PAUNANG PAHINA

5 2 0
                                    


Lamiara's pov

"Ang tanga mo talaga! Simpleng bagay di mo pa magawa ng maayos!" Sigaw ni mama sa akin.

Galit nanaman siya sa akin dahil sa nag kamali ako, lagi naman yun yung nakikita niya kaya nasasanay nalang ako.

"Ma! Pakisuyo naman po ako ng tubig." Sigaw ni ate mula sa kwarto niya. Ayan ang magaling kong ate, magaling sa paningin ng lahat habang ako ang kabaliktaran niya.

"Sandali lang anak, ikukuha kita." Mabilis naman na saad ni mama.

Kung favoritism ang usapan, talo ako.

Yumuko nalang ako at nag lakad papunta sa kwarto ko.

World isn't unfair, life is.

Nabuhay tayo ng pantay pantay, pero hindi tayo namumuhay ng pantay pantay.

Gaya ko, na nasa ibaba simula pag kabata.

Kahit kailan hindi ako kinampihan.

Kahit kailan hindi ako minahal.

"Hoy! Hugasan mo yung mga plato! Wag kang lalampa lampa" sigaw ni papa sa labas ng pinto.

Tumayo ako at nag lakad papuntang kusina habang nakayuko parin.

"Umayos ka nga! Para kang sira ulo diyan." Puna nanaman ni mama sa akin, kaya binilisan ko nalang amg kilos ko.

Ayokong umiyak.

Ayokong umiyak sa harapan nila.

Ayokong maging mahina sa harapan nila.

Balang araw, makakaganti rin ako.

Balang araw, luluhod sila sa harapan ko.

Nasa ibaba man ako ngayon, sinisigurado kong titingala sila sa harapan ko para mag makaawa.

Wala pa akong laban sa ngayon, dahil bata pa ako. Pero darating ang araw, lahat mag babago.

Ikaw?

Handa ka ba para sa hinaharap?

Rianna's Note

Sabaw sabaw sabaw.

VOTE AND COMMENT!

KAMSAA 💕

THE UNTOLD STORY OF LAMIARA CORDIBUSOnde histórias criam vida. Descubra agora