NUEVE

0 0 0
                                    

"MAMA"
                      Lamiara's pov

Matapos ilibing si kuya nanumbalik rin ang kilos ni mama, ngunit hindi maalis ang lungkot sa kaniyang mga mata. Maski ako ay hindi parin tanggap ang mga nangyari, masakit at mahirap ngunit kailangan naming harapin ang buhay at katotohanan.

"L-lamiara p-please parang aw---"

"Pwede ba ate! Tigilan mo na ako! Hinding hindi na mag babago ang isip ko!" Sigaw ko kay ate Dianna.

Ilang araw na niya akong kinukulit na wag ko daw sabihin kay lola ang lahat ng nangyare. Hindi ko alam para saan pa't itatago ko ito kung patay na si tita at papa.

"Ipa-papatay ako ni lola, kaya please" saad nanaman nito at lumuhod pa sa harapan ko.

Tinitigan ko lang ito at hinayaang nakaluhod habang umiiyak hanggang sa tumigil ito. Nang makatayo ito agad ako umiwas ng tingin, bago pa ito makapag salita umalis na ako.

Hinihintay kase ako ni mama sa tree house namin ni kuya, gusto kong makita rin niya 'yong mga kutitap.

Nang makarating ako roon, nakita ko agad si mama na nag aayos sa itaas. Tanaw ko mula rito ang mga hinanda niyang pag kain para sa aming dalawa.

"Ma!" Tawag ko sakaniya habang ako'y paakyat.
Agad naman nitong iniabot ang kamay niya para tulungan ako. Napaka-raming pag kain, karamihan ay paborito ni kuya. 

"Maupo ka, marami akong ik-kwento sayo." Naka ngiting saad ni mama kaya agad akong naupo sa harapan nito.

Liza's pov

Masakit sa parte ko ang mamatay ang anak kong nanatili sa tabi ko noong nangungulila ako.

Gusto kong maging masaya kase nakasama ko na ang prinsesa ko, pero di ko mapigilang ma-iyak tuwing naaalala kong siya palagi ang dahilan kung bakit napapahamak ang kuya niya.

"Makikinig po ako ma, mag sabi ka lang." Nakangiting saad nito habang umiiyak.

Pinunasan ko ang luha nito at nag simulang mag kwento.

Flashbacks...

"Maaa, please! Hindi ako baliw! Kailangan ako ng mga anak ko!" Pag mamakaawa mo kay mama.

"Para rin naman sayo 'tong ginagawa ko Liza!" Galit ma tugon nito sa'kin.

"Mama please hindi ako baliw, sa'kin ka makinig! Kailangan ako ni Chan chan please hahanapin ko pa ang prinsesa ko!" Pag pupumilit ko, ngunit wala na akong magawa ng hilain ako palabas ng mga nurse.

Hindi ako nag tagal sa mental na'yon dahil may tumulong sa'kin para makatakas nung gabi ring 'yon kaya't malaki ang pasasalamat ko sakaniya.

Nang makalabas ako sa hospital ay agad kong pinuntahan ang anak ko't inilipat siya abroad para mag pagamot. Ilang taon din siyang na comatose buti nalang at nagising siya.

__________________________

Lumipat kame sa isang subdivision na tinitirhan nila May at ng asawa ko. Hindi ko alam na may namamagitan na pala sakanila noon pa man, wala na akong magagawa kaya't hinayaan ko nalang sila.

Nang malaman ni mama ang lahat ng nagyare, napatawad niya rin ako't humingi rin siya ng kapatawaran dahil sa mga nangyare. Nalaman ko rin na si May ay adopted child lang ni mama, kaya pinalayas niya ito nang malaman niyang inahas niya ang asawa ko.

"Anak, Liza. Ramdam kong ilang taon nalang akong maninirahan sa mundo kasama niyo, gusto ko sanang makuha mo si Lamiara ng mas maaga sa asawa't kinakapatid mo" saad ni mama sa akin habang unti unting namumuo ang luha sa mga mata niya.

"Pipilitin ko po mama, gagawin namin lahat ni Chan chan." Saad ko't niyakap siya.

"Inasikaso ko na lahat ng papeles, mga papeles na nag sasaad na sakaniya lahat mapupunta ang lahat ng mga ari-arian ko at ng lolo niya. Malaki ang tiwala ko sa batang 'yon" nakangiting saad nito, hindi ko rin maiwasang maging masaya para sa anak ko.

Simula noon pinipilit ko nang makipag-lapit sakaniya kaya ipinaalam ko narin kay Chan chan ang totoo.

End of flashbacks...

"Masakit sa'kin na ganito ang kahihinatnan na'tin anak. Pero masaya ako dahil nakamit ni kuya mo ang gusto niya bago siya mawala" saad ko sa anak ko habang pilit siyang pinapatahan.

"Mama, gusto ko pong makita si lola." Saad nito.

"Bukas na bukas, babyahe tayo." Saad ko.

"Hmm sige na, kumain na muna tayo" dagdag ko.

"Mama, ang sarap niyo po talaga mag luto! Kahit noon pa man, pag dinadalhan ako ni kuya gustong gusto ko talaga" magiliw na saad ng anak ko sa'kin.

"Nakoo nambola pa, namana ko 'yan sa lola mo. Nasa pamilya na naten ang hilig ng pag luluto" sagot ko rito.

"Ahhmm mama, gusto ko po sanang ipagpatuloy nalang ang pag aaral ko sa probinsya" saad nito na nag patigil sakin sa pag kain.

"Ah eh, s-sigurado ka b-ba anak?" Nauutal kong tanong.

"Opo mama, gusto kong lumayo't kalimutan lahat ng masamang nangyare dito." Saad niya.

"Sige anak, wala namang problema doon" sagot ko kahit na posibleng maulit uli ang nangyare noon.

"Mama! Tingin ka sa labas, ang gandaaa" tili nito.

"Ang ingay naman, para kang kinurot sa singit" tumatawang saad ko.

"Mama masaya akong nag sama na uli tayo."

"Ako rin anak, ako rin."

THE UNTOLD STORY OF LAMIARA CORDIBUSWhere stories live. Discover now