Chapter 13

89 3 0
                                    

Chapter 13

It's been 4 days since nalaman namin nina mommy na nagdadalang tao na si ate Aldrich and we're so happy to hear from ate Aldrich and kuya Franco at last dumating na rin ang matagal ng pinapangarap nina ate at kuya na magkaka baby na.

"Ma'am Tine okay na po nandoon na po sa kotse yung mga cupcakes na ginawa ninyo ready na po lahat ma'am" ani kuya Didoy family driver nina Aldrin.

"Thank you po kuya Didoy and may tinira nga pala ako para sa inyo kuya hati hati na lang po kayo diyan na sa loob po ng ref nilagay ko" I said at kinuha ang susi ng kotse ko para pumunta na sa bakeshop namin ng aking mga kaibigan. It's been seven years na rin nang naisipan naming tatlo na mag business para may pampalipas oras lang at kuwentuhan na rin. Simula nang mawala si Toph ngayon lang muli ako makakabalik sa bakeshop bilang business partner ng dalawa. Mahigit kalahating oras rin ang naging biyahe bago nakarating sa aming puwesto at nandoon na ang dalawa at kitang kita ko sa kanilang mga mata ang kasiyahan.

"Girl na miss ka namin. How's your honeymoon? Sabi nila masakit daw kapag first time mo pa." Iyan agad ang bungad sa akin ni Danieca.

"Oo pero Aldrin is so gentle for what we did just to sure that I am not hurt." Nakita kong medyo napapikit ang kanilang mga mata at pinigilang hindi tumili. Napapailing na lang ako sa dalawang kaibigan kong ito para silang mga teenager kung umasta.

"Girl nakakakilig naman yung sinabi mo, pero hindi ka nga ba nasaktan at nasugatan?" At doon na sila tuloyang napahalakhak nang itanong ni Karie yun sa akin mga abnormal talaga.

"Syempre masakit rin sa paggising ko, first time ko yun Karie kaya masakit." Wala akong ibang narinig mula sa kanila kundi ang kanilang mga hagikhikan. Dumiritso na agad ako sa lagayan ng mga cupcakes para handa ng maibenta.

"Akala ko talaga dati na, kayo na ni Chris hanggang sa huli para kasi kayong di mapaghiwalay kahit kaunting tampuhan magagawan ninyo agad ng solusyon pero ang ending sa bespren mo lang pala ikaw bagsak." ani Danieca at nagsimula na ring naglakad patungo sa kinaroroonan ko. Hanggat maaari ayoko ng isipin si Chris gusto kong na kay Aldrin na ang buong atensiyon ko. Toph is part of my past and Aldrin is my present and future hanggat maaari ayokong makaramdam si Aldrin ng insecurities dahil lang sa hindi ko makalimot limutan si Toph.

"Dan, you know naman diba na Toph is part of my past at sobra ko siyang minahal and you know how miserable I was nong nalaman kong patay na si Toph." Tumango tango naman siya sa sinabi kong iyon.

"Dan mahirap kalimutan ang unang pag ibig pero kailangan lalo na at may asawa na ako, kaya please huwag mo ng banggitin si Toph gusto ko ng maka move on sa pagkawala niya, hanggang ngayon feeling ko nakakaramdam pa rin si Aldrin ng insecurities, kaya hanggat maaari..hanggat kayang kalimutan ang pinagsamahan namin ni Toph gagawin ko, ayokong makaramdam ng insecurities si Aldrin." Nakita ko namang medyo napayuko si Danieca sa sinabi kong yun.

"Sorry Tine hindi ko lang napigilan ang banggitin si Chris pero kasi alam mo naman na kayo talagang dalawa ang ship ko" aniya. Ngumiti naman ako ng bahagya sa sinabi niyang yun pero wala na hindi na mangyayari ang gusto niya, iniwan na ako ni Toph at kasal na kami ni Aldrin kaya mag focus na lang ako sa kung anong meron ako ngayon.

Lumipas ang mga oras at marami rami na rin ang pumapasok at lumalabas sa shop namin marami ang bumabati sa akin bilang Mrs. Velasco at ang pagbabalik ko sa aming bakeshop.

"Tine maiba nga pala tayo, bakit ikaw yung nag da drive sa kotse mo.. ang asawa mo bakit hindi ka hinatid?" Kasulukuyan akong nag be blend ng mga iba't ibang prutas nang biglang nagtanong sa akin si Karie habang wala pang costumer.

"May inasikaso kasi siya sa Cebu para sa restaurant nila at babalik na rin yun bukas" sagot ko at nilagay ko na sa mga baso ang ginawa kong fruit shake at binigay ko ang dalawang baso kina Danieca at Karie.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 17, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

TILL WE MEET AGAINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon