TRES

2 2 0
                                    

                            "A Good Friend"

                             Lamiara's pov

Maaga akong nagising dahil mag isa lang ako, mag isa ko rin aasikasuhin sarili ko. 4:30 palang ng umaga kaya siguradong hindi ako mahuhuli sa klase.

Nagsaing lang ako pag katapos ay ininit yung tirang ulam kagabi. Buti nalang talaga't mabait ang nanay ni chan chan, si tita liza. Pag kaluto ay agad rin akong kumain, siguradong mahaba-habang araw to haist.

Pag sapit ng alas singko naligo na ako't lumabas ng bahay.

"Hoy! Pandak! Sabay na tayo!"

Kahit di ko lingunin, alam ko kung sino to dahil sa pangit ng boses.

"Bilisan mo! Takbo" saad ko at binilisan ang pag lalakad.

"Napaka liit napaka laki mg hakbang tch." Inis at hinihingal na saad nito ng makalapit sa akin.

"Bilisan mo nalang din kasi!" Giit ko.

_________________________

Pag dating sa school kokonti pa lang ang mga studyante, biyernes kasi ngayon PE day means late day. Wala kasi kami gaanong ginagawa tuwing biyernes, siguradong mapag t-tripan nanaman ako nung mga nasa first year high school.

"Hoy pandak, papasok nako ah. May homework pa kase akong tatapusin." Paalam ni chan chan na tinanguan ko lang.

Dumiretso ako sa library para mag basa-basa alangan naman mag party? Kidding, hilig ko noon pa man ang pag babasa, lalo na yung book ni former senator Meriam Santiago. Napaka witty yet may sense of humor, parang siya rin si Dr. Jose Rizal kung mag salita't mag sulat ng libro ukol sa corruption in short matapang at matalino.

Hinahanap ko yung copy nung Stupid is Forever na kaniyang isinulat, corny man kung babasahin ng iba, para sa akin hindi dahil napaka palaisipan talaga ng kaniyang mga akda.

Nakita ko ito sa pinaka taas ng shelf, sabi nga ni chan chan ako'y "pandak" kaya hindi ko maabot. Nang biglang may kumuha nito, napatingin ako at hindi ako nag kakamali, siya nanaman.

"Akin na yan, babasahin ko!" Pabulong kong sigaw.

"Ayoko nga, abutin mo muna" saad nito at tinaas ang librong hinahanap ko.

"Ayoko, ibigay mo nalang kesa sa mag pagod tayong dalawa." Saad ko habang nakatingala sa librong hawak niya.

Ewan ko ba sa lalaking to isa o dalawang taon lang ang tanda sa akin pero napaka tangkad, kung titignan eh parang hanggang bewang lang niya ako palibhasa kase may lahi.

"Abutin mo na kase, bahala ka pareho tayong mal-late" asar nito kaya wala akong nagawa kundi pilitin na maabot yun.

"Ang liit liit mo!" Asar niya habang nakataas ang isang kamay at ang isa naman ay tinatap ang ulo ko.

"Asaran pala ha!" Bulong ko at agad na sinipa yung itlog niya, nabitawan nito ang libro kaya't agad ko itong kinuha.

"Maliit pala ha!" Saad ko bago umalis doon at pumunta ng garden.

Umagang umaga sinisira ng Malum na yun ang araw ko, sarap ipakain sa pirana.

Wala pa ako sa ikalawang pahina ng nag ring ang bell, kaya tumayo na ako at tumakbo papuntang room.

"Class we will be having our seminar, lahat ng late o papasok palang ay pinapauwi ng guard habang kayo namang nakapasok na dito ay mags-stay hanggang lunch time. Enjoy your stay, makipag laro na muna kayo." Saad ng adviser namin ng makapasok ito.

Seryoso? Mag laro? Psh.

Bumalik nalang ako ng garden para ipag patuloy ang pag babasa.

"Pandaaaaaaak" sigaw nanaman ni chan chan

"Kanina ka pang umaga sigaw ng sigaw, pag nainis ako hihilain ko yang dila mo!" Inis kong saad dito.

"Sorry na, halika may pupuntahan tayo!" Saad nito at hinila ako patayo.

"Saan nanaman? Mamaya mapahamak tayo mayayare ako sa teacher ko" saad ko.

"Hindi yan, tatakas tayo" sabi nito kaya agad namilog ang mata ko at bumitaw sa kanya.

"Tatakas? Baliw kaba? Baka hanapin tayo!" Sigaw ko.

"Shhh wag kang maingay, di naman nag attendance yung mga teacher kaya di nila yun mapapansin. Lika na wag kang kj!" Saad nito at hinila ako uli, wala naman akong magawa dahil bitbit narin nito ang bag ko.

______________________

Umuwi muna kami at nag palit ng damit, swerte dahil wala sila mama wala ring magagalit, di naman nila malalaman.

Sa park pala kami pupunta, akala ko naman saan. Malapit lang kase sa school to, kaya siguro pinag palit niya ako ng damit.

"Ano namang gagawin natin dito?" Tanong ko sakanya.

"Tatambay, kwentuhan ganun" sabi nito.

"Kalalaking tao ang drama" sagot ko.

"8 years old ako nung ma-comatose ako, nasagasaan ako ng kotse dahil sa isang babae." Panimula nito.

"Ang aga mong lumandi ha" biro ko dahil napaka seryoso niya.

"Hindi naman landi eh, hinahabol ko kase yung anim na taong gulang kong kapatid. Pinamigay siya ni mama kila tita kase iniwan kami ni papa ko noon pa man. Na-diagnose daw kase si mama na may sakit sa utak noon kaya nung nalaman ni papa iniwan niya kami." Patuloy nito kaya't nakinig nalang ako.

"Noong ma-coma ako dalawang taon akong nakaratay sa hospital, kaya hindi rin ako nakapag aral. Gustong gusto kong hanapin yung kapatid ko, pero sabi ni mama makikita ko siya kapag naka graduate na ako, kaya tinutuloy ko pag aaral ko para sakaniya. Kahit binubully ako dahil nga matanda na ako at grade 5 palang ako." Saad nito at tumingin sakin na parang sinasabi na ako naman ang mag kwento.

"Limot ko na ang nakaraan ko siguro dahil napaka bata ko pa noon, pero tanda ko yung mga pananakit nila mama at papa. Simula ng natuto akong mag isip, tinuruan na ako ni mama ng gawaing bahay. Noon napaka bait niya, lahat ng gusto namin ni ate ibinibigay niya. Pero lahat nag bago pag lipas ng panahon, ipinasa niya sa akin yung responsibilidad niya, pag luluto, pag lalaba at iba pang gawaing bahay. Pero hindi ako nag reklamo, palagi rin umuuwing lasing si tatay kaya lagi ring mainit ulo ni papa." Saad ko medyo naiiyak na rin ako, dahil ngayon lang ako nakapag labas ng sama ng loob.

"Si ate, akala ko magiging kakampi ko siya. Pero hinde, itinataboy niya ako tuwing pupuntahan ko siya pag nag aaway sila mama at papa. Pinapaalis niya ako na parang hayop kapag nilalapitan ko siya sa school. Ginawa niya rin akong utusan parang si mama at papa, wala silang narinig na kahit anong reklamo dahil alam kong pagod lang sila. Hindi ko inaakalang hanggang ngayon ganun parin yung pakikitungo nila sa akin. Palagi akong kinukumpara kay ate, palagi nilang sinasabi na palamunin lang daw ako't pabigat sa pamilya." Saad ko at tuluyan ng naiyak.

"Sige iiyak mo lang, andito lang ako makikinig ako sayo. Hindi ako aalis pangako."saad ni chan chan at niyakap ako, sa unang pag kakataon, naramdaman kong may kakampi ako, may kasama ako at may nag titiwala sa akin.


VOTE AND COMMENT!!

KAMSAA 💕

THE UNTOLD STORY OF LAMIARA CORDIBUSWhere stories live. Discover now