin unti unti na rin akong nasasanay na wala ka na sa piling ko, hahahaha para akong baliw no love tumatawang mag isa, siguro kung nandito ka pinagtatawanan mo na rin ako at sinabihang may sayad sa utak o di kaya nasisiraan ng bait, love you know what speaking of nasisiraan ng bait pumunta ako kanina sa phsyciatrist para i pa check ang kondisyon kong ito at sabi naman nong phsyciatrist I'm going strong na daw unti unti ko na daw nakakalimutan ang mga sakit na dinanas ko at alam kong isa ka sa dahilan kung bakit unti unti ko ng natatanggap ang lahat ng ito, lakas ko kaya sayo, dahil bestfriend kita at mahal mo ako, haha biro lang mahal din kita ikaw kaya ang lalaking una kong minahal ng sobra, ay love ito pala oh pasalubong ko mainit na pandesal alam kong paborito mo yan, love hinding hindi kita makakalimutan at ikaw lang ang minahal ko ng ganito"

"Tine pinapadali na tayo ng mama mo dahil dumating na ang mga wedding gowns mo sa bahay ninyo at kailangan mo daw pumili ng isa sa mga iyon" tawag sa akin ng aking kaibigan na si Mariel mahigit tatlong taon na rin siyang naninilbihan sa amin at siya ang palagi kong kasama at nakakausap kapag namimiss ko si Toph si Toph na dati kong minahal at naging boyfriend ng mahigit limang taon.

Ako nga pala si Christine Arsene Villaroel 27 years old and yes going married to my 3 years boyfriend  na si Aldrin kaka engage lang namin last year. Aldrin is so sweet and caring, mabuti siyang guy, hindi ko nga alam kung bakit ako pa ang napili niyang papakasalan eh madami namang ibang babae diyan na walang problema at hindi mahirap alagaan at mahalin, ako kasi parang may mental condition napa praning minsan.

5 years na rin nang bawiin si Toph sa akin ng Diyos nong una sinisi ko ang Panginoon kung bakit siya pa ang kinuha niya eh ang bata bata pa ni Toph kakapasok pa lang namin sa trabaho nang mangyari yun, pero kahit bumabalik ang alaalang iyon mas nangibabaw pa rin yung mga alaala na masaya kami ni Toph kapiling ang isa't isa.

5 years ago

"Mahal mag seatbelt ka nga para kung may panganib na darating na hindi natin mapipigilan at inaasahan eh maliligtas yang ulo mong puro kalokohan lang ang nalalaman". Toph reminds me to wear a seatbelt pupunta kami ngayon sa probinsiyang kinalakihan naming dalawa.

"Opo love ito na mag se seatbelt na, pero alam ko namang hindi mo pababayaan na may mangyaring masama sa atin o sa akin diba? love mo kaya ako, pakiss nga, naku ang bango bango talaga ng love ko." sabi ko ng umupo na siya sa driver's seat and I reached his face just to kiss his lips.

"Mabango naman ako palagi mahal, ako pa daig ko pa yung crush niyo ni mommy kung sa kabanguhan lang pagbabasehan" sabi niya sabay ikot ng kaniyang mga mata I'm sure nagseselos na naman ang love ko inikutan na kasi ako ng mata.

"Hi nako love hindi ko na iyon crush noh, dahil may lalaki ng nagpapasaya at nagpapakompleto sa bawat araw ko" sabi ko habang tinitingnan ang kaniyang mukha habang siya'y nag da drive.

TILL WE MEET AGAINWhere stories live. Discover now