Chapter 21

200 14 0
                                    

Natapos ang gabing iyon na puro kami tawanan at tiwala walang nangyaring patayan. Nakauwi din naman agad kami ni Zach kaya maayos ayos ang tulog namin at sabay pa kaming pumasok sa school.

"Kamusta tulog mo?" Tanong ni Zach saakin habang sabay kaming naglalakad papuntang classroom.

"Maayos." Sagot ko. Malapit na kami sa classroom ng makita ko doon si Rio, sinenyasan ko siyang umalis na at susunod na lang mamaya. Tumango naman siya bilang sagot at umalis.

"Ano ba talagang club mo-- by the way samahan mo ako mamaya pagkatapos ng klase." Zach.

"May practice ako."

"Hihintayin kita."

"*sigh* bahala ka."

Nagsimula na ang klase at napansin kong wala sila Ericka at Hunter sa room. Ang tahimik di ako sanay nasaan ba sila?

Hindi din nagtagal ay pinatawag na rin ako sa practice sa taekwondo.

"Nga pala Maxine, alam mo namang falls week ngayon diba?" Tanong ni Rio.

"Oo. Bakit?"

"Kasi... bago tayo pumunta ng Club pwede bang tulungan mo muna ako para sa proposal ko sa manliligaw ko? Tatanungin ko na kasi siyang kung pwede ko ba siyang maging girlfriend eh." Sambit ni Rio.

Napangiti naman ako sa plano niya. "Sure, ngayon na ba?"

"Oo eh. Hangga't tulog pa si Rizon."

"Ok cool, let's go."

"Ito ang plano..." Rio.

***

Pumunta kaming club ni Rio na tila walang nangyaring kakiligan kanina. Hehe. Hindi ko na papabasa yung nangyaring proposal baka kiligin lang kayo eh.

"Thank you talaga maxine." Rio.

"Wala yon. Basta last na yon ah." Me.

"Oo naman." Rio

"Saya niyo ah? Bakit ngayon lang kayo? Sa lunes na yung laban! Bakit ngayon lang kayo?!" Sigaw ni Rizon saamin na siyang nagpatigil saamin ni Rio para pumasok sa locker.

"Sinagot na siya ni Lia." Sambit ko.

"What?" Rizon.

"Naghanda kasi ako ng proposal sakanya kaya ayon... kami na." Rio

"Edi congrats. Eh bakit si Maxine ang sinama mo at hindi ako? Bestfriend mo ako diba?!" Rio. Para siyang baklang nagtatampo.

"Ahmm... pabayaan mo na Rizon--" me

"Bitter ka kasi eh." Rio. "Naalala mo yung ginawa mo nung high school tayo? Sinigaw mo lang naman na magbabreak kami ni Kassy kapag nag isang buwan kami at nangyari yon."

"Ah! Sumpa ka pala Rizon." I said.

"Sumpa?" Rizon. "Paanong sumpa?"

"Wala lang nasabi ko lang." I said again at tuluyan ng pumasok sa loob ng locker room.

"Eh." Rizon.


***



"Maxine ayos ka lang ba?" Tanong saakin ni Rizon pagkaupo ko sa bench.

"Bakit?" Tanong ko at nagpunas ng pawis.

"May napapansin kasi ako sayo eh. May pilay ka ba?" Tanong muli ni Rizon. Doon ko na siya nilingon.

"Pilay? Wala naman.. wala naman akong nararamdaman na sakit. May problema ba sa galaw ko?" Tanong ko sakanya pabalik.

Lumapit siya saakin ng kaunti at inilahad ang dalawang palad saakin. "Pwede ko bang hawakan ang kaliwang braso mo?"

Hindi naman na ako nagdalawang isip at hinarap sakanya ang kaliwang braso ko. Hinawakan niya ito at may pinisil pisil banda sa pulso medyo may ininda akong sakit banda saaking siko.

"Masakit?" Rizon

A-ahh.. wala yan kanina. Paano mo?"

"Kanina habang inaatake ka ni Rio... hindi mo masyado ginagamit ang kaliwa, na siyang madalas mong gawin nung mga nakaraang praktis." Rizon.

"Hindi ko napansin." I said. Bakit hindi ko naramdaman yon? Bakit hindi ko napansin?

"May iniisip ka ba?" Tanong ni Rizon.

To be honest...

"Meron... *sigh* pero huwag kang magalala maayos ko ito agad. Promise. Sige bihis na ako aalis pa kasi ako eh."

"Ganon ba? Sige sige. Maiingat ka ah." Rizon.

"Ikaw din."

I feel so nervous.

I Fallinlove with a BoyishWhere stories live. Discover now