Chapter 7

489 19 0
                                    

Nagising ako ng ala-una ng madaling araw at sobrang gutom na gutom ako dahil hindi ako kumain kanina nung nabasa ko yung sulat niya. Mukha hindi na ako makakatulog pa dahil hapon palang ay tulog na ako.

Nasa kalagitnaan ako ng pagkain ng biglang tumunog ang cellphone ko.

1 message...

From: Shua

Hi! Maxine! Sorry kung hindi kita na te-text minsan o nung mga nakaraang araw sobrang busy ko kasi eh. I know you awake, kaya ngayon na ako nagtext. Nakauwi na ako, totally nandito na ako sa naia. Kita naman tayo oh.



Pagkatapos kong basahin ang message ay tinuloy ko na ulit ang pagkain ko. Ano ngayon kung umuwi siya? Yung nalamang ko ngang nameet ko na ang childhood friend ko wala akong reaction. Ngayong nakauwi pa siya? Wala akong ganang i-text noh Hayst!

To: Shua

I'll back up now in the partnership. Don't text me anymore.

Bago ko pa isend yung text ko nakatanggap ulit ako ng message galit sa kanya.


From: Shua

About sa issue. Alam kong nalaman mo na. Thats not true. Ok! Text me!


"Tsk."

Sending.....

Send.

Block the number.

Are you sure? You want to block this number?



Yes or No


The number is block now.



Tama lang naman ang ginawa ko at hindi ako galit. Kailangan kong magpalamig kahit malamig na ang panahon ngayon at ang aircon. Dahil sa hindi na nga ako makatukog ay nagtrabaho na lang ako. 5 hours bago ako magprepair sa school.

Paglabas ko ng gate ay agad na bumungad saakin si Zach na nakatayo sa tapat ng bahay niya habang nakapamulsa. Nasa harap din ng gate niya ang kanyang motor. Hindi ko siya pinansin at sumakay na lang sa bike ko. Nakakainis lang dahil hindi maalis-alis ang mata niya saakin kahit nagpe-pedal na ako. Binilisan ko na lang ang pagpedal para tumigil na siya. Palabas na ako ng gate ng village ng biglang may humarurot na motor sa gilid ko. Agad akong napapreno dahil sa malakas na hangin at gulat.

"Shit!" Mura ko. Anong kinakana niya? Is he angry?

"Ms. Han! Ok lang po kayo?!" Sigaw ni manong gaurd mula sa gaurd house niya.

Nag-thumbs up lang ako at nagpedal na ulit. Bwusit. Pagkadating ko sa school ay agad kong pinark ang bike ko sa parking lot. Pahirapan ang pagkadena dahil medyo lumana ang padlock at nangangalawang na. Nang ok na ay umakyat na agad ako sa room. Habang naglalakad ako ay mapapansin mo ang kanilang mga titignan na parang may mga kahulugan. Ibang-iba ang tingin nila ngayon kaysa nung isang araw. May problema ba? May nangyari bang hindi maganda? Paliko na ako sa ibang hallway ng may marinig akong bulungan.

"Bakit anong nangyari?"
"May nakakita daw kay Zach na lumabas ito sa bahay niya."
"Talaga?"
"Oo at balita ko. Bigla daw siyang umatras sa partnership nito sa Aldin company."
"Bakit daw?"
"Dahil daw kasi sa isyu eh. Akala kasi niya na aalis ang Aldin company sa pakikipag-partnership sa kanya kaya umatras."
"Mukha nagkatotoo ang isyu baliktad nga lang. Siya ang umatras."
"Oo nga noh-" Natigilan ang dalawang baklang nag-uusap ng lumabas ako sa pwesto ko. Gulat na gulat sila ng makita nila ako.

"So... Kaya pala kayo ganyan makatingin? Mr. Cruz and Mr. James?" I said. I see their name in their I.D. "Can I remember your? Wait. You look two familiar? Ow! Yes! Ang dalawang company na nangutang saakin pabagsak na sila. Ang yaman nga talaga ng mga tao dito. Kaso, kakaiba ang mga isip at ang mga bunganga niyo. Don't worry, hindi ko pa naman kayo sisingilin sa mga utang niyo na 3 million. I will give you a week. Tell that to your dad, you too." Pagturo ko kay Mr. James. "Bye."

At agad ko silang iniwan doon maluha-luha na ang mga mata. Siguradong paglabas ko mamaya ng room ay kalat na agad ang ginawa ko sa dalawang bakla. Mukha hindi pa nga alam ng mga magulang nila na bakla sila eh. I remember them, isa ang pamilya nila na nangutang saakin dahil sa pabagsak na kumpanya. Salamat nga sila at hindi ko sinabing sasabihin ko sa pamilya nila ang totoong anyo nila eh. Mas mabuti ng pera ang kapalit kaysa naman palayasin sila ng mga magulang nila. Pero teka? Parang ganon din ang mangyayari ah pagsinabi ko sa parents nila na bakla sila diba? Tsaka hindi ko sila tinakot. Sinabihan ko lang sila.

"Hi Maxine! Nalaman ko Archery ka din ah! Halika sabay tayong pumunta doon mamaya sa club room. May practice kasi tayo eh." Masayang bati saakin ni Ericka habang papunta ako sa upuan.

"Ganon ok." Maikling sagot ko.

"Nga pala-" Hindi naituloy ni ericka ang sasabihin niya ng biglang may tumawag sa pangalan ko.

"MAXINE!! TAWAG KA SA GUIDANCE!!" Boses iyon ng Presidente ng room. Bakit kailangan niya pang-isigaw?

"Tsk." Ayokong pumunta.

"Guidance? Bakit?" Nagtatakang tanong ni ericka.

"Pagkatapos ba ng klase ang practice?" Pagiiba ko ng usapan.

"Oo! Yiee! Excited na akong makita kung gaanon ka kagaling-" Hindi ulit na tapos ni Ericka ang sasabihin niya ng bigla nanamg sumigaw si Hunter. "

"MAXINE!! PINAPAPUNTA KA SA GUIDANCE!!"

"Tsk." Napataray na lang si Ericka kay hunter na masama ang tingin saakin. "Maxine, sama ako." Nakangiting sabi niya.

"Anong gagawin mo doon?" Tanong ko.

"Wala lang *ngiti*" ericka.

"Wag na dito ka na lang. Turuan mo na lang ako sa mga topics na na-miss ko kahapon at mamaya." Sambit ko.

"Ay ok." She smile again.

"MAX-" Hindi na ituloy ni Hunter ang pagtawag sa pangalan ko ng sumigaw na si ericka.

"MANAHIMIK KA HUNTER!!! NARINIG KA NG TAO!!! KAILANGAN ULIT-ULITIN?!! PUPUNTA NA!!" Hindi na nakapagsalita si hunter at nanahimik na lang. "Bye!"

Agad akong tumayo sa kinauupuan ko at bago ako makalabas ng room ay agad na sumalubong saakin ang mukha niyang walang expression. Tinignan ko lang siya saglit at nilagpasan na siya. Problema niya?

"Boyish ba siya?" Rinig kong bulong ni Hunter kay Zach.

"Boyish. Oo." Sagot ni Zach kay Hunter na mukhang tulalang-tulala sa sinabi ni Zach.

"BOYISH SIYA?!! AKALA KO TOMBOY!"

Fuck you! Hunter!

I Fallinlove with a BoyishWhere stories live. Discover now