Chapter 32

433 12 0
                                    

Agad akong nag punas ng luha at pinilit na mag pakatatag ng lumabas ako sa bathroom

Dahan dahan akong lumapit sa library at wala na akong naririnig na usapan.

Huminga ako ng malalim bago kumatok

"Sino yan?" dinig ko ang boses ni tita Zeyha

"Ah tita, tawag ka ni mommy. Can I come in?" tanong ko dahil baka nasa loob pa sila Azriel

"Yeah. Pasok ka" sambit niya kaya naman binuksan ko ang pinto.

Siya na lang ang naroon at wala ng iba

"Kanina ka pa diyan?"

"Ah... hindi po" pag sisinungaling ko sa kaniya.

"Tara na sa baba?" tanong niya sa akin at tumango ako tsaka kami sabay na bumaba.

Nakita ko si Azriel na kaharap ngayon si Acxel at Lucas pero siya ay nanatiling naka titig sa hawak niyang baso na may alak.

Napaiwas ako ng tingin ng mag tama ang mata naming dalawa

"Did you cry?" tanong ni Iyah na nakatitig sa mata ko

"H-ha? H-hindi!" pag tanggi ko agad "hindi. Napuwing lang ako kanina" malumanay kong sambit tsaka nag kunwaring kinusot ang mata.

"Si Z?" pag iiba ko

"Kasama ni Elton sa kitchen"

Tumango naman ako sa sinagot sa akin ni Iyah at kinuha ang baso ng wine.

I still can't forget what I heard earlier. Is Azriel really the daddy of Z? But how? I can't process it in my mind.

Lalo na kapag naiisip ko na kaya siya lumalapit sa akin ay para mapalapit siya sa anak ko.

Napalingon naman ako kay Azriel na nakikinig sa kwento ng pinsan ko.

"You okay?" napalingon naman ako kay Iyah ng mag salita siya

"Ahm. Yeah"

"Sure? Kanina ka pa tulala e"

"O-okay lang naman ako. Why?"

"Well. Hindi ka mukhang okay. You have problem?"

"Wala ah. Don't worry about me" nakangiting sambit ko para masigurado sa kaniyang ayos lang.

"Tsk. Stop pretending. I know you're not pero  hindi kita pipiliting sabihin pa iyon sa akin" natatawang sambit niya sa akin pero alam kong seryoso siya.

Natahimik na lang ako at muling tinitigan si Azriel.

Hanggang sa kinabukasan ay iniisip ko pa din ang lahat ng narinig ko at maging sa pag uwi namin ay hindi ako umiimik.

Ilang beses na akong tinanong ni Azriel kung ayos lang ako at ilang beses din akong nag sinungaling at nag peke ng ngiti sa kaniya

"Z, can you go first na. I have to tell something to tito Az" sambit ko at tumango si Z sa akin bago siya pumasok sa loob ng bahay

Agad ko namang nilingon si Azriel

"What are you going to tell me?" He asked

Nanatili akong nakatingin sa kaniya. Lalo na sa mata niya. I knew it! Kaya pamilyar sa akin ang mata niya dahil pareho sila ng mata ni Z.

"Hey, Atasha?"

"Wala ka bang sasabihin sa akin?"

"Uhmm... wala. Sabi mo ikaw ang may sasabihin e" inosenteng sagot niya.

Really? Hindi niya sasabihin sa akin

"You sure? Walang bumabagabag sa isip mo na kailangan mong sabihin sa akin?" pag uulit ko dahil baka mag bago pa ang isip niya at sabihin sa akin na siya ang tatay ni Z.

Waves Of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon