SEIS

1 2 0
                                    

"Kuya"
Lamiara's pov

Alas once na ng umaga pero hindi pa rin ako lumalabas mg kwarto. Hindi ko alam kung ano bang dapat kong maramdaman. Maging masaya ba kase nakasama ko siya, o dapat ba akong magalit kasi tinago ng pamilya ko sakin.

Kaya pala, kaya pala ang gaan ng loob ko sakaniya at kay Tita Liza. Kaya pala kahit kailan hindi ko naramdamang kabilang ako sa pamilyang to, ginamit lang nila ako.

"AAHHHHHHHHHHHH" sigaw ko at pinag babato lahat ng gamit sa kwarto ko.

"Anak? Lamiara? Anong nangyayari dyan?" Dinig kong sabi ni mama habang kinakalabog ang pinto.

"Umalis kayo diyan, iwan niyo ako! Alis!" Umiiyak kong sigaw.

Flashbacks...

Third person's pov

Maganda ang gising ng dalaga dahil sa mga pangyayari kagabi, hindi niya akalaing mararanasan niyang maging masaya, sa tanang buhay niya kasi ay puro pananakit at pasakit ng pamilya ang kaniyang dinanas.

Pababa na sana ang dalaga nang maalala nito na kailangan niyang ipapirma ang kaniyang card sa ina. Tahimik itong nag lalakad patungo sa kuwarto ng kaniyang ina at ama, ngunit di niya inaasahang marinig ang mga bagay na kay tagal itinago sakaniya.

"Hindi ko alam kung hanggang kailan ko kayang makisama sa batang iyan, kung hindi lang dahil kay mama." Saad ng ina nito.

"Ano kaba May! Hindi natin alam kailan mawawala si mama para makuha 'yong mga pera at pamana kay Lamiara kaya pwede ba! Makisama ka nalang!" Sigaw ni Edward, ang kaniyang ama.

"Pano naman 'yong kuya niya? Paano kung sabihin ni Christian ang totoo? Hindi pwedeng kay ate Liza nanaman mapunta iyon, dahil simula't sapul alam natin na paboritong anak ang baliw na yun."

"Ako na ang bahala kay Christian at si Liza? Hindi magiging sagabal iyon, sinisigurado ko sa'yo yan!" Kumpyansang sagot ng kaniyang ama.

"Siguraduhin mo lang Edward, malaking pera ang mawawala sa atin pag hindi mo inayos ang trabaho mong yan!" Giit ng ina.

Narinig ng dalaga ang yabag patungo sa kaniya kaya agad itong tumakbo sa katabing kwarto ng kaniyang mga magulang, ang ate niya.

"Bunsoy?! Anong nangyare?" Tanong ng ate nito nang makita niyang umiiyak ang kapatid.

"Ate? Totoo ba? Totoo bang ampon ako?" Diretsahang tanong nito.

"Ate ano?! Sumagot ka!" Sigaw nito nang nanatili itong tahimik.

Sabay na napalingon ang dalawang nang marinig nila ang katok mula sa pintuan. Dali dali namang binuksan ng kaniyang ate ang pinto.

"Alam na niya!" Tarantang bulong ng kaniyang ate Dianna sa kanilang magulang.

"Ano? Ate? Alam mo rin ang plano nila? Kaya ba ganoon ang trato niyo sa akin noon, dahil hindi ako kabilang sa pamilya nato ha?! Kaya ba ang bait niyo ngayon kase alam niyong sa akin ipapamana ni lola lahat? Ha? Sumagot kayo!!!" Galit na sigaw nito sa magulang.

Ngunit lahat sila'y gulat at hindi alam ang sasabihin, kaya't tumakbo nalang ang dalaga papunta sa kaniyang kwarto.

End of flashbacks...

Lamiara's pov

Nagising ako nang dahil sa marahang haplos sa mukha ko, nakatulog pala ako kakaiyak.

