Chapter 6

93 7 0
                                    

Chapter 6

Sa buong maghapon naming paglilibot sa Mambajao ay napagod ang katawan ko isama mo pa ang pag iisip tungkol kanina sa nangyari sa batang lalaki at doon sa Liezel na nakita ni ate kanina.

"Hon are you okay? Parang tahimik mo yata sa buong biyahe?" Tanong sa akin ni Aldrin nang makalabas na kaming pareho sa kotse.

"Okay lang ako napagod lang siguro" walang kabuhay buhay kong sagot.

Hindi ko alam kung sasabihin ko ba kay Aldrin yung nangyari kanina alam kong kahit palaging inaaway ni Aldrin ang ate niya ay meron pa rin itong kaunting pagmamahal sa kapatid niya.

Pagkapasok na pagkapasok ko sa loob ng bahay ay agad akong nagulat nang makita ko sina tita Roxanne at tita Dimples na pinsan at kapatid ni daddy.

"Hi my beautiful niece how are you" agad na bati sa akin ni tita Roxanne.

Nagmano muna ako sa kanilang dalawa bago ko sinagot ang kaniyang tanong.

"Okay naman po mga tita kayo po kamusta na?" tanong ko nakita kong nagmano rin si Aldrin sa kanila.

"Oh my handsome future nephew in law, lalo kang pumogi ngayon ah, ganyan ba kapag nalalapit ng ikasal" puri ni tita Roxanne kay Aldrin si tita Roxanne yung tita kong madaldal.

"Hehe salamat po sa papuri tita" tanging nasabi ni Aldrin na medyo nahihiya.

"Oh halikayo tuloy kayo,saan ba kayo galing? Kanina pa kami naghihintay dito ng tita Dimples ninyo"

"Ano ka ba Roxanne kong makasabi ka naman ng tuloy kayo parang sa iyo yung bahay" ani tita Dimples kaya natawa na lamang kami ni Aldrin.

"Hehe sorry my fault nasanay kasi akong ganito ka daldal, balik tayo sa tanong ko kanina nagshopping ba kayong dalawa nagdate bilang last remembrance as mag boyfriend at girlfriend?" ani tita Roxanne.

"Parang ganon na po tita at hindi lang po kami ni Aldrin ang nagshopping kasama po namin yung ate at brother in law niya" sagot ko.

"Ma'am Roxanne at Ma'am Dimples halina po kayo luto na po yung snack na pinapaluto ninyo" tawag ni Yaya Tacia.

"Oh halina kayo hija hijo luto na yung meryendang paborito ninyo noong kayo'y mga bata pa, naalala niyo pa ba yun?" tanong ni tita Dimples.

"Hinding hindi namin iyon makakalimutan tita iyon yung time na ang dungis dungis pa ni Tine kumain non" natatawang sabi ni Aldrin.

"Pero kahit madungis Aldrin mahal mo naman" hirit ni tita Roxanne bigla namang napangiti si Aldrin sa sinabing iyon ni tita.

"Higit pa sa sapat tita" aniya na ang mga mata ay sa akin nakatingin di ko maiwasang hindi pamulahan ng pisngi.

"Kinikilig talaga ako sa inyong dalawa, pero kumain muna tayo bago kiligin" ani tita Dimples na medyo natatawa.

Matapos naming kumain ng meryenda ay nanood muna kami ng tv sa may sala at itong si tita Dimples ay may ibinulong sa akin.

"Tine hija maaari ba tayong mag usap sandali?"

"Ano po iyon tita?" tanong ko nang nasa kusina na kami ni tita.

"Tine hija, alam ko at ramdam kong mahal mo pa rin si Chris hanggang ngayon, tanong ko lang hindi ba nagseselos si Aldrin?" Hindi na ako nagulat nang itanong iyon sa akin ni tita sa lahat ng mga kapatid ni daddy si tita Dimples lamang at nakakabasa sa mga nararamdaman ko parang nagiging transparent ako kay tita Dimples.

"Tita alam po ni Aldrin iyon at tanggap niya handa niya naman pong hintayin ang araw kung kailan ko siya lubusang mahalin, pero humihingi po siya sa akin ng assurance, pero lately lang po tita unti unti ko na pong minahal si Aldrin."

TILL WE MEET AGAINWhere stories live. Discover now