Chapter 2

874 40 2
                                    

Lumabas muna ako ng bahay upang bumili ng makakain para mamayang ala-una ng madaling araw. Lagi kasi akong nagigising ng ala-una ng madaling araw at hindi ko alam kung bakit. Kahit kakain ko lang ngayong 8pm ng gabi at busog na busog ay piling ko magugutom na naman ako. Hindi naman ako tumataba eh. Sek----si? Seksi yun diba? Oo, yun ata yun. Basta wala akong taba. Pero may laman din kahit papaano.

Nakasuot ako na itim na jacket na may hood at jogging pants na medyo makapal na itim din. Nagmask na rin ako baka mahamugan pa ako. Mahal ko pa buhay ko kahit piling ko patapon na. My dad die 1 year ago and my mom 2 months ago. My dad die because of his cancer and my mom die because of the car accident. Sabay nila akong iniwan at sabay din nilang iniwan saakin ang nga kayaman nila. Yung parang pinagplanuhan na nila ang lahat, na bago sila mamatay dapat nasaakin na lahat ng kayamanan nila.

Nakarating ako sa 7/11 na walang masyadong tao. Malapit lang ang 7/11 sa village kaya pwede lang lakarin. Kumuha ako ng tatlong cup noddles na maaanghang at tatlong tubig din. Bumili na rin ako ng kailangan ko sa bahay at katawan. Apat na pala ang kinuha ko dahil bigla na naman akong nagutom. Dito ko na kakainin ang isa at sa bahay na ang tatlo.

Agad naman akong nakahanap ng mauupuan dahil wala ngang masyadong tao. Naghintay ako ng 5 minutes at tsaka ko kinain ang noodles. Malamig ang panahon at pati na rin dito sa loob ng 7/11 kaya sulit ang init na humahagod saakin lalamunan. Hindi ko maiwasang tumingin sa binta dahil bigla kasing may lalaking naglalakad magisa at parang pares kami na nakahiwalay dahil halos magkaparehas kami na suot na damit. Hindi ko na lang iyon pinansin at kumain na lang ulit. Baka hindi sinasadya iyon at nagkataon lang.

Lumabas na ako ng 7/11 at naglakad na ulit papuntang village. Sobrang lamig na at talagang manginginig ka sa sobrang lamig. Papasok na ako sa village ng makita ko ang lalaki na kaparehas ko ng suot na may yumayakap mula sa likod nito. Hindi ko alam kung niyayakap niya madilim kasi sa parte kungnasaan sila ng kasama niya na yumayakap sakanya. Ngunit ng may nakita akong kumislap mula sa gilid ng lalaking kapareha ko ng damit dahil biglang may dumaan na motor. Ay nalaman kong hinoholdap pala siya at hindi siya niyayakap. Suot ko ang mask ko kaya mabilis akong lumapit doon sa lalaking nasa likod ng kaparehas ko ng suot. Hinawakan ko ang balikat niya ng siyang mabilis naman niyang inilingon. Isang malakas na suntok agad ang lumapat sa mukha niya dahilan upang siya'y mawalan ng malay.

Tinignan ko ang lalaking kaparehas ko ng suot. Nakamask din ito ngunit nakasalamin nga lang siya.

"Hinoholdap ka ba niya?" Tanong ko sakanya.

"Ah, oo. Salamat." Sabi nito.

"Ok, sa tingin ko kailangan mo ng umalis dahil may mga kasama ang gagong toh."

"Paano naman nalaman na may kasama yan?" Seryoso ang boses niya, kung hindi siya nakasalamin sigurado akong naniningkit na ang mata niya dahil sa sinabi ko.

"Nakasalubong ko kasi ang mga kasama niya kanina. Kaya umalis ka na."

"Ikaw?"

"Ako? Kaya ko sarili ko. Ikaw nga eh. Kutsilyo lang natatakot ka na at hindi mo pa malaban-laban."

"Huh? Aba't para sabihin ko sayo ako ang nagpatumba sa kanila." Sabi nito at tinuro pa ang ibang mga lalaking nakahiga na sa daanan. Teka? Hindi ko sila nakita kanina ah? Hala! Sobrang dami palang kasama ng gagong ito. Teka? Sinabi niya bang siya ang nagpatumba dito? Wow! Magaling siya! Astig.

"Ganon? Sila lang? Ayan lang? Pito? Ang konti—" Hindi ko natapos angsasabihin ko ng biglang may sumigaw ng grupo ng mga lalaki mula saaking likod. Nilingon ko sila at laking gulat ko na parang mas dumami ata sila. Mukhang gang ang aming nakabangga kaya ganito sila kadami.

"Geez!" Rinig ko ng sabi ng lalaki sumakay agad ito sakanyang motor at mabilis na pinaandar. "Sakay!!" Utos nito saakin.

Tumingin lang ako sakanya ng may pagtataka saaking mukha. Bakit niya ako pinapasakay sakanyang motorsiklo? Hindi ako umaangkas sa mga ganyan o may umaangkas, ayoko nga ng skinship diba.



"HOY!!! KAYO!!!"



Mukhang wala na akong chance dahil papalapit na ang mga lalaking hindi bababa sa benteng mga kabataang lalaki.

"Sakay na gusto mo bang mamatay? Hindi mo sila kaya!! Babae ka lang! Sakay na!!"

Ewan, pero agad akong nainis sa mga salitang binitawan niya.

"Babae lang ako? Para malaman mo, isang daan ng lalaki ang naisugod ko sa ospital kaya—"

"Kaya ano?! Isusunod mo ang sarili mo sa kanila?! Na ikaw na ang maisugod sa ospital at hindi sila? Baka nga hindi lang ikaw sa ospital isugod eh! Kaya kung ako sayo sumakay ka na. Huwag ng matigas ang ulo! Sakay!"

Ngayon parang bumalik ang pagiging babae ko at mabilis na sumakay sakanya at sinuot ang helmet na ibinigay niya saakin. Sa mga oras na ito hindi ko inisip na ayoko ng skinship at hindi ako ang boyish na matapang. Bakit sa mga salita ng mga lalaking ito na ngayon ko lang nakilala ay ako'y mabilis na nanghihina? Naalala ko sakanya ang akin kaibigan dati.


Mabilis siyang pumasok sa gate ng village namin. Medyo nalagpasan niya ng bahay ko ng isang kanto. Mabilis akong bumaba ng maihinto na niya ang kanyang motor. Mabilis ko ding hinubad ang suot kong helmet at ibinigay sakanya. Mabilis na rin akong naglakad papalayo sakanya. Sigurado akong hindi makakapasok ang mga gangster na iyon dahil malakas ang security ng village na ito.

"Teka saan ka pupunta?" Tanong nito at hinarangan ako sa paglalakad.

"Uuwi."

"Uuwi? Lalabas ka nanaman ng village—"

"Lumagpas ka ng isang kanto sa bahay ko. Kaya maglalakad ako pauwi."

"Teka, sorry nga pala sa mga sinabi ko kanina. Hindi ko sinasadya iyon, gusto ko lang naman maligtas ka at hindi mapahamak. Sa katunayan humanga ako sa sinabi mo na may 100 kanang lalaking naisugod sa ospital kaya—"

"Tama."

Agad ko siyang nilgapasan bago pa ito magsalita ng kung ano-ano. Hayst! Sobrang nawalan ako ng mood ngayon. Nakakinis! Anong meron sa gabing ito? Ugh! Walang nangkahit na sinong lalaki ang nagsabi saakin ng mga ganoon salita maliban saaking kababata.




"Babae ka lang!!!"

I Fallinlove with a BoyishWhere stories live. Discover now