DOS

1 2 0
                                    


                            "Without Them"

                             Lamiara's pov

Kasalukuyan akong naglalakad pauwi habang dala-dala yung certificate na ibinigay sakin kanina. Nag karoon kase kami ng role playing at ako ang naging best actress.

Noon pa man artista na talaga ang gusto ko pag laki ko, marami akong iniidolo pero mas gusto kong makita ang sarili ko sa mga palabas na nakakatakot o dikaya'y may patayan.

"Hoy! San ka nakatira?"

"Ano ba naman yan chan, aatakihin ako sa puso dahil sayo eah!" Giit ko dahil bigla na lamang sumulpot sa gilid ko ito.

"Sorry na, pero san ka nga nakatira?"pangungulit nito

"Malapit lang dito, nakikita mo ba yung bubong na itim?" Tanong ko sabay turo roon, "yan ang bahay namin." Saad ko.

"Ah yun ba? Malapit lang pala sa amin, tatlong bahay lang pagitan natin. Bukas dadaanan kita sainyo ha! Sabay tayo, kase ako lang din mag isa pumapasok." Bilin nito na tinanguan ko.

Pag dating sa harapan ng bahay namin, lumingon muna ito at ngumiti bago mag paalam.

Pumasok na ako dahil napaka-init ng araw, nakakasunog na nakakapaso pa. Pag pasok ko wala akong nadatnan na music galing sa loob ng kwarto ni ate, wala ring sampal o sabunot na galing kay nanay at sigaw ni papa.

Ang bait naman ni lord sakin ngayong araw na to, dumiretso ako sa kusina para uminom ng tubig nang may makita akong papel sa ref.

'Ikaw na muna ang bahala dyan, tatlong araw kaming mawawala dahil pina-uwi kami ng lola mo. Hindi ka na namin isinama dahil walang mag babantay sa bahay. Umayos ka dyan kung di malilintikan ka sa akin pag uwi

~mama'

Bumuntong hininga nalang ako kahit nakakalungkot na iniwan nila akong mag isa at walang pera. Inisip ko nalang na makakapag pahinga ako mula sa pananakit nila't pag papahirap sa akin. Tatlong araw lang naman, kakayanin ko yun.

Pag katapos sa kusina pumunta na akong kwarto para mag bihis at matulog saglit, nakakapagod ang araw na to sobrang daming activity sa school kanina.

Matutulog na sana ako nang may biglang kumatok sa gate namin. Kaya't tumayo ako kahit na antok na antok na'ko, pano ba naman yung kumakatok daig pa naniningil ng utang hmp!

"Andyan na! Saglit lang naman exzoyted." Inis na saad ko.

"Antagal mo naman! Ang init init sa labas!" Bungad sakin ni chan chan sabay pasok sa bahay.

"Ay sige sir wait lang ho, welcome na welcome kayo kahit diko kayo pinapapasok."pamimilosopo ko at kumuha ng inumin sa kusina.

"Sabi kase ni mama wala kang kasama ngayon, sa amin ka ibinilin ni mama mo." Taas noong saad niya at umupo sa sofa.

"Ayy mag kakilala sila?" Tanong ko rito at inilapag ang inumin sa harap niya.

"Malamang? Tatlong kembot lang ng chismosa kong nanay andito na siya sainyo." Saad ni chan chan na para bang pinag t-tripan ang kanyang  nanay habang wala ito.

"Baliw ka, susumbong kita kay tita liza." Pananakot ko.

"Samahan pa kita eh! " asar na saad nito.

"So ano namang maitutulong mo sakin dito?" Tanong ko dahil mukhang tatambay lang naman ito.

"Ewan, ano bang mga gagawin mo ngayon?."

"Mag lilinis lang ng bahay tapos tutulog na, walang iniwan na pag kain eah." Malungkot kong saad.

"Ay mag lilinis pala, osige uuwi na pala ako HA-HA-HA" sigaw nito at kumaripas ng takbo palabas ng bahay.

Napaka tamad, buti nalang malapit lang bahay nila kapag nainip ako lilipat ako dun.

____________________________

Kasalukuyan akong nag papahinga sa sala dahil katatapos ko lang mag linis. Hindi ko alam na napaka-dami na pala ng kalat sa kwarto ko, yung kwarto naman nila mama at ate winalis at ni-mop ko lang ayaw kase nilang pinakekealam ang gamit nila.

Tumayo ako para mag saing, may pera naman ako siguro itlog nalang muna uulamin ko. Tatlong araw lang naman silang mawawala, babawi nalang ako ng kain kapag naka-uwi na sila.

Pag katapos kong nag saing maliligo na sana ako, kaso may kumakalampag nanaman sa gate psh.

"Andyan na saglit lang naman." Sigaw ko.

"Oh? Alas siyete na nag iingay ka pa? Anong kailangan mo?" Bungad ko kay chan chan pag bukas ko ng gate.

"Napaka sungit, ohh bigay ni mama. Dito narin ako kakain ha, marami naman to eah." Saad nito at iniabot sakin ang tupperware.

"Napaka bait talaga ni tita, ikaw lang hindi." Biro ko at pumasok sa loob.

"Di ka parin nakakaligo? Ambaho mo!" Asar nito sa akin.

"Maliligo na sana ako, kaso may impaktong nagmbulabog" giit ko.

"Pasalamat ka pa dapat at hinatiran kita ng ulam, napaka sama mo." Saad nito na tila naiinis na.

"Oh ikaw na bahala dyan, maliligo nako." Sabi ko bago nag tungo sa kuwarto para maligo.

Pag katapos kong maligo't mag bihis kaagad akong pumunta sa kusina para kumain, walang ilang ilang na para bang matagal na kaming mag kasama.

Umuwi rin ito matapos niya akong tulungan mag ligpit at mag hugas ng plato. Madali lang rin akong nakatulog dahil sa pagod.

VOTE AND COMMENT!!

KAMSAA 💕

THE UNTOLD STORY OF LAMIARA CORDIBUSWhere stories live. Discover now