CUATRO

1 2 0
                                    

                                "CHANGES"

                              Lamiara's pov

2 years later...

"Good morning house! Saturday, labada day." Sigaw ko pag gising. Agad akong nag hilamos at nag luto ng agahan.

"Nak paki suyo narin yung mga damit namin ha, medyo busy kase ako ngayon. Tapos etong ate mo may project daw at yung tatay mo malamang asa sabungan." Sabi ni mama nung makapasok ako ng kusina.

"Nakapag luto na po pala kayo, sige ho isasabay ko na" saad ko.

"Kumain kana at ako'y aalis na." Sabi nito at tumayo para umalis.

Nakakatuwa na babalik pa pala yung samahan namin noon, dalawang taon at higit na kaming ganito uli. Kahit madalas natatanong ko sa sarili ko kung bagit biglang nag bago ulit sila mama, papa at ate.

Simula nung makauwi sila galing sa probinsiya nila lola, ganito na ang trato sakin. Kahit na sakin parin ung obligasiyon nila ayos lang kase hindi na nila ako sinisigawan at sinasaktan.

Flashbacks...

Kasalukuyan kaming nag liligpit ni chan chan ng pinag kainan, alas sinco na ng hapon at alam kong pauwi na rin sila mama.

"Umalis kana chan chan ako nalang mag liligpit." Bulyaw ko sakanya.

"Eh? Bakit ba? Nag eenjoy pako dito." Sagot niya.

"Baka kasi dumating---"

"We're back bunsoooy"

"Si ate." Saad ko, alam na alam ko ang boses niya.

"Patay ka chan chan andito na sila."

Bago pa man maka takbo paalis si chan chan pumasok na sila mama, nagulat pa ako ng bigla akong yakapin ni ate.

"Namiss kita bunsoy! Napaka boring doon dapat talaga isinama ka nalang namin" malungkot na saad ni ate.

"Oy chan chan, andyan ka pala. Nadaanan ko si Ate Liza hinahanap kana, balik ka mamayang dinner ha dito kana kumain." Saad ni mama na ikinagulat ko.

Seryoso ba to? Anong meron? Bakit ang saya ata nila? Di ba nila ako sisigawan?  Diba ayaw nila akong nakikisama sa iba? Weird.

"Bunsoy halika, may binili ako para sayo." Sabi ni papa.

Kahit litong lito, lumapit nalang ako.

"Ayan bagay na bagay sayo! Nag dadalaga kana talaga anak." Sabi ni papa at niyakap ako.

End of flashbacks...

Nakakapanibago, pero okay lang. Nakakatuwa kase pakiramdam ko may pamilya na uli ako. Lagi ring andito si chan chan kaya parang mag kakapatid narin kame nila ate.

Hindi ko alam pero kapag andito si chan chan, pinag sisilbihan ako ng pamilya ko ang sabi ni chan chan baka raw nahihiya sila kase gwapo siya tsk.

"Bunsoy tulungan na kita!" Sigaw ni ate pag pasok ng gate.

Binitawan ko saglit ang hawak kong labahin at umupo para umpisahan ang pag babanlaw.

"Akala ko po ba may projects kayong gagawin?" Ako.

"Kaya na daw nila yun, isa pa wala naman akong gagawin kaya hayaan mona ako. Sige hintayin mo ako diyan mag papalit lang ako ng damit." Sabi nito.

_____________________________

"Nakakapagod palang mag laba, alam mo first time kong mag laba! Masaya naman pala hehe." Sabi ni ate.

Kasalukuyan kaming nag papahinga sa sala at nanonood, mahigit tatlong oras lang kaming nag lalaba kahit na dalawang linggo iyong nilabhan namin.

"May allergies kase ako sa sabon kaya ganoon bunsoy, pero wag ka mag alala may ointment na ako." Sabi ni ate.

Ngumiti nalang ako bilang sagot, nang maalala ko nanaman ang araw na iyon.

Flashbacks...

Katatapos lang namin kumain at kasalukuyan akong nag huhugas ng plato. Sobrang dami, parang may fiesta aish!

"Hoy, bilisan mo diyan at labhan mo yung mga damit. Ayoko ng babagal bagal ha!" Bulyaw ni mama sa akin at ibinagsak ang labahan.

"Bunsoy akina ako ng mag tutuloy niyan, pinag iinitan ka nanaman ni mama. Hayaan mo ganiyan talaga pag matanda na hihi." Sabi ni ate

"Sige po, salamat ate." Masigla kong wika.

Andami pala ng labahan, diko naman alam na ganto pala karami.

________________________________

"Hay salamat natapos din" saad ko habang nag uunat unat, sampayan nalang!!!

"Impokrita ka!" Sigaw ni mama at agad na hinablot ang buhok ko.

"A-aray ko m-mama masakit po" wika ko at pilit pinipigilan ang kamay niya.

"Masakit ha? Masakit? Pag may nangyaring masama sa ate mo mapapatay kita!" Saad niya at patulak akong binitawan.

"Maaaa!" Sigaw ni ate habang umiiyak.

"Tignan mo ang ginawa mo kasalanan mo to!" Sabi ni ate sa akin at pinakita ang mga kanay niya na parang binuhusan ng acido.

"P-pero ate sabi niyo po k-kayo---"

"Sige sinasagot-sagot mo pa ate mo pag katapos ng ginawa mo!" Sabat ni mama at sinampal ako.

Naiwan akong nakaupo sa basang sahig, umalis sila at alam kong sa hospital ang diretso nila.

End of flashbacks...

Simula noon nag bago na rin ang pakikitungo ni ate sa akin, masakit isipin na yung nag iisang kakampi ko sa bahay ayaw na rin sakin. Kaya laking pasalamat ko kung anong klase ng himala ang nangyari at naging maayos ulit ang pamilya namin.

"Lamiaraaa!!! Tao pooo!" Aish, nag papahinga ung tao ang ingay ingay.

"Sandali lang ate ha!" Paalam ko, nginitian ako nito ngunit kita ko ang pag aalinlangan sa mata niya.

"Ano ba kuya chan chan! Gigibain mo ba gate namin?!" Inis na wika ko.

Si Kuya chan chan ay kasalukuyan ng grade 10 student, nakapag take siya ng exam kumbaga nag jump test siya. Ang daya, napaka talino naman kase niya kaya alam kong deserve niya yun hehe.

"Mag bihis ka gagala tayo!" Masiglang saad niya.

"Eh pero--"

"Siye na bunsoy sumama kana, ako na bahala kila mama at papa pati na sa bahay." Sabi naman ni ate.

"Sige po, salamat" saad ko at nag bihis.


VOTE AND COMMENT!!

KAMSAA 💕

THE UNTOLD STORY OF LAMIARA CORDIBUSOnde histórias criam vida. Descubra agora