OCHO

0 0 0
                                    

"Madness"
                        Lamiara's pov

Nagising ako dahil sa ingay na naririnig ko sa baba, asa kwarto pa pala ako ni kuya. Madilim na rin sa labas, baka asa baba na rin si mama, yung tunay kong ina.

Paglabas ko ng kwarto dinig ko agad ang kalabog at palahaw ni mama, halos talunin ko nalang ang hagdan para malaman kung ano ang nangyayare dahil masama ang kutob ko rito.

"ANAAAAAK!" sigaw ni mama. Si kuya?

Hindi ko inaasahang ganito ang makikita ko, s-si si kuya. Binubugbog ng malaking lalake habang hawak hawak ng dalawa pa, si mama nakagapos sa upuan at walang magawa kung 'di umiyak.

"K-kuya, KUYAAA!" sigaw ko at agad kong dinampot ang baril na naka patong sa mesa.

Hindi nila ako napansin dahil na kay kuya lang ang atensyon nila, kita ko sa mukha ni kuya ang sakit at hirap. Kaagad akong lumapit sa bumubugbog sakanya at binaril sa likuran, kasunod ay ang dalawa pa.

Agad kong nilapitan si kuya na hirap na sa pag hinga.

"Kuya! Wag kang aalis ha, wait lang ahm t-tawag ako mg ambulansya kuya please!" Pag mamaka-awa ko.

"Kuya sige na, wag kang aalis. Madaya ka, diba marami ka pang ik-kwento? MAMAA TUMAWAG KA NANG AMBULANSYA!" Pumipikit pikit na si kuya pero sinubukan niyang hawakan ang mukha ko habang naka-ngiti, ngunit bumagsak rin ang kamay niya tanda na wala na siya.

"Kuya? Kuya! KUYAAA!" Yakap yakap ko si kuya nang makita kong tumayo ang isa sa mga lalaki, kilala ko siya. Kilalang kilala ko siya!

Palapit siya kay mama habang hawak nito ang baril na kanina lang ay hawak ko. May nakita akong kutsilyo sa bulsa ng kasamahan niya kaya kinuha ko ito.

Sumakay ako sa likod niya at walang awang pinag sasaksak ang ulo at mukha niya. Kita ko si mama na tumayo at pumunta ng kusina, wala akong pake basta ang gusto ko maiganti si kuya.

"Hayop ka! Sinira mo ang buhay ko! Wala kang kwenta, masunog ka sa impyerno hayop ka hayop!" Paulit ulit na saad ko.

Pag balik ni mama may dala rin itong kutsilyo at pinag sasaksak din ang dalawa pa. Nang mapagod ako ay umupo ako sa tabi ni kuya.

"Kuya palagi mo kaming babantayan ha? Kuya mahal kita okay? Salamat kuya binigay mo yung buhay ko." Saad ko at niyakap ang duguan niyang katawan.

"L-lamiara, anak!" Saad ni mama at niyakap ako.

"Pasensya kana anak, hindi ko naipag-tanggol ang kuya. Sorry anak, sorry." Iyak ni mama.

"Igaganti ko si kuya, igaganti natin siya anak ha" bulong ni mama.

Nang mapagod kami kaka-iyak binuhat namin si kuya papuntang banyo para linisin. Nilinis rin namin 'yong mga bangkay at inilibing sa bakuran, hindi pa ako tapos igaganti ko si kuya.

Pag katapos ay tumawag kame sa punerarya para sa katawan ni kuya, nang makuha nila ito agad namang inasikaso ni mama 'yon kaya naiwan akong mag isa.

Naisipan kong umuwi muna sa bahay, sa bahay ng tatay ko na pumatay sa kapatid ko na sarili rin niyang anak.

Flashbacks...

"Bakit ba hindi mo nalang din kunin yang isa mong anak sa baliw na 'yon para maayos ang lahat?" Dinig kong sabi ni mama.

Naka-upo ako sa sala, pero dinig na dinig ko parin ang pag uusap nila. Sino ka yung tinutukoy nila? May kabit kaya si papa? Bat hindi galit si mama?

"Hindi pwede, magagalit si mama isa pa hayaan na natin sa baliw niyang ina 'yong lalaking yun. Konting tiis nalang, tumawag si mama kanina pinauuwi tayo ng probinsya hindi ko alam kung kailan pero mag sasabi nalang daw siya." Sabi ni papa.

"Edi patayin mo nalang tsk, ganun naman kase yung plano tapos tataliwas ka. Dapat kase hindi mo nalang hinayaang lumabas ng mental yung babaeng yun!" Dinig kong sigaw ni mama.

Tumayo na ako at hindi na nakinig pa sa usapan nila. Biglang bumigat ang pakiramdam ko, kaya nag pahinga nalang muna ako.

End of flashbacks...

Alam kong masaya si mama kapag nai-balita ko sakaniya ang nangyare, pero alam kong magugunaw din ang mundo niya pag nalaman niyang wala na si papa.

Pag pasok ko ng gate dinig ko agad ang sigaw ni mama, tila ba pinapagalitan nito si ate. Tumakbo ako papasok at umiyak, niyakap ko si mama mula sa likuran at alam kong nag tataka siya.

"A-anong nangyare?" Tanong nito sa akin.

"Si k-kuya, patay na s-siya!" Sigaw ko at umiyak ng malakas, kita ko ang repleksyon ni ate at ni mama sa salamin si ate ay nakangiti habang si mama naman ay nakangisi.

"O-okay lang y---" mama

"Wala na rin po si papa" mahinahon kong saad at ngumisi.

Natigilan ang dalawa kaya pumunta ako ng kusina.

"Mama wala bang ulam? Nagugutom na po ako, hindi kase masarap ang karne ni papa." Biro ko sa kanila.

Nang makabalik ako sa sala wala na si ate, si mama naman ay nakaupo't tulala habang umiiyak.

"Mama? Ay tita? Okay lang po kayo? Tingin niyo po ba dapat ko kayong patayin kase kinuha mo si papa samin nila mama at kuya?" Tanong ko rito, ngunit wala itong sagot.

Iniabot ko ang kutsilyo sakaniya at pinanood kung pano patayin ang sarili. You can hide the truth and replace it with a lie. But at the end, guilt will eat you.

Nilisan ko ang lugar na 'yon at pinuntahan si mama sa bahay dahil dumating na ang katawan ni kuya. Pag sisisihan nilang ginulo nila ang buhay ko, ang buhay namin ni mama.

THE UNTOLD STORY OF LAMIARA CORDIBUSWo Geschichten leben. Entdecke jetzt