DIYES

3 1 1
                                    

"My Home"

                     Lamiara's pov

Bumangon ako sa pag kakahiga't napansin kong asa bahay na pala kami.

Bumaba ako dahil nakakarinig ako ng ingay mula sa kusina na tila ba may nag uusap na dalawang tao.

"Mama? Sino pong kau---"

"Good morning anak! Gising kana pala, halika sumabay ka samin ni ate Dianna mo" saad ni mama.

"Bakit nandito yan? Tsaka bakit di pa po kayo nakabihis? Hindi ba aalis na tayo?" Iritadong sabi ko.

"Sasama sa'tin ang ate mo, wala na siyang kasama rito prinsesa ko." Sagot ni mama.

"Kumain na kayo d'yan nawalan nako ng gana" saad ko't bumalik nalang sa kwarto ko.

Pag kasarado ng pinto kaagad na akong nag ayos ng mga gamit ko. Bahala nang magutom, wag ko lang makasabay 'yong babaeng 'yon.

Kasalukuyan akong nag aayos nang maramdaman kong parang nay nakatitig sa akin. Lumingon ako sa bintana dahil pakiramdam ko doon ito nang gagaling pero wala.

"M-may tao ba d'yan?" Tanong ko, kahit di ako sigurado kung may kausap ako.

Bumuntong hininga na lamang ako dahil wala talagang sumasagot, ngunit ng lumingon ako bigla na lamang bumungad ang mukha ni mama.

"Ay nako mama, ginulat mo naman ako. Akala ko kung sino nang nakapasok." Sabi ko.

"Napapraning ka nanaman anak, sasabihan sana kitang mag impake na dahil mamayang alas doce darating na yung sundo natin." Giit ni mama.

"Opo ma, mabilis lang naman to. Pero... Pano po kayo naka-pasok?" Nakakapag taka naman kase, isinara ko yung pintuan ko bago ako maupo rito.

"Malamang may susi ako, ikaw talaga makakalimutin ka pa sakin." Natatawang saad ni mama.

"Pftt mama talaga"

"Sige na, mag aayos na rin ako ng gamit ko. Pakitunguhan mo ng maayos ang ate mo ha! Ate mo parin yon kahit papano." Pakiusap ni mama.

Wala naman akong ibang choice kun'di ang sumunod nalang. Ayoko namamg pag talunan pa namin ni mama 'tong maliit na bagay na'to.

______________________________

"Lamiara, pwede ba tayong mag usap?" Sabi ni ate.

Ilang oras na rin kaming naka-byahe pero kahit isa walang nag sasalita sa'min. Masyadong tahimikat ayoko non, para akong mababaliw sa loob.

"Tungkol naman saan?" Tanong ko nang hindi tumitingin sakaniya.

"Gusto ko lang sana humingi ng tawad, sa lahat ng mga nang----"

"Kung 'yan din ang pag uusapan, wag na masasayang lang ang laway mo." Pag putol kons sasabihin niya.

"Tama na 'yan, mag usap na nga kayo't mag kaayos. Hindi magugustuhan ng lola niyo kapag ganiyan ang pakikitungo niyo sa isa't isa." Suway ni mama.

"Pano pa kaya ang ginawa ng mga magulang ng babaeng yan" saad ko kay mama.

Pumreno ito'r tumingin sa'kin, "umayos ka Lamiara, ate mo pa rin siya." Sabi nito't tinitigan kaming dalawa.

"Mamaya na natin pag talunan to, matutulog ako " bilin ko't humilig sa bintana.

"Pag pasensyahan mo na siya Dianna, siguro talagang masama pa ang loob niya." Dinig kong sabi ni mama.

"Okay lang po iyon auntie, naiintindihan ko naman kung bakit. Hindi po naging biro ang buhay niya dahil sa'min." Sagot naman ni ate.

May parte sa akin na naaawa't nakokonsensya ako pero mas nangingibabaw ang galit. Hindi ko siya kayang patawarin, hindi ko alam kung mapapatawad ko pa siya.

"Hayaan mo at kakausapin ko siyabng maayos pag karating natin sa probinsiya. Sana lang ay matanggap ka ng lola niyo't hindi maganda ang ipinakita ng mga magulang mo" giit ni mama.

Pag-uusap lang nila tungkol sa kaniya-kaniyang buhay nila ang narinig ko hanggang sa makatulog na ako.

___________________________

"Bunsoy, gising na" saad ng isang tinig habang ramdam ko ang pag tapik nito sa akin.

"Hmm sandali lang" sagot ko, narinig ko naman ang pag tawa nito.

"Batugan talaga, halika na andito na tayo kila lola. Hinihintay nila tayo sa loob" saad nito kaya bigla akong napabangon.

"Ahh-aray."  Daing ko ng bigla akong tumayo kaya nauntog ako.

"Mag iingat kase, napaka-tarantada mo talaga kahit kailan" natatawang saad ni ate.

"Masaya ka naman pag nasasaktan ako diba? Tss." Saad ko't lumabas ng kotse.

Sinalubong agad ako ng malakas at sariwang hangin, tanaw ko mula rito ang bahay ni lola. Hindi ako maka-paniwalang magiging akin 'to pag dating ng araw.

"Halika na, kanina ka pa gustong makita ni lola." Saad ni ate at nauna nang mag lakad na parang walang nangyare.

"Apo ko!" Sigaw ni lola ng natanaw ako nito.

"Lolaaaa" saad ko at tumakbo upang yakapin siya.

"Hayy ang ganda gandang bata talaga, nag mana ka talaga sa nanay mo" bungad nito at hinaplos haplos ang buhok ko.

"Hay nako mama, eh kanino ba ako nag mana? Hindi ba sayo?" Natatawang saad ni mama.

"Osige sige mag lokohan tayo dito ha" saad naman ni lola.

Ang saya ng ganito, kung noon pa sana mag kakasama na kami. Hindi sana madisisgrasya si kuya, siguro mas masaya kami.

Miss kona si kuya, nakaka-panibagong walang gumugulo sakin araw araw. Promise ko sa'yo kuya, igaganti kita.

"Ohh bakit parang malungkot ka iha?" Saad ni lola.

"Hindi po namimiss ko lang po si kuya." Saad ko't tumingin kay ate.

"Hayy halina kayo't pumasok nang mapag usapan natin lahat ng kaganapan." Saad ni mama't nauna ng pumasok.

I'll make her life miserable as they did to me. Di ko hahayaang hindi siya kainin ng konsensya niya, hindi ko siya mapapatawad.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 12, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

THE UNTOLD STORY OF LAMIARA CORDIBUSWhere stories live. Discover now