"K-kuya?" Tanong ko.

"Alam mo na pala, dapat talaga sinabi ko na lahat sayo para naipaliwanag ko." Nakangiting saad ni Kuya chan chan.

"K-kuya bakit? Bakit niyo ako ibinigay sa kanila?" Tanong ko ngunit ngumiti lang siya.

"Ang dami kong pag hihirap sakanila, ang hirap nang dinanas ko. Akala ko okay na lahat, akala ko totoo 'yong mga pinapakita nila sakin ngayon. Kuya ang sakit sa loob, kase buong buhay ko sinasaktan ako ng mga kinikilala kong pamilya." Saad ko habang umiiyak.

Christian's pov

Hindi ko alam kung saan ko uumpisahan, masakit sakin na balikan pa ang nakaraan pero kailangan niyang malaman. Niyakap ko ang kapatid ko, ang bunsong kapatid ko dahil ayokong makitang umiiyak siya't nahihirapan.

"Wala pa kase si mama, namalengke bunsoy. Pero kung gusto mong malaman ang lahat, sige sasabihin ko na." Saad ko rito.

Flashbacks...

Tumakbo ako palapit kay mama nang makita kong sinasaktan nanaman nito si mama, habang umiiyak ang nakababatang kapatid kong babae.

"Mama halika na, alis na tayo dito!" Sigaw ko kay mama habang hinihila siya.

Ngunit bigla itong tumitig sa akin na para bang hindi niya ako kilala, wala akong makita kahit anong emosyon sa kaniyang mukha kahit na sinasaktan siya ni papa.

"H-hali na kayo mga anak, kay p-papa kayo sumama." Bulong ni papa habang nakatitig kay mama na tila kinakabahan.

"Hinde! Kay mama kami sasama, sinasaktan mo kame!" Sigaw ko at hinablot ang kapatid ko.

Biglang may bumusinamg sasakyan mula sa labas, maya maya lang pumasok sila auntie.

"Akina ang pamangkin ko, ilalayo ko siya sa baliw niyang ina" malumanay na saad ni auntie.

"Hindi baliw si mama!" Pag tatanggol ko sakaniya.

Sabay sabay kaming napalingod nang marinig naming bumukas amg pintuan, si bunsoy tumakbo palayo. Pilit ko siyang hinabol pero nahihirapan na akong huminga, bago ako nawalan ng malay nakita ko siya, nabangga ng isang jeep.

Ilang taon ang lumipas bago ako magising, ang sabi ni mama napalitan na rin daw ang puso ko at wala parin amg kapatid ko mula noon wala narin akong narinig na balita patungkol kay papa.

Hinanap ko ang kapatid ko halos mag pagala gala na ako sa daan, tapos naalala ko kinuha siya nila tita kaya umasa akong nandoon siya at hindi ako nag kamali andoon siya kaya inaya kong lumipat ng bahay si mama para makasama ko siya.

End of flashbacks...

"Hindi namin ginusto ang lahat ng nangyare bunsoy lalo na si mama. Hinanap ka namin, hinanap ka niya. Pero nung makalipat kame rito pinag tangkaan kami ni tita na ipapa-mental niya daw si mama, palalabasin niyang baliw si mama." Saad ko rito.

"Si papa? Nasaan na si papa?" Tanong nito.

"Hindi ko alam bunsoy, di namin alam." Kahit na alam ko kung anong nangyare sa kaniya hindi ko kayang ipaliwanag ng maayos dahil baka kamuhian niya si mama.

"Mag pahinga ka muna bunsoy, alam kong naguguluhan ka pa rin sa mga nangyari. Wag mo munang isipin ang mga bagay na gumugulo sayo." Saad ko at tumayo na para lumabas.

"Kuya, salamat." Nakangiting saad nito habang naka pikit, ngumiti nalang ako at lumabas na.

THE UNTOLD STORY OF LAMIARA CORDIBUSWhere stories live. Discover now