Chapter 10

422 14 0
                                    

Naalimpungatan ako sa tunog ng bell kaya naman agad akong tumayo sa kama. Lumabas agad ako ng clinic at nagtungo na sa classroom. Hindi ko na nakita ang tatlo doon kaya umalis na ako at kung nandoon man sila iiwan ko na sila doon.


Pagkarating ko sa room ay nakasabay ko sa pagpasok ang teacher namin ningitian lang niya ako at pumunta na sa harap. Lito man ako sa ginawa niyang pagngiti hindi ko na lang iyon pinansin at umupo na saaking upuan. Nakita ko rin si Ericka na nasa upuan na niya at natutulog. Napagod ata sa gera. Pagkaupo ko ay ang sabay na pagpasok naman ni Zach hindi niya pinansin ang teacher at dumerestso lang sa upuan niya sa tabi ko.


Nakita ko sa gilid ng mata ko ang pagtingin niya pero saglit lang at tumingin na ulit sa harap. Medyo inaantok pa ako dahil sa biglaang gising ko kaya malamya ang mga mata kong nakatinginsa harap. Nagsimula ng magdiscuss ang teacher namin ngunit napansin kong hindi mapakali ang katabi ko. Gusto ko man tignan pero importante ang tinuturo ng teacher namin dahilay quiz mamaya.


"Ok! Maglabas ng 1/4 sheet of paper, bilis! 10 minutes na lang at magta-time na ako. Number 1!" Sigaw ng aming teacher na nagmamadali na.


Agad akong naglabas ng papel at sinulatan ng pangalan ko. Napansin kong hindi kumikilos ang katabi ko kaya saglit akong napatingin sakanya at nagtignan ko siya ay nakatingin lang ito saakin. Umiwas agad ako at nagsimula ng magsagot. Mukhang wala siya g balak magsagot at wala akong pake-doon. Ow shit! Why he staring at me? Kanina pa kaya siya nakatingin saakin? Tsk. Kanina pang umaga.


Natapos po ang quiz at perfect ako kaya naman napangiti ako saglit.


"Kung ngingiti ka lagi mas bagay sayo." Napa-angat naman ako ng tingin dahil sa sinabi ni Hunter na nakangiti ng malawak.


"You flirting her?" Tanong agad ni Ericka ng makaupo siya sa tabi ni Hunter.


"No, I'm not. Siguradong pagginawa ko yun wala na ako bukas." Nakangiti parin sabi nito.


"Haha." Sarkistong tawa ni Ericka at agad na tumingin sa katabi ko. "Kuya Zach! Bakit mo sinaktan si Max? Namamaga kanina ang kamay niya pagdating niya sa clinic."


"Ano?! Kaya ba may bandage yang kamay mo, Max?" Gulat na tanong ni Hunter na mistulang nagaalala dahil sa nangyari. Bakit ba kasi kailangan pang itanong ni Ericka yon?


"Maxine is Her name and Not Max." Zach.


"Bro! Mas bagay sakanya yon kasi boyish siya." Hunter. Napatango-tango naman si Ericka bilang pagsang-ayon.


"Oo nga! Kuya Zach! Hindi ikaw ang magdedesisyon sa itatawag namin kay Max! Ok? Halika ka na Max uwi na tayo."


"Huh?"


"Wala ng klase, umuulan ng malakas sa labas! Halika na!" Sabi ni Ericka at mabilis na tumayo sa upuan niya. Tumayo na rin ako at kinuha ang bag ko. Sumunod ako kay ericka at lumabas na kami ng room.


"Bukas na lang ulit bye!" Pagpapaalam ni Ericka habang umaalis na ang kotseng sinasakyan niya. Kumaway na lang ako bilang pagpapaalam.


Nakauwi naman ako ng maayos sa bahay at buti na lang hindi ako naabutan ng ulan. Pagkabihis ko ng damit ay agad akong nakatanggap ng text at doorbell. Una kong kinuha ang cellphone ko at tsaka nagtungo sa pinto. Pagkabukas ko ng cellphone ko ay text ni Shua ang nakita ko pero pagbukas ko ng pinto ay si Zach naman ang nakita ko. Anong ginawa nito dito?



"Bakit?" Tanong ko.


"Ahm.. Oh!" May inilabas ito mula sa kanyang likod na isang container. "Lugaw ang laman niyan, kumain ka. Oh!" Kinuha niya ang isang kamay ko na nakahawak sa doorknob at pinahawak saakin ang dala niya.


"Baka-"


"Wala yang laso, yaya ko gumawa niyan." Seryosong sabi nito at tumalikod na at lumabas ng gate.


Napatango-tango na lang ako at pumasok ng bahay. Pagkasarado ko ng pinto ay agad akong dumeretso sa kusina at nilapag sa lamesa ang container. Muling tumnog ang aking cellphone ng tignan ko ay kay Ate shin naman galing ang text. Una kong tinignan ang text ni ate shin na sobrang haba.


From: Ate Shin

Hi! Max!


Ang haba diba? Kung makapagtext parang ngayon lang gumamit ng cellphone. Nagtext naman ako pabalik.



To: Ate Shin

Hi 🙂



Pagka-reply ko ay kay Shua naman.



From: Shua

Max papunta ako sa inyo ngayon. Maghanda ka ng pagkain diyan na ako kakain! ☺



Agad naman akong napabusangot ng mukha dahil sa nabasa ko at sa biglaang pagdoorbell. Dali-dali akong tumayo at lumabas ng kusina, bubuksan ko palang sana ang pinto ko ng bigla na lang ito bumukas. Pumasok siya sa loob at mabilis na sinara ang pinto hingal na hingal din ito at mistulang hindi mapakali.


"Zach? Ano na-" Hindi ko na tapos ang sasabihin ko ng bigla siyang tumakbo papunta sa kwarto ko. Sasara na sana niya ito ng mabilis ko itong mapigilan. "Hey! Ano ginagawa mo diyan?! Lumabas ka!"


"Just 1 hour please! Nandyan ang pinsan ko! Nakita ko! Please lang 1 hour! Wala naman akong gagawin dito sa kwarto mo eh!"


"Why?!"


"Papantayin ako non! Sige na please!"


"O sige! Basta wag mong isasara ang pinto-" Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng tuluyan na niyang naisara ang pinto. Napasipa na lang sa pinto dahil sa sobrang inis! No boys allowed sa kwarto ko! Bubuksan ko na sana ulit kaso naka-lock na. "Ugh!"


Babalik sana ulit ako sa kusina ng biglang may magdoorbell na naman. Sa sobrang inis ko padabog kong binuksan ang pinto at tumambad saakin ang mukha matagal ko ding hindi nakita. My second childhood friend na tinuring akong totoo.


"Max. Long time no see!" Nangiti nitong sabi habang kumakaway pa.


"May pinsan ka ba?" Bigla kong naitanong sakanya ng maalala ko si Zach.


"Oo, nakita ko nga siya kanina kaso biglang tumakbo tapos yon. Hindi ko na siya nakita at kung makikita ko man siya lagot siya saakin."



"You killing him?" I asked again.



"Yeah! Pasok na ako ah!" Sabi nito at nagdere-deretso na sa pagpasok sa bahay ko.



Ibig sabihin magpinsan sila Zach at Joshua? Pero paano?

I Fallinlove with a BoyishWhere stories live. Discover now