Chapter 2

122 9 0
                                    

Chapter 2

Alas tres y medya na ng hapon pero narito pa rin ako sa aking kwarto.

After naming mag usap ni Mariel kanina ay nasa kwarto lang ako hindi ako lumabas, iniisip ko ang kaniyang sinabi tungkol sa pagpapakasal ko kay Aldrin.

Unfair na kung unfair, pero hanggang ngayon si Toph pa rin ang laman ng puso ko kahit ikakasal na ako sa ibang lalaki. Kasi hanggang ngayon dala dala ko pa rin ang mga alaala ni Toph nabubuhay pa rin ako sa mga alaala ng nakaraan.

"Hija sabi sa akin ng yaya Loling mo hindi ka pa daw lumalabas rito sa kwarto mo mula pa kanina ng pumili ka ng isusuot mong wedding gown" ani mommy na kakapasok lang sa kwarto ko.

"Yes mom, hindi kasi ako makapili sa isusuot ko, the gowns are so pretty mahirap pumili para sa isusuot ko sa wedding." hindi ko alam kung bakit yun na lamang ang naisagot ko kay mommy pero ang totoo nama'y nakapili na ako para sa maisusuot ko sa gaganapin kong kasal next month.

"Ganoon ba hija, halika tutulongan kitang pumili ilapag mo sa bed mo ang mga gowns ako ang pipili para sa iyo." tugon ni mommy na may ngiti sa kaniyang labi. I felt guilty dahil nagsinungaling ako sa mommy ko.

"Huwag na mom, ako na lang may panahon pa naman para pumili ako, kaya don't worry I can handle this." I said with assurance para hindi na mag aalala si mommy.

"Sure ka ba hija? Baka ang totoo niyan ay iniisip mo pa rin ang ex boyfriend mong mahigit limang taon ng patay." ani mommy at sinusuklay ang buhok ko gamit ang kaniyang mga kamay.

"Mom, mahirap kalimutan si Toph nagkasama at minahal namin ang isa't isa ng mahigit limang taon, at ang masakit pa doon mom ay sa mismong araw pa ng anniversary namin siya kinuha sa akin ng tadhana." tugon ko kay mommy sa kaniyang sinabi.

"But hija, why can't you move on? You have Aldrin in your life now, hindi mo ba kayang ibigay kay Aldrin ang pagmamahal na inalay mo kay Christoph noon?" tanong ni mommy.

"Mom hindi ko alam, minahal ko naman si Aldrin at pinag alayan ko rin siya ng time, we've been together in three years, hindi pa ba yun enough?" tanong rin ang itinugon ko sa tanong ni mommy.

"Anak, pinakisamahan mo nga si Aldrin ng three years, but your love is not for Aldrin, unfair naman yata iyon nak para kay Aldrin." ani mom. I'm so unfair for Aldrin dahil hindi ko naibigay sa kaniya ang pagmamahal na ibinibigay ko kay Toph noon? Well sorry akala ko mabubura ko si Toph sa puso't isipan ko sinubukan ko lang yung advice nila sa akin na mahalin si Aldrin para makalimutan ko yung sakit na pang iiwan sa akin ni Toph na alam kong hindi niya rin kagustuhan.

"But mom I tried, papakasalan ko nga si Aldrin hindi ba?" sabi ko kay mom.

"Anak kagustuhan mo ba talagang makasal kay Aldrin? Kasi anak kung hindi mo iyon kagustuhan ay huwag mo na lamang ituloy dahil ang kasal ay isang sagradong seremonya." paalala sa akin ni mommy.

"Huli na ang lahat mom kung mag ba back out ako mapapahiya ang pamilya nina Aldrin at masasaktan ko ang damdamin niya at ayokong mangyari iyon." napabuntong hininga na lamang si mommy sa aking sagot.

"Kung makakasal kayo ni Aldrin magiging masaya ka ba? Maipapangako mo bang kakalimutan mo ang mga iniwang alaala sa iyo ng namayapa mong boyfriend para sa ikasasaya ng inyong bubuoing pamilya?"

"Mom required ba talagang kalimutan si Toph kapag maikasal na kami ni Aldrin at gumawa ng pamilya?" tanong ko kay mommy.

"Hija ang tanda tanda mo na pero hindi mo pa rin alam ang kasagutan sa tanong na iyan? syempre Oo dahil magiging unfair ka sa asawa at sa magiging kids mo dahil nakakulong ka pa rin sa alaala ng nakaraan." ani mommy.

TILL WE MEET AGAINDonde viven las historias. Descúbrelo ahora