Chapter 17

263 14 0
                                    

MAXINE'S P.O.V

"HAPPY BIRTHDAY!!! ZANDER!!!" Sigaw namin ni Faye.

"What?! Paano niyo nalaman?" Gulat na gulat na tanong ni Zander saamin.

"Sinabi saakin ni Faye kanina bago ako makaalis sa room. Nang malaman ko iyon ay agad kaming nagset ng time ni Faye para i-suprise ka sa birthday mo. Hindi lang pala 'Falls day' kung birth day mo din. Happy birthday." Tinap ko siya sa balikat at ganon din ang ginawa niya saakin.

"Salamat Max. Nga pala bakit hawak mo yung kandila? Dapat nakalagay yung kandila dito sa cake."

Nagkatinginan naman kami ni Faye sa sinabi ni Zander. "Ganon ba yun? Sabi ni Max ay hahawakan na lang daw niya yung candle kasi baka mapatakan yung cake hindi na natin makain." Faye.

"Bakit? Gusto mo bang mapatakan yung cake mo? Ang mahal kaya niyan." Sambit ko at sinuntok siya ng mahina sa braso.

"Hahahahaha! Pabayaan mo na yan! Kakantahan ka pa namin!" Faye.

"Talaga? S-sige nga!" Kinuha ni Zander ang cake sa kamay ni Faye at nagulat ako sa biglang ginawa ni Zander dito.

Masaya naming kinakantahan si Zander ng happy birthday ng biglang pumasok si Hunter sa room. Tila galit na galit ito at hindi makapaniwala sa nakikita. Well, hindi lang kami basta kumakanta dahil yakap-yakap ngayon ni Zander si Faye.

"Anong?! Anong nangyayari dito?! Bakit kayo magkayakap?! Huh?!"
Nakakabinging sigaw niya.

Muntik na mamatay yung kandilang hawak ko. Kumawala si Faye sa pagkakayakap kay Zander habang si Zander naman ay inilapag yung cake sa lamesa. Anong ginagawa ng lalaking toh dito?

"Anong ginagawa mo dito?!" Sigaw din pabalik ni Faye kay Hunter. Hindi naman nakasagot si hunter.

"Hunter leave. Sinisira mo yung suprise birthday party namin kay Zander." Kalmadong pagpapaalos ko kay Hunter.

"Birthday? Party? Suprise? Eh kung suprise birthday party ito bakit kailangan magkayakap kayo?!" Sumisigaw na naman siya.

Its weird but I smell something fishy.

I smirk. "Why hunter? Are you jealous?"

Hindi nakasagot si Hunter sa tanong ko at tumakbo palabas ng science club. Nakita ko pa ang anino ni Zach at hinabol si Hunter. His here. Why? Is he following me?

Kahit nasira ng kaunti ang party ay tinapos parin namin iyon na masaya. Naghiwa-hiwalay na kami dahil kailan na nilang bumalik sa room at ako ay sa club. Naabutan ko sila Rio at isang members ng club na si Julian na naglalaban. Nakita naman ako ni Rizon at tinanguan lang, tinanguan ko din siya at pumasok sa locker room.

Habang nagbibihis ako ay nakatanggap ako ng text sa cellphone ko, mula kay Faye.

Faye:

- Max si Zander ito, pwede ba pumunta ka ulit sa science club? Kasi naiwan ko yung phone ko sa loob ng room.

Hmm... hindi na ako pwede lumabas ng club. May phone number naman ako ni Hunter na ibinigay saakin ni Faye. Siya na lang ang papapuntahin ko doon.

"Hunter."

[Sino toh?]

"Si Maxine, may gusto lang akong itanong."

[Ano yun?] pabulong na sagot niya. May teacher ata sa room.

"Marunong ka ba magbukas ng doorknob?"

[Oo naman. Bakit?]

"Pumunta ka sa science club, naiwan ni Faye yung phone niya doon--"

[*toot*]

Hindi ko pa natatapos yung tawag ay namatay na ito. Baka nahuli? O tumakbo na papunta sa club?

FAYE'S P.O.V

Hi! I'm Faye! Hihi.

Ngayonnay kinakalikot ko ang doorknob ng science room dahil naiwan ni Zander ang phone niya sa loob at kailangan naming makuha agad iyon dahil may importanteng tawag na kailangan si Zander. Tawag mula sa inaapplyan niyang part-time job.

"Ako na nga." Hinatak ako ni Zander patayo at kinuha ang hair clip na hawak ko. Siya naman ang pumalit sa pwesto ko at kinalikot din ang doorknob.

"Ano ba namang katahan yan oh!" Isang sigaw ang nagparindi sa tenga ko. Sa hindi kalayuan ay nakatayo doon si Hunter habang nakapameywang.

"Anong ginagawa ng lalaking yan dito?" Tanong ni Zander saakin.

"Ewan ko." Sagot ko naman.

Tumakbo siya papaunta sa dereksyon namin at nang makalapit na siya ay kinuha ni Hunter ang hair clip kay Zander at inihagis ito sa malayo. Sa sobrang gulat ay napatayo na lang ako ng deretso sa ginawa niya. Ano bang ginagawa ng lalaking ito dito?

"Hoy! Mr. President anong ginagawa mo dito?" Nakapameywang na tanong ko kay Hunter.

*click*

Isng tunog na ng doorknob na nagbukas ang tumunog. Binuksan ni Hunter ang pinto ng science club agad namang pumasok sa loob si Zander at kinuha ang phone niya sa loob. Tinitigan ko lang si Hunter habang nakatayo sakanyng pwesto.

Masaya namang lumabas si Zander sa science club habang may kausap sakanyang cellphone. "Thank you, pre ah!" Tinap niya si Hunter sa balikat sunod naman ako. "Maya ulit Faye."

Tinanguan ko lang siya at ningitian.

"Hindi mo cellphone yung naiwan sa loob?" Tanong ni Hunter saakin.

"Hindi." Maikli ko namang sagot.

"Pero sabi ni Maxine ay phone mo daw yung naiwan sa loob?"

"Baka na misread lang niya yung message ni Zander sakanya pero thank you ah! Tinulungan mo yung kaibigan ko!" Ningitian ko siya ng pagkalaki-laki at tinap din sa balikat. "Tsaka, sabi ni Maxine?"

"Oo, pinapunta niya ako dito dahil sabi niya ay naiwan mo daw yung phone mo sa loob. Tsk."

"Ah? Eh bakit parang galit ka? Teka? Galit ka ba kasi hindi yung phone ko yung naiwan sa loob?" Hindi siya sumagot sa tanong ko. "Kung sa una palang alam mo nang kay Zander yung naiwan na cellphone sa loob, magmamadali ka rin bang pumunta dito?"

"Hindi! Bakit ko naman gagawin yong bagay na iyon sa lalaking yon? Bakit ikaw ba siya?" Sambit niya saakin. Medyo mataas ang boses niya.

"Bakit? kailangan na ako yon?"

Naka-awkward naman ng mga nangyayari ngayon, hindi ko alam kung ano pa ang mga susunod kong sasabihin.

"Hayst! Alam kong ayaw mo kay Zander pero natulungan mo siya kasi magkakaroon na siya ng trabaho dahil sa ginawa mo. Hihi! Kaya malaki din ang pasasalamat ko sayo noh!"

Gusto kong mawala na yung awkward kaya gagamitin ko na lang ang pagiging hype ko.

"Tsk." Tinabig niya ang kamay kong nakahawak sa balikat niya tsaka naglakad palayo.

Anong problema non?

I Fallinlove with a BoyishWhere stories live. Discover